Ann's POV
"And Mr. Perez, Happy 3rd Anniversary for us. I'm breaking up with you"
Pagkatapos ko sabihin ang mga salitang iyon ay napaluha ako. Hindi ko alam kung tama lang ang ginawa ko. Gusto kong bitawan si Phen para makabalik kay John. Pero hindi pwede. Kailangan ko itong panindigan.
Kailangan kong kayanin ito. Kasalanan ko ito. Kasalanan ko ito kung bakit ako nasasaktan ng ganito. Ang tanga ko! Ang tanga tanga ko! Mahal na mahal ko si John pero hindi ko na kaya ang mga ginagawa niya sa akin. Everytime na papatawarin ko siya magiging masaya kami pero after ilang days, meron na naman siya iba. Ayaw ko ng ganun. Sino ba may gusto na ganun ang boyfriend mo? Hindi siya makuntento!
"Is that your hobby Cams? Crying? For a guy? Seriously? Para kang baliw!"
Pinunasan ko ang luha ko at hinarap siya.
"Maybe. Oo! Baliw na kung baliw! Hindi mo kasi ako maintindihan. You don't even know what's the feeling of being so in love!"
Tumakbo ako palayo sa kaniya. Gusto kong mapag-isa. Gusto kong mag-isip! Pero napatigil ako sa sinigaw ni Phen...
"Then marry me now Cams! Teach me! Teach me how to love. Gusto kong maramdaman yang sinasabi mong pagmamahal!"
"Baliw ka Mr. del Valle! Paano kita papakasalan kung si John pa din ang mahal ko! Hindi mo talaga ako maiintindihan Mr. del Valle! Ang kasal ay para lang sa mga nagmamahalan. Hindi ikaw ang mahal ko."
"Yes! You'll marry me! Naiintindihan kita Cams. Ako ang hindi mo maintindihan"
Biglang lumungkot ang kanyang itsura. Bigla siyang napaluha kaya tumakbo ako palapit sa kaniya. Ayaw kong may masaktan ulit akong tao. Hindi na kaya ng konsensya ko kung masaktan ko pa si Phen. Tama na ang ako na lang ang nasasaktan ngayon. Pero bakit siya umiiyak? May nasabi ba akong mali?
"Bakit ka umiiyak? May nasabi ba akong mali? Sorry. Hindi ko kasi mapigilan yung nararamdaman ko ngayon."
"I know. Sorry. Dapat hinayaan na kita tumakbo. I can't understand you but I can understand him. Oo wala pa akong nagiging girlfriend kaya hindi kita maintindihan pero I know what's the feeling kung mawala sayo ang taong mahal na mahal mo."
I didn't know what to say. He knows that feeling? Nainlove na siya?
"Nainlove ka na?"
Pinunasan niya ang luha niya at inakbayan ulit ako...
"Come with me and I'll tell you."
May dinial siya sa cellphone niya at after 10 mins. may tumigil na sasakyan sa tapat namin. May bumabang matandang lalaki. Bubuksan niya na sana ang pintuan sa likod pero pinigilan siya ni Phen.
"Stop. I'll drive."
"Pero sir bawal po kayo magmaneho. Ok lang naman po sa akin na ako ang magddrive."
"No thanks. I can manage. We need to be alone."
"Pero sir hindi po talaga pwede"
"Look mang Carding. Magaling na ako. Gusto ko kaming dalawa lang ng girlfriend ko. Understand?"
Sinungitan niya ng tingin yung matandang lalaki kaya sa bandang huli si Phen ang nagwagi.
Ano bang sinasabi niyang magaling na siya? At naramdaman niya na bang magmahal? Bakit siya lumuha kanina? At kung nagmahal nga siya dati, sino yun? Bakit ganun na lang yung reaksyon niya kanina? Ang dami kong gustong malaman tungkol sa kaniya pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
"Katherine Santiago"
Ano daw? Katherine Santiago? She's my cousin. Ano meron kay ate Kath? Bakit niya kilala?

BINABASA MO ANG
Infatuation or Love
RomanceAno nga ba ang pinagkaiba ng love sa infatuation lang? Ang love maraming meaning yan.. Pwedeng ang love ay kung na saan-saan lang, kaya masasabi mong ito ay "love is in the air" Pwede din namang "love is blind" kasi habang nagmamahal ka, hindi mo ma...