Ann's POV
''Hubby, John, sabay uuwi mamaya ha? No excuses and no buts!''
Pagkatapos ko sabihin yun, umalis na ako. Masyadong mapapel yung babaeng yun. Ako ang girlfriend! Ako! Hindi siya. Kung tutuusin, kabit lang siya.
Dumeretso ako sa CR para pakalmahin ang sarili ko. Tama nga sila. Kapag umiibig ka, nagmumukha kang tanga. Ginawa nila akong tanga. Harap harapan ako niloko ng boyfriend ko, ng mahal ko.
Pagkatapos ko magpalamig ng ulo, lumabas na ako sa CR. Pagkalabas ko, nakita ko na naman silang dalawa. Hawak kamay silang naglalakad. Nagtago ako sa gilid para hindi nila ako makita.
Mahal ba niya yung babaeng yun? Hindi na ba niya ako mahal? Pinagpalit na ba niya ako? Pero kami pa. Ako ang girlfriend niya. Ako! At isang buwan na lang, 3 taon na kami.
Ano kayang nagustuhan niya sa babaeng yun? May pumatak na likido sa mga mata ko. Masakit na. Sobrang sakit. Harap harapan ako niloloko ng boyfriend ko. Hindi ko alam kung ano gagawin ko. Lalaban ba ako? Magpapakatanga na lang ba ako? Hahayaan ko na lang ba siya? Papakawalan ko na lang ba siya? Pero mahal na mahal ko siya. Hindi ko ata makakaya na wala siya sa akin. Siya lang nagiging kakampi ko sa lahat ng bagay. Mahal ko siya...mahal na mahal. Hindi ko kayang mawala siya sa akin, pero natatakot ako na baka kapag lumaban ako, lalo lang siyang lumayo sa akin.
Pinunasan ko ang mga luha ko at nagpunta na ako sa classroom ko. Ilang minuto din akong nakatulala. Hanggang ngayon ramdam ko yung sakit. Sobrang sakit. Ako lang yung tahimik sa classroom. Lahat sila naguusap. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganto, dahil ba ito sa nangyari kanina? Ganito ba yung pakiramdam na harap harapan ka ng niloloko ng mahal na mahal mong tao? Napapatulala ka na lang.
Dahil masama pa rin ang pakiramdam ko dahil sa mga nangyari kanina, halos buong araw akong lutang. Hindi maalis sa isip ko na may ibang babaeng mahal ang boyfriend ko. Naiisip ko tuloy, para saan pa at niligawan niya ako? Para ba lokohin niya ako? Para saktan niya ako? Para gawin akong tanga? Para ipamukha sa akin na ganun niya ako pagsawaan? Masakit! Sobrang sakit!
4:00 na! Uwian na namin. 4:30 pa ang labasan nila John. Pumunta muna ako sa lobby at naupo doon habang hinihintay si John. After 10 minutes nakitakong lumubas na si John sa classroom nila. Nakita naman niya agad ako kaya tumayo ako.
"Kanina ka pa ba diyan?" Tinanong niya ako.
"Hindi naman. Maaga ata kayo pinalabas? 4:10 pa lang"
"May emergency daw kasi yung prof. namin. Ano? Tara na? Dami mong tanong!"
Hinawakan niya ang kamay ko at saka hinila ako palabas ng gate. Bakit ganun? Parang nagmamadali siya? Parang may iniiwasan siya? Parang iritang-irita siya na kasama ako? Bakit? Ganun ba kasaya kapag kasama niya yung babae niya? Masyado na akong nasasaktan ngayong araw. Ayaw ko na magsalita! Nagpahila ako sa kaniya hanggang sa makasakay kami ng jeep pauwi. nakakabingi ang katahimikan. Ang tahimik niya ngayon, dating nagkakasabay kaming umuwi, ikekwento pa niya sa akin ang nangyari sa kaniya sa school maghapon, pero iba ngayon, ibang-iba. Tinitigan ko siya at halata sa mata niya na naiirita siya kapag kasama niya ako. Dahil ayaw kong umiyak dito sa jeep, nilabas ko ang cellphone at earphones ko. Pagkasalpak ko ng earphones sa tenga ko, hinawakan niya ang kamay ko. Nakakagulat? Oo. Kasi niloko na nga niya ako, parang ang dating sa kaniya, walang nangyari. Hinayaan ko na lang siya. Ayaw ko makipagtalo lalo na ngayong nanghihina ako. Ilang minuto ang dumaan, nagsalita siya.
"Wifey ko, galit ka ba? Sorry."
Hindi ko siya pinansin, sa halip, nilakasan ko pa ang volume ng cellphone ko para hindi ko marinig ang sinasabi niya. Pero nabigo ako, tinanggal niya ang isang nakasalpak sa tenga ko. Nagsalita ulit siya.
"Wifey ko, sorry na. Pansinin mo naman ako."
"Huh? Bakit ka nagsosorry? Para saan? May ginawa ka bang masama?"
"Wifey ko naman eh. Alam kong alam mo kung bakit ako nagsososrry sayo. Alam kong galit ka pero ayaw mo ipakita sa akin. Alam kong nasaktan kita pero ayaw mo ipahalata. Sorry wifey ko. Patawarin mo ako please"
"Ahh. Yun ba yung tungkol sa babaeng kasama mo kanina na tinawag mong babe sa harap ko?" Medyo nangingilid na ang mga luha ko, pero pinilit ko pa ring pigilan.
"Wifey ko, sorry. Sorry kasi niloko kita. Patawarin mo ko, please. Wala namang kami eh. Fling lang yun. Di ko siya maiwasan dahil lapit siya ng lapit sa akin. Alam niya din na may girlfriend ako at alam niyang ikaw yun. Wifey, sorry talaga."
"Wala ako sa mood para kausapin ka. Nakakapanghina yung ginawa mo. Buong araw akong lutang sa klase dahil sayo. Sana naisip mo na nasa iisang lugar tayo bago ka naghanap ng iba. Masakit eh! Sobrang sakit! Ang sakit sakit na harap-harapan mo akong niloloko. Next time kasi na maghahanap ka ng ka-fling mo, 'wag na 'wag kang magpapahuli sa akin. Mag-usap tayo next time na makatingin ka ng deretso sa mga mata ko at kung talagang totoo na yang mga sinasabi mo. Bye!" Pumara na ako sa jeep. Wala talaga ako sa mood makipag-usap sa kaniya. Gusto ko munang mapag-isa. Gusto ko muna mag-isip kung ano ang gagawin ko.

BINABASA MO ANG
Infatuation or Love
RomanceAno nga ba ang pinagkaiba ng love sa infatuation lang? Ang love maraming meaning yan.. Pwedeng ang love ay kung na saan-saan lang, kaya masasabi mong ito ay "love is in the air" Pwede din namang "love is blind" kasi habang nagmamahal ka, hindi mo ma...