Four.

23 2 3
                                    

Ann's POV

"Sino nga pala yung babaeng kausap mo?"

Wala eh. Gusto ko lang siyang tanungin. Wala kasi siyang nabanggit kanina eh. Tsaka ayaw ko naman magselos ng walang rason no. Kung may tinatago kasi ang isang tao, hindi naman niya ioopen up yung about doon diba?
Hindi naman sa wala akong tiwala sa kaniya, gusto ko lang malaman kung sino yun.

"Sinong babae? Yung kasama ko kanina paglabas ko?"


"Oo. Bakit may iba pa ba?"


"Wala naman. Ah! Ganda nung babae no?"


Seriously? Hello! Girlfriend mo ko John! Hindi ako kung sino-sinong babae lang. Hindi ko inexpect na ganon ang magiging sagot niya. Grabe lang talaga!


"Maganda? The hell! Anong maganda sa babaeng matangkad at maputi?"


Matangkad kasi yung babae plus maputi pa. Ako? Tama ba na ang height ko ay 4"11 para sa isang college student. Hindi naman ako maitim, maputi din ako. Pero I admit it, mas maputi kasi yung babaeng kausap niya. -_-

"Selos ka na? Wag ka nga magselos. Maganda ka din naman. Wala akong pakialam kung maputi siya, may panahon din naman na iitim siya"

Yung totoo? Hindi ko mabasa ang iniisip ng lalaking ito. Ano ba talaga?

"Ako nagseselos? Excuse me ha? Hindi ako nagseselos sa hindi ko ka level!"

"Tumanggi pa yung mahal ko. Wag na tumanggi! Kitang-kita dyan sa mata mo na nagseselos ka"

Ay! Ganon ba ako kahalata? Wala tuloy akong masabi. Nakakainis! Bakit kasi hindi ko mabasa kung ano iniisip nito.


"Tama na ok? Wala ka dapat pagselosan. Ikaw ang gusto ko, hindi siya"

Hindi pa din ako nagsalita. Hindi ko alam kung bakit hindi ako satisfied sa sinabi niya. May part sa akin na nagsasabing dapat akong magselos. Meron din naman na nagsasabing walang dapat pagselosan. Ano ba? Pati nararamdaman ko hindi ko na din maintindihan. Buti na lang may inorder siyang fries kundi kanina ko pa siya nasampal. Fries lang ang makakapag-alis ng bad vibes ko ngayon. He should be thankful to the fries.

"Ikaw talaga! Wag ka na magselos. Wala lang yun. Bilisan mo na kumain para makauwi na tayo. Inaantok na ako eh."

That's it. Naiinis na talaga ako. Binitawan ko ang fries at saka tumayo.

"Umuwi na tayo. Tapos na ako kumain"

Nauna na ako sa paglabas. Masyado na siya. Nakakainis ha! Bakit siya ganun? Parang hindi niya maramdaman kung ano yung nararamdaman ko. Alam naman niyang nagseselos ako pero bakit ganun na lang siya magsalita? Instead na lambingin niya ako, sinabi niyang bilisan ko sa pagkain dahil inaantok siya. Grabe! Manhid ba siya?

"Wait lang. Ang bilis mo maglakad"

"Sabi mo bilisan ko, ngayong binibilisan ko ayaw mo? Diba inaantok ka na? Bakit hindi mo bilisan maglakad para makauwi na tayo. Para makatulog ka na!"

Bahala siya sa buhay niya. Lambing lang naman kailangan ko eh, bakit di niya magawa yun?

Lumingon ako para tignan siya. Tumatakbo na siya papunta sa akin. Tutal malapit naman na niya akong maabutan, sumakay na ako sa jeep. Hindi naman aalis yung jeep kapag hindi puno eh kaya sigurado akong makakahabol siya.

"Hiningal ako dun. Bakit ba ang bilis mo maglakad?" Bulong niya sa akin.

"Itanong mo doon sa babaeng kausap mo kanina baka alam niya ang sagot"

Hindi ko na kaya. Hindi ko muna siya papansinin baka mag-away lang kami. Tsaka of all places, baka dito pa kami sa jeep mag-away. Kinuha ko na lang ang earphones at cellphone ko. Music ang kailangan ko sa panahong ito para kumalma. Walang fries eh. Nagpatugtog na lang ako kasabay ng pagpikit ng mga mata ko. Makatulog muna.

Pagkagising ko, sakto naman na malapit na ako sa bababaan ko. Pagpauwi na kasi kami, ako ang unang baba sa amin ni John pero kapag papunta naman kami sa school, madadaanan niya yung binababaan ko.

"Ihahatid pa ba kita o kaya mo na?"


What? Talaga bang sinabi yun sa akin ni John? Grabe ha! Ngayon lang siya naging ganyan sa akin. Usually kasi, gusto niya lagi kaming sabay umuwi. Kahit isang araw lang na hindi kami sabay umuwi, magagalit siya. Bakit kaya ganun siya ngayon? Ano meron? Dahil ba sa babaeng yun? Nasasaktan na ako sa ginagawa niya ha!


"Kaya ko na. Umuwi ka na at matulog ka na."

"Sige"

Pagkarinig ko nun nagpara na ako sa jeep kahit medyo malayo pa yung bababaan ko. Masakit kasi eh. Parang nagbabago na siya! Hindi ko alam kung bakit. Ni wala man lang "I love you" o kaya "Ingat ka ha"..

Infatuation or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon