Seventeen.

10 1 1
                                    

Ann's POV


"Katherine Santiago"






Ano daw? Katherine Santiago? She's my cousin. Ano meron kay ate Kath? Bakit niya kilala?








Wala na si ate Kath, iniwan niya na kami 2 years ago dahil sa car accident.






Wait! Don't tell me na siya yung kasama ni ate Kath bago siya mawalan ng buhay? Girlfriend ba niya si ate Kath? Pero sinabi niya sa akin na wala pa siyang nagiging girlfriend. Sinabi din niya na naiintindahan niya yung nararamdaman ko kasi nawalan na siya ng mahal na mahal niya. Ang gulo! Sobrang gulo! Naguguluhan ako!







"Katherine Santiago. Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit siya nawala sa akin. Kung bakit siya namatay."









Ok. Medyo naliliwanagan na ako sa mga nangyayari. Hindi ko kasi alam kung ano nangyari kay ate Kath noong panahon na yun. All I know is hindi na siya umabot sa hospital, car accident daw.






"Hindi pa kami noon pero niyaya ko siya magtanan. Masyado pa kasi kaming bata noon, ayaw ng magulang ko sa kaniya dahil sa tingin nila pera lang ang habol sa akin ni Kath. We have the same feelings pero hindi niya ako sinagot noon dahil lang sa issue ng parents ko sa kaniya. Papunta na sana kami sa malayong lugar, kung saan walang pipigil sa amin. Pero that night, kinuha din siya sa akin."








Medyo bumabagal yung pag drive niya.







"Papunta kami noon ng Baguio. Malapit na kami nang may napansin kong humahabol sa sinasakyan naming kotse. Alam kong parents ko ang may utos noon. Binilisan ko ang pagmamaneho ko noon tapos biglang nawalan ng preno ang kotseng minamaneho ko kaya bumangga kami sa isang puno at nalaglag sa bangin yung kotse. Bago ako pumikit, nakita ko si Kath, nalulunod siya sa sarili niyang dugo, samantalang ako, ulo at ilong lang ang dumudugo. After that, pagmulat ko nasa hospital na ako. Sinabi din nila sa akin na wala na si Kath. Hindi ko matanggap ang pagkawala niya kaya I decided na tumira muna sa ibang bansa. Masyado kasing mahirap magpatuloy ng buhay kapag mag-isa ka na lang. Kapag iniwan ka na ng mahal na mahal mo. That was when nagkaroon ako ng trauma sa pagddrive."













"We can stop in a while if you want. Hindi naman tayo nagmamadali diba?"








"Sorry. Okay lang. Okay na ako. Magaling na ako. Sa ibang bansa na din ako nagpagamot no! Okay na okay na ako."









"You sure?"








"Yes. Ngayon, naiintindihan mo na na naiintindihan ko yang nararamdaman mo?"











"Oo na."









"Mabuti naman. Kaya naintindihan mo din yung sinabi ko sayo? Na papakasalan ko ang magiging girlfriend ko. Paano ba yan? Ikaw ang girlfriend ko ngayon."











"Pero Phen----"








"I know I know. Siya ang mahal mo. Pero bigyan mo naman ako ng chance para patunayan ko sayo yung sinasabi ko na papakasalan kita."









Nakita kong tumigil kami sa harap ng isang park.






"Wait. Let me open the door for you."







Bumaba siya para pagbuksan ako ng pintuan. Pagkababa ko, nakita ko ng maayos ang lugar. Very familiar itong park na ito. Very special. Dito ako tinanong ni John kung pwede ko siyang maging boyfriend. Bumalik sa akin lahat. Bumalik sa ala-ala ko ang mga masasayang sandali na magkasama kami.









"What's wrong Cams?"









"No. Nothing."







"Tara. Lakad-lakad tayo."








Naglakad kami hanggang sa huminto kami sa tapat ng isang malaking fountain.







"Cams...I know this is not the right time pero gusto kong patunayan sayo na hindi ako katulad ni John..."








Nagulat ako ng bigla siyang lumuhod at may kinuhang singsing sa bulsa niya. Ano ba ginagawa niya?









"Cams. Be my fiance, I promise you that I'll be here always. I promise that you won't ever cry again. Just marry me, Anastasia Camille Reyes"








Sasagot na sana ako kaso bigla niyang sinuot sa akin ang singsing at niyakap ako. Gusto kong tumanggi pero mayroon sinasabi ang utak ko na huwag na akong tumanggi dahil siya na daw. Si Phen na daw ang lalaking matagal ko ng hinahanap.








Niyakap ko din siya. Bumitaw kami sa bisig ng isa't isa ng makarinig ako ng isang pamilyar na boses...






"Wifey..."










Infatuation or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon