Ann's POV
"Del Valle! Pagsisisihan mo ang araw na'to! Sinusumpa ko yan! Camille! Magsisisi kang hindi ako ang pinili mo. Sana alam mo ang lahat.."
Ha? Anong alam ang lahat?
Napatigil ako sa paglalakad. Binitawan ko si Phen nang marinig ko ang sinabi ni John. Napatigil din si Phen sa paglalakad nang maramdaman niyang binitawan ko ang kamay niya.
"Bakit Cams? Don't tell me may iniisip ka dyan?"
"Anong dapat ko malaman? Ano ba yun? Tell me Phen...please!"
Medyo tumaas ang boses ko. Naguguluhan na ko. Di ko na alam dapat kong maramdaman. Hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari.
"Wala yun Cams. Don't mind him. Niloko ka niya. Naniniwala ka pa rin sa kaniya? Yung mga ganung tao ay hindi na dapat pinapakinggan. Nagawa ka niya ngang lokohin noon, kayang-kaya niya ulit ikaw lokohin this time. So please lang Cams, 'wag na 'wag ka maniniwala sa kaniya."
"So para saan pa yung mga sinabi niya? Ano ba kasi yun? Ano ba kasi yung dapat malaman ko? Kilala ko siya Phen, di niya sasabihin yun kung wala lang yun. He will not say it kung wala lang yun..."
Ayaw sumagot ni Phen. Ano ba kasi yun? Ano ba yung mga dapat ko malaman?
"He's just messing with you Cams! Niloloko ka lang ng gago na yan!"
Nilingon ko si John. Di pa pala siya nakakaalis.
"Tumahimik ka! Ikaw yung gago. Ikaw yung nanloko sa akin. You're not the one I'm asking so shut up!"
"Maniniwala ka talaga sa gago na yan? Ikaw rin Cams, pinagsabihan na kita. Once is already enough"
WHAT??? Sa kaniya talaga nanggagaling yung mga salita na yun? Ang kapal ng mukha niya! Sasagutin ko pa dapat yung sinabi niya pero bigla siyang tumakbo palayo.
Nilingon ko na lang ulit si Phen para makakuha ako ng matinong sagot. Gusto ko malinawan ngayon. Gustong-gusto ko! Ang labo labo na ng mga nangyayari sa akin ngayon, wala na kong maintindihan.
"Phen...ano yun? Sabihin mo na lang."
"Gusto mo ba talaga malaman?"
"Gustong-gusto ko. Ano ba talaga yun?"
"Not here Cams. Usap tayo somewhere else."
Di na ko nakasagot pa. Hinila na lang niya ko para maglakad. Naglakad-lakad kami. Di ko na pinatagal pa. Inalis ko ang kamy niya na nakahawak sa kamay ko. Litong lito na talaga ako. Napatigil naman siya sa paglalakad.
"What?"
"Sabihin mo na lang yung nalalaman mo. 'Wag mo ng patagalin."
BINABASA MO ANG
Infatuation or Love
RomanceAno nga ba ang pinagkaiba ng love sa infatuation lang? Ang love maraming meaning yan.. Pwedeng ang love ay kung na saan-saan lang, kaya masasabi mong ito ay "love is in the air" Pwede din namang "love is blind" kasi habang nagmamahal ka, hindi mo ma...