Ten.

17 2 0
                                    

Ann's POV

From: +63935*******
Your boyfriend tastes good, honey!

Binasa ko ulit ang nagtext sa akin. Sino ba ito? Nakakasira ng araw ha!

Hindi ko na talaga alam kung ano ang totoo. Nagmuni-muni muna ako dahil orientation pa lang naman, kasi first day of meeting pa lang. Sa pagmuni-muni ko, napatingin na naman ako sa hagdan. Nandoon na naman sila John, kasama niya yung babae. Pero this time, magkahawak sila ng kamay. Buhat din ni John yung bag ng babae. Hindi ko alam pero parang may tumusok sa dibdib ko nung makita ko sila. Ni isang beses hindi namin nagawa ni John yan sa harap ng maraming tao.

Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko kaya nagpunta muna ako sa CR. Pumasok ako sa cubicle na pinakamalaki at doon ako umiyak. Eto na ba yung magiging dahilan para magkahiwalay kami ni John? May nagawa ba akong mali? O may pagkukulang pa ako sa relasyon namin? Bakit ganito? Ang sakit. Sobrang sakit na halos gusto mo ng mamatay para wala ka ng maramdaman. Eto ba yung sinasabi nila na maghihiwalay at maghihiwalay kami ni John?

Ayaw ko munang magsalita ng tapos. Kailangan ko munang malaman kung totoong niloloko na niya ako. Dahil sa totoo lang, ayaw ko maghiwalay kami. Mahal na mahal ko siya.

After 5 minutes, bumalik na ako sa classroom. Pagkabalik ko, wala na si sir A. Sabi ng isa kong kaklase, dismiss na daw. Dahil may isang oras ako na bakante, sumama muna ako sa mga ka-course ko, tutal wala pa naman akong gaanong kakilala dito. Ayaw ko namang istorbohin si John sa ginagawa niya. Baka lalo pa siyang lumayo sa akin. Hindi ko ata makakaya kapag nangyari yun.

Napagdesisyunan namin na kumain na lang muna. Okay naman itong mga kasama ko. Hindi mahirap kasi puro babae naman. Si Jane, okay siya. Kahit ang unang pagkakakita ko sa kaniya ay mataray. Pero no, hindi siya mataray. Masaya siya kasama. Si Mai naman, kahit medyo maingay siya, masaya naman. At least yung pagiingay niya ay nakakatawa. Si Diane naman, kung magjoke siya ay waley, pero minsan daw havey. Kaya okay na din. Hahaha. Si Mari naman, medyo boyish ang pagkilos niya, pero babae talaga siya. Madami daw siyang boyfriend eh. Si Monica naman, mahilig daw siyang magknock knock. Ewan ko. Haha. Si Mika naman, alam ko sa itsura niya na magaling siya sumayaw. Yun lang. Haha.

Masaya naman sila kasama kaya kahit sa ilang minuto lang, nakalimutan ko ang problema ko kay John.

Habang kumakain kami, nakita ko si John at yung babae na magkasama. Papunta sila sa kinakainan namin. Of all people bakit sila pa yung makikita ko? Sa lahat ng lugar, bakit dito pa nila napiling kumain?

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. May kasamang iba ang boyfriend ko, magkahawak sila ng kamay, buhat ng boyfriend ko ang bag ng babae, masaya sila. Masyado na akong nagseselos nito. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

Susugurin ko ba sila? Sasabunutan ko ba yung babae? Magwawala ba ako? Lalapit ba ako sa kanila at magpapakilala bilang girlfiend ni John? Hindi ko alam!!

Dahil malapit na sila sa amin, yumuko ako para hindi ako makita ni John. Pagkalampas nila sa table ko, agad akong kumuha ng pambayad sa kinain ko, tutal tapos na din naman ako kumain. Pagtayo ko, may nabangga ako. Naramdaman ko ang sobrang lamig na tubig sa balat ko.

''I'm sorry miss. Are you okay?''

Pagkatingin ko sa nagsalita, siya yung babaeng kasama ni John..

''Babe, ano nangya----yari?''

Wow! Babe? Really John? Hello! Andito ako!! Ako ang girlfriend mo! Ano ito? Bakit may babe? Bakit? Bakit?

''No, I'm okay''

Pagkasabi ko noon, dali-dali akong nagbayad ng kinain ko at nagpaalam sa mga kasama ko na mauuna na muna ako sa kanila.

Pero bago ako umalis, lumapit muna ako sa table nila John at ng babae niya..

''Hubby, John, sabay tayo uuwi mamaya ha? No excuses and no buts!''

Infatuation or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon