13 | Best friend

155 10 0
                                    

Follow me!! Always practice social distancing and keep safe ❤🌻

He ran towards the elevator. Bago iyon sumara ay nakaabot pa siya. Tumingin siya akin nang malalim.

"Anong label muna bago kiss, naka- tatlong beses na nga tayo eh," sabi niya tapos unti- unting lumapit sa akin.

"Diyan ka lang!" sabi ko sa kanya habang natatawa dahil lapit siya nang lapit.

Magsasalita pa sana siya nung may pumasok sa loob ng elevator. Nginitian lang namin iyon. Dumiretso na kami sa office ng news department.

"Good morning Kylie! sabay na naman kayo ni Kean?" bati ni Cassey.

"Syempre," he answered kahit hindi siya ang tinatanong.

Umupo na ako sa seat ko. Lumapit sa akin si Cassey.

"Anong meron?" bulong niya.

"Saan?" bulong ko rin sa kanya.

"Sa inyo,"

"Nino?"

"Nako Kylie, alam mo naman kung anong tinutukoy ko eh." sabi sabay iling.

"Hindi ko alam," sagot ko naman.

"Sus!" sabi niya sabay hampas sa balikat ko. Pagkatapos ay bumalik na siya sa upuan niya. Pumunta na kami sa press conference para sa briefing ng mga news topics.

Noong mapanood na namin ang episode ng news, inayos ko na ang nga gamit ko. Ilalagay ko na sana sa likod ko yung backpack nung kunin bigla ni Kean iyon.

"Ako na ang magdadala," hindi na lang ako nagsalita at hinayaan siya na dalahin iyon. Pinagbuksan niya ako ng sasakyan.

Tahimik lang kami sa byahe dahil na rin siguro sa pagod. Ibinigay na niya sa akin iyong bag niya noong nasa harap na kami ng pintuan.

"May gagawin ka ba sa next Saturday?"

"Next Saturday?" inisip ko kung may pupuntahan ako pero wala naman.

"Wala naman, why?" tapos kinuha niya sa bulsa ko yung ticket at ibinigay sa akin.

"Sana matuloy na tayo diyan," then he entered his apartment.

It was a ticket ng concert for a cause ng Ben and Ben. I placed it inside my bag. Nagbihis na ako at humiga sa kama.

I was staring at the ceiling when I heard my phone ringing.

"Kylie! May gagawin ka ba bukas? Let's meet," it was Indira.

"I have no plans for tomorrow,"

"Tara sa mall bukas. Ibibili ko si Andrei ng gift for our 4th month! Wala na akong maisip kaya plese help me!" for Andrei. Mas lalo lang humihirap para sa akin kung paano ko sa kanya sasabihin ang nangyari sa Maldives.

Papatayin ko na sana ang phone ko noong nakaramdam ako ng nag- vibrate iyon. It was a text from my mother again.

[Good night, anak. Mom loves you so much.] I put my phone under my pillow. I didn't reply. I need some time to think.

During the time that I need my mom the most, she wasn't there. Noong naghiwalay sila, sa halip na magdamayan kaming dalawa, wala siya. At first, wala lang iyon sa akin. But as years passed, I realized how I needed her, and how she is not there for me.

"Noong first month namin binigyan ko siya ng necktie," pagke- kwento ni Indira.

"Necktie?" tanong ko. She is a hopeless romantic kaya ganito siya when it comes to love. She could do worst things for the person she loves. I had seen this when we were in college.

Behind Every Regret (The Untold Tales Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon