Six.

14 1 0
                                    

Ann's POV

May nagtext sa akin. Akala ko si John pero hindi, unknown number eh. Dahil napaisip ako kung sino ang nagtext, agad ko binuksan ang message..

From: +639354******

Good morning wifey ko. Sorry kung hindi ako nakakapagtext sayo. Nawawala kasi cellphone ko. Hindi rin kasi ako makapag-online kasi binenta ni tatay computer namin. Mag-almusal ka na. Subukan ko mag-online mamaya. Iloveyou wifey ko. Imissyou :*

Teka! Napabangon ako bigla sa pagkakahiga ko. Wifey ko? May kiss sa huli? Si John nga yung nagtext. Si John nga! Grabe lang! Buti na lang naalala niya ako. Thank God! Pero wait! Nagtext nga siya, wala naman akong load. Ang ganda ng timing niya no? Nakakainis. Yaan na nga. At least naalala niya ako, okay na ako doon.

Dahil nagtext si John sa akin, ang sipag ko ngayong araw. Haha. Pinaliguan ko si Charlie, yung aso namin. Nilinis ko ang kwarto ko. Naglinis ako ng bahay. Naglaba ako ng mga damit ko. Naghugas ako ng plato. Syempre! Nilinis ko din yung CR. Masipag nga diba? Haha.


Pagkatapos ko gawin lahat yun, naupo muna ako sa sofa para magpahinga. Baka kasi sumakit na naman yung bandang dibdib ko. Ayaw ko naman ipaalam sa pamilya ko ito dahil alam kong gastos na naman ito. Lalo na ngayong magpapasukan na, maraming gastusin sa school! Haha.


Nung nakapagpahinga na ako, naligo na muna ako. Magtatanghalian na din kasi. Kailangan ko ng magsaing. Teka? Nabanggit ko na ba na sa tita at tito ko kami nakatira ng kapatid ko? Nabanggit ko na din ba na ang pangalan ng kapatid ko ay Angelic? Nasabi ko na ba na may dalawa akong pinsan na nagngangalang Suzzane at Sabrina? Haha. Baka hindi pa ha? Sabihin niyo lang. Nakatira kami ni Angelic kila tita kasi yung nanay namin nasa Taiwan. Siya lang yung sumosoporta sa amin. Yes! Siya lang kasi broken family kami. Hindi ko nga alam kung nasaan na si papa eh. Ang huling balita namin sa kanya ay nasa Manila siya. Ewan ko ba. Bahala sila. Kay tita kami iniwan ni mama kasi kapatid siya ni mama. Tsaka gusto kasi ni mama na malayo kami kay papa in case na kunin kami ni papa. Ewan ko ba. Oo, syempre masakit makita na naghiwalay yung magulang mo. Pero habang tumatagal kasi nasasanay na ako na wala si papa sa tabi namin. Pero minsan, may time na umiiyak ako kapag pinaguusapan siya. Anyway, tama na nga yan! Bawal ang sad, dapat happy lang.


Pagkatapos kong maligo, nagsaing agad ako. Tinignan ko ang cellphone ko kung nagtext ulit si John pero wala eh. Nag-online din ako sa facebook para tingnan kung online siya, pero hindi din eh. Haynako! Ang sama sa pakiramdam ng ganito. Yung wala kayong communication ni boyfriend tapos miss na miss mo na siya. Nakakatamad tuloy. Kumain na kami ng lunch dahil tapos na magluto si tita ng ulam. Hindi kasi ako marunong magluto ng ulam. Prito lang kasi ang alam ko gawin. Haha. Wala din akong balak matuto!

Pagkatapos namin kumain, natulog na lang muna ako.


Pag gising ko, gabi na. Chineck ko ang cellphone ko pero wala pa din siyang text. Nag-online ako pero hindi pa din siya nago-online. Yan na naman siya, pinag-aalala na naman niya ako. Nakakainis.

10:30 na ng gabi pero wala pa din siyang text, maski message sa facebook wala din. Hindi ko tuloy alam kung sabay kami bukas pumasok.

Bago ako matulog, nag-alarm muna ako ng mga 5:30 ng umaga.


Nagising ako dahil ang ingay ng alarm clock. Haha. Tiningnan ko cellphone ko kung mayroon ng nagtext....at meron nga....unknown number...


Infatuation or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon