Eighteen.

7 0 0
                                    

Ann's POV








"Wifey..."







Si John..





Tinignan ko siya. Nasa likod siya ni Phen. Yung mukha niya, halatang malungkot siya. Galit siya. Yun ang sinasabi ng mga mata niya. Pero bakit? Diba hindi naman niya ko mahal? May mahal na siyang iba diba? Bakit ganun siya makareact?





"John.."





Yan na lang yung salitang nasabi ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Ang alam ko lang, mahal ko siya. Mahal ko pa din siya. Mahal na mahal pa din kahit alam kong niloloko niya lang ako. Kahit alam kong may iba na siya. Siya pa din. Gusto ko siyang yakapin, gustong-gusto ko pero di ako makalapit sa kaniya. Siguro dahil sinasabi ng utak ko sa mga paa ko na huwag kasi manloloko siya.







"Mr. Perez ikaw na naman? Hanggang dito ba naman sinu-------"







Bago pa matapos si Phen sa pagsasalita, sinuntok na siya ni John.









"Walanghiya ka! Di mo siya makukuha sa akin! Ako ang mahal niya, hindi ikaw! Gago ka! Kung gusto mo, maghanap ka ng iba mong jojowain! Wag yung babaeng may boyfriend na at di ka naman mahal sa simula pa lang. Ano sa tingin mo? Ganun-ganun mo na lang siya maaagaw sa akin?"









Galit na galit si John. Ngayon ko lang siya nakitang nagkaganoon dahil sa akin. Pero di niya ko mahal? Ano ibig niyang sabihin? Mahal ba niya talaga ko? Totoo ba 'tong nakikita ko sa kaniya ngayon o isa lang 'tong arte? Di ko na maintindihan.











Tinulungan ko si Phen tumayo at tinignan ko ng masama si John. AYOKO. Ayoko maniwala sa mga kinikilos niya ngayon. Hinding hindi na ko magpapaloko sa kaniya. Siya ang mahal ko pero sobra na. Sobra na yung sakit na pinaparamdam niya sa akin. Sobrang sakit na hindi ko na maintindihan pati sarili ko. Paninindigan ko na 'to. Paninindigan ko na ang pagiging fiance ni Phen...













"Pwede ba John?! Get a life! Hindi mo ba nakikita. Fiance ko na si Phen. Hiwalay na tayo. Wala ng tayo. Nung unang araw pa lang ng panloloko mo sa akin, naghiwalay na tayo. Pero ang tanga ko at kinausap pa ulit kita sa Canteen nun. Sobrang tanga ko na hinayaan ko ang sarili ko na magpaloko sayo. Sobrang tanga ko kasi tiniis ko yang panloloko mo sa akin. Nakita ko kayo! Nakita ko kayo unang araw pa lang. Dun pa lang, kinutuban na ko. Pero wala akong nagawa kundi palipasin yun kasi alam ko, kutob lang yun, may posibilidad na hindi maging totoo. Ang hirap! Ang tanga lang kasi pati sa sarili kong isip pinagtatanggol kita. Ang tanga tanga ko na nagpaloko ako sayo! Almost 3 years!!! Almost 3 years na tayo! Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa kung kailan mahal na mahal na kita? Ano bang pagkukulang ko sayo? Tangina! Diba wala naman? Lahat ginawa ko para sayo! Pero pinagpalit mo ko, oh hindi pala pinagpalit, pinagsabay mo kami ng babaeng hindi mo naman nakilala ng matagal!"











Hindi ko na alam. Umiiyak na ko. Ayoko sa lahat yung makikita ng ibang tao, lalo na yung taong mahal ko, na umiiyak ako. Wala na kong paki kung makita niya kong umiiyak. Sobra na kasi. Di ko na kayang pigilan pa...







"Wifey...Wag naman oh. Ayusin natin 'to..please"









Lumuhod si John. Pero kahit lumuhod pa din siya, paninindiigan ko ang pagiging fiance ni Phen...







"Wala na dapat ayusin John. Tapos na tayo. Mahirap ng ibalik yung tiwala ko sayo. Ayoko na. Tama na. Tapos na tayo."







Bago pa makapagsalita ulit si John, hinawakan ko ang kamay ni Phen at naglakad papalayo kay John.







"Thank you Cams. Hinding-hindi ka magsisisi na ako ang pinili mo."











"Patunayan mo. Help me get over him. Ayoko na siya maalala. Gusto ko siyang kalimutan. Ayoko ng ganitong feeling. Masakit sa puso. Literal!"









Siguro ito na nga talaga yung panahon para tapusin ko na ang kaugnayan ko kay John. Siguro ito na din yung panahon para kalimutan ko siya. Para kalimutan namin ang isa't isa. Ito na yung panahon para magsimula ulit kami ng wala sa piling ng isa't isa.









Nang medyo nakalayo na kami kay John, narinig namin na may sinigaw siya...













"Del Valle! Pagsisisihan mo ang araw na'to! Sinusumpa ko yan! Camille! Magsisisi kang hindi ako ang pinili mo. Sana alam mo ang lahat.."









Ha? Anong alam ang lahat?







Infatuation or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon