Twenty.

3 0 0
                                    

".....Nagkakutob ako na itutuloy niya nga yung plano nyang yun kaya dito ako nagtransfer. Para mabantayan kita from his stupid plan. And I really don't know bakit may babaeng umeksena, maybe that's his way para maka escape sa relationship niyo. Para di siya maguilty na meron na siyang iba. Or para may rason siya na iwan ka.  I don't know. Kaya andito ako ngayon sa harap mo, saying all of these kasi ayoko na may nakikita akong nagsusuffer the way na nagsuffer ako ng mawala si Kath...'coz that was hell...really."

Plano? Test? What the????


Sa tagal na namin ni John, may mga plano pa siyang katulad nito? Wala ba siyang tiwala sa akin? Hindi naman ako magloloko ah. Pero bakit may ganito pa???




O talagang may iba na siya kaya may ganito siyang plano. Super stupid!!! Sobraaaaa! Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman.




Ayaw kong kainin ako ng galit ko sa kaniya pero sobrang sakit...sobra!




*paaaakkkk*



Hindi ko napigilan ang sarili ko, nasampal ko si Phen...




"Test? Stupid plan? Yep! Very stupid! Sobrang childish! Hindi ka sumang-ayon sa kaniya pero parang sa ginagawa mong ito ngayon, parang may iba ka pang plano bukod sa plano niya! Ano? Kaya mo ba ko inalok ng kasal dahil may plano ka din? Sabihin mo na! Habang maaga pa."




Galit at sakit yung nararamdaman ko ngayon! Galit kasi walang tiwala sa akin si John. Sakit kasi sobrang mahal ko siya, sobra! Pero wala siyang tiwala sa akin? At kailangan niya pa kong gantuhin? Sobrang childish lang ng plano niya. Tumalikod ako kay Phen at naglakad papalayo sa kaniya. Gusto ko muna mapag-isa. Gusto ko mag-isip. Ganun ba ko di ka worth it kaya kailangan i-test pa? Para saan ba yun? Alam naman niya na mahal na mahal ko siya eh.






Hinabol ako ni Phen, hinablot niya yung isa kong kamay kaya napatigil ako sa paglalakad...




"C'mon Cams! Look! I'm sorry. Gusto kitang tulungang makalimutan mo siya. Gusto kong makatulong kaya andito ako ngayon. I'm sorry. Kakampi mo ko dito, hindi mo ako kaaway."






"Gusto mong makatulong? Bitawan mo kamay ko at hayaan mo kong makapag-isa muna! Pwede ba yun? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Mahal na mahal ko siya pero bakit ganun? Kulang pa ba yung pinaparamdam at pinapakita ko sa kaniya? Kulang pa ba? Kung may iba na siya bakit di na lang niya sinabi sa akin ng deretso? Bakit kailangan ganito pa? Bakit???!!"





Sinusuntok ko na si Phen pero para maitigil ko yung pagsuntok ko sa dibdib niya, niyakap niya lang ako. Sobrang higpit. Na parang gusyo niyang iparamdam na safe ako sa kaniya.





"Shhhh. That's enough Cams! You'll get over it. Andito ako. Andito lang ako. Tutulungan kita."





Hindi ko alam pero ramdam ko na talagang may something sa sa pagyakap niya sa akin ngayon. Ramdam na ramdam kong safe ako sa pagkakayakap niya sa akin.




Bumitaw ako sa pagkakayakap niya. Hinarap ko siya at hinalikan ko siya sa labi niya.




Nagulat siya at napapikit na lang siya..





"Hayaan mo muna akong makapag-isa Phen. I need time to think."




Tumalikod ako at nagpatuloy sa paglalakad palayo kay Phen..






"Cams! I'll be here...I'll be here for you..."





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 31, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Infatuation or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon