One.

23 1 0
                                    

Ann's POV

4 weeks ago...

Mayroon ngayon orientation for new students and for freshmen. Magkasabay kami pumasok ni John kasi gusto daw niya and besides wala daw siyang kilala doon. Aba! Anong tingin niya sa akin, maraming kilala sa school na yon? Heler! Sabay lang kaya kaming grumaduate! Yepp! Katatapos lang namin sa high school days namin. Simula ngayong araw, college na kami. Ang bilis ng panahon, parang kailan lang umiihi pa ako sa kama. Chos! Haha. Anyways, nakilala ko si John 1st year high school pa lang kami. Loyal yan! Akalain niyong mula 1st year high school until now ako lang ang gusto niya? Saan kayo makakahanap ng ganyang lalaki sa panahon ngayon? Haha. Sinagot ko siya nung 2nd year na kami. Well, malandi ako that time eh. Haha. Malandi kasi parang na'feel ko yung tinatawag nilang love. Haha. Yung araw'araw gusto mo siya ang nakikita mo. Yung gusto mo siya laging kasama. Yung hindi ka makatulog sa gabi ng maayos kasi pumapasok siya sa isip mo. Yung tuwing makikita mo siya biglang bibilis yung tibok ng puso mo. Yun bang magkakabanggaan lang kayo parang may kuryente? Haha. Yung parang ganon? Matagal na kami ni John, 2 years and 11 months na nga kami eh. Oh diba? Staying stronger kami. Pero nung high school days na kami, hindi talaga kami nagpapansinan. Lalo na nung 2nd year pa lang kami. Pero nung 3rd at 4th year na kami, doon lang kami nagpansinan. Ang weird namin no? Pero sabi nga nila, bagay kami at may chance daw na magtagal kami. Haha. Mga tao talaga ngayon! Masyado akong pinapakilig! Haha


Osya! Tama na muna yang kilig moments na yan. As I said, may orientation nga kami ngayon sa papasukan namin. Katatapos ko lang magsuklay nang magtext si John..


*bzzzzt*

From: AAA John
andito na ako sa kanto. Saan ka na?


Hindi na ako nagreply. Dali'dali ako lumabas ng bahay namin at naglakad pa kanto. Di ko na kailangan pa magtricycle kasi malapit lang ang bahay namin sa kanto. 2 minutes lang na paglalakad nasa kanto na ako. Sabay kami pumunta sa school na papasukan namin. Habang nasa biyahe kami, natulog muna ako dahil mahaba'haba pa naman ang biyahe at saka maaga din kasi ako nagising kanina kaya inaantok pa din ako. Ayaw ko namang makatulog ako sa orientation mamaya no. Mahirap na! Baka makita nila na hindi ako responsable, baka bawiin pa nila scholarship ko. Mahirap na! Haha. Yepp! Scholar ako, hindi halata no? Haha. Si John, hindi yan scholar, hindi siya kumuha ng scholarship exam, baka kasi hindi daw siya pumasa, sayang lang daw ang ink ng ballpen na gagamitin niya. Haha. Adik ano? Pero mahal ko yan. :) Sweet nga yan eh, dapat hindi kami schoolmate kasi ang gusto niyang kunin ay I.T. eh sa gusto niya daw akong makasama, ayon ibang course ang kinuha niya, kinuha niya ang course na Psychology. Sa MedSchool kasi ako papasok. Oh diba? Haha. Osya! Matutulog na muna ako, para sa orientation mamaya, hindi ako antukin. Kilala pa man din ako bilang "sleepy princess". Haha

Infatuation or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon