Ann's POV
May nabangga akong lalaki...
"Ano ba? Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" Sigaw ng lalaking nabangga ko. Humarap ako sa kaniya sabay sabi ng sorry.
"Ang lawak naman ng daanan hindi ko lang maintindihan kung bakit mo ako binangga! Bakit ka ba kasi tumatakbo!" Bakit ba siya sumisigaw? nagsorry naman na ako ah!
Tinignan ko siya at sabay sabing "Ano pa bang gusto mo? Nagsorry na ako diba?"
"Teka. Umiiyak ka ba? Hala! Sorry kung nasigawan kita. Hindi ko sinasadya. Kumain ka na ba?"
Okay lang ba siya? Kanina, galit na galit siya, ngayon naman di na siya galit. Ang labo naman niya.
"Ano? Okay lang ako. Sorry ulit. Sige. Mauna na ako ha." Pagpapaalam ko sa kaniya. Tatakbo na ulit sana ako pero mabilis niya akong napigilan. Hinawakan niya ako sa braso. Ano ba talaga problema niya?
"Teka lang. Babawi ako. Sorry na talaga. Lunch tayo, treat ko. Bawal tumanggi." Hinila niya ako palayo sa school. Saan niya kaya ako dadalhin. Gusto kong pumiglas sa pagkakahawak niya pero sobrang higpit. Baka mamaya kidnapper na ito? O kaya rapist? Lord! Tuluungan niyo po ako makaligtas sa lalaking ito.
Habang naglalakad kami patungo man sa kung saan. Napatingin ako sa mukha niya. Matangos ang ilong niya, yung mata niya, kayumanggi ang kulay, yung labi niya, ang pula. Sayang! Side view lang kita ko. Matangkad at maputi kasi siya. Sa sobrang puti niya, namumula na yung pisngi niya sa sobrang init. Pero sa tingin ko, ang kamay niya ang pinaka best sa kaniya, ang lambot kasi. Dinaig pa niya ang kamay ko.
Sa sobrang init, di niya na ata nakayanan. Pumara siya ng tricycle. "Sorry talaga ha. Nasa pagawaan pa kasi yung kotse ko kaya tricycle muna tayo ngayon."
"Saan ba tayo pupunta? Saan mo ba ako dadalhin?"
"Basta. Ako na bahala. My treat, remamber? Don't worry, hindi naman ako masamang tao. Oo nga pala. Di ko pa alam pangalan mo. Ako si Jhon Stephen del Valle. My friends call me Jhon Jhon pero you can call me Phen for short. Psychology. 1st year. Ikaw?"
Jhon Stephen del Valle? Familiar! Siya yung nakaaway ni John. Nakalimutan ko na kung bakit sila nag-away. Pero alalahanin ko kung bakit. Hahaha. Pero tama bang sumama ako sa kaaway ng boyfriend ko? I have no idea na siya yung tinatawag na Jhon Jhon sa school. Ngayon ko lang siya nameet. Bakit Phen?
"Anastasia Camille Reyes"
"Wow! What a nice name! Anastasia Camille Reyes, parang pangalan ng isang prinsesa. Pero parang mas magandang pakinggan kapag Anastasia Camille Reyes - del Valle, parang pangalan ng isang reyna di ba?"
"Del Valle? Bakit tayo ba? Tsaka, hello! Ngayon lang kita nakilala no! And for your information, may boyfriend ako at mahal niya ako. Kaya please lang, 'wag ganung bagay ang iniisip mo."
"Wow! Relax Cams! Nagbibiro lang ako. Kung mahal ka ng boyfriend mo eh di sana hindi kita kasama ngayon diba? Dapat hinabol ka niya kanina. Dapat hindi ka umiiyak nung binangga mo ako? Tama ako diba?"
"Che! Mahal niya ako no!"
"Ano? Wala kang masabi kasi may point yung sinasabi? Nakita ko siya kanina, sinundan ka lang niya ng tingin. You know? Kung ako sa kaniya, hinabol na kita at di ko hinayaan na sumama ka sa akin. See? Where's the love there? Or should I say, Its only infatuation honey?"
"Hindi mo ba naiintindihan? Mahal niya ako. Takot lang siya."
"We're here! Let's talk about this inside the restau."
Bumaba kami sa tapat ng isang Korean restaurant. Binayaran niya ng 100 yung tricycle driver.
"Anak, 40 pesos lang. Wala ka bang barya?"
"Keep the change po manong"
Nagpasalamat naman yung tricycle driver bago siya umalis.
"Come on. Let's go inside."
Naglakad na ako kasunod niya pero agad akong huminto ng hawakan niya ang kamay ko.
"I know you love him but trust me, he doesn't feel the same way. But, I, Jhon Stephen del Valle, volunteer to be your slave, Anastasia Camille Perez. Handa akong magpagamit sayo para lang marealize niya yung kahalagahan mo."
BINABASA MO ANG
Infatuation or Love
RomanceAno nga ba ang pinagkaiba ng love sa infatuation lang? Ang love maraming meaning yan.. Pwedeng ang love ay kung na saan-saan lang, kaya masasabi mong ito ay "love is in the air" Pwede din namang "love is blind" kasi habang nagmamahal ka, hindi mo ma...
