Five.

17 1 0
                                    

Ann's POV

Pagkauwing-pagkauwi ko agad akong dumeretso sa kwarto. Nagbihis agad ako ng pambahay na damit at nahiga sa kama. Medyo maaga pa naman. 1:30 pa lang ng hapon. Dahil maaga pa, pwede pa akong matulog tutal wala naman akong gagawin dahil sabado naman ngayon tsaka hindi pa naman nagsisimula ang klase kaya wala munang homeworks. Bago ako matulog, chineck ko muna ang phone ko. Aba! Magaling na boyfriend! Wala man lang kahit isang text? Talaga naman. Nagbabago talaga siya. Ano kayang problema noon?

Bago ako matulog. Pinatay ko ang cellphone ko. Nakakainis kasi. Haaayy! Bahala siya sa buhay niya kung ayaw niya magtext. Nakakainis talaga. Makatulog muna.

Nagising ako sa sobrang init. Grabe! Ganito ba kainit ngayon sa Batangas. Pagkatingin ko sa bintana, madilim na. Binuhay ko ang cellphone ko para tignan kung may nagtext sa akin. Pero I was disappointed nung wala man lang dumating na text kahit isa. Grabe! Limot na ba ni John na mayroon siyang girlfriend? Nako! Maitext na nga siya..

To: AAA John
Di mo ata ako naaalala? Hello! Ni isang text, wala eh

Bumangon na ako para magdinner. 7pm na pala. After ko magdinner, dumeretso ulit ako sa kwarto para tignan kung nagreply na si John, pero wala pa din eh. Grabe ha! Kung nagpapamiss siya, effective na effective sa akin. Sanayin daw ba kasi ako na lagi kaming magkatext. Ayan tuloy! Dahil malapit na naman akong mainis kailangan kong mahimasmasan. Naligo muna ako.

Nagtagal ako sa banyo for like 30 minutes I guess? Eh kasi nga mainit diba? Ewan ko ba. Gabi na nga, mainit pa din. Expectation vs. Reality ata ito? Anyways, binalikan ko ulit ang cellphone ko, pero wala talaga eh. Wala pa ding nagtetext sa akin. Ano na kayang nangyari doon? Imposible namang wala siyang load dahil sabay kaming nagload. Imposible din dahil kapag wala siyang load, nagagawa niyang makitext sa iba para masabihan niya ako na kaya hindi siya nakakapagreply dahil wala siyang load.


Dahil disappointed ako, nag-online na lang muna ako sa facebook. Siyempre ako ang dakilang girlfriend ni John A. Perez, dapat alam ko ang nangyayari sa kanya kaya una kong tinignan yung mga online friends ko, but unfortunately, hindi online si John. Pero baka sakaling mag-online siya, nag-iwan na din ako ng message for him.

"Hey! Buhay ka pa? Hello! Di ka nagpaparamdam? Di ka nagrereply sa mga texts ko? Is there something wrong? May problema ba?"

Dahil wala ng magawa sa facebook, naglog out na agad ako. Chineck ko ulit yung cellphone ko pero wala talaga eh. Nag-aalala na ako ha! Ano na kayang nangyari doon?

Itetext ko sana ulit si John pero may nag-appear sa screen ng phone ko ang sabi ay your message was not sent. Ok? Wala na akong load! So alam ko na wala na din load si John. Nako! Ang wrong timing naman ng cut off ng unli oh! Kung kailang alalang-alala na ako kay John eh! Dahil hindi talaga ako mapakali, nagpaload ako agad. Goodness! Kahit gabing-gabi na, lalabas ako para magload, malaman ko lang kung anong nangyari kay John okay na ako. Dahil magloload na din lang ako, ang pinaload ko ay yung may pantawag na.

Pagkauwi ko galing sa tindahan, agad kong dinial ang number ni John. Nagulat ako ng babae ang sumagot, inenglish pa ako..

"Sorry. The number you have dialed is now unattended or out of coverage area. Please try your call later"


Hayop! Bakit ganun? Nasaan kaya si John? Bakit hindi ko siya macontact? Saan namang lupalop yun nagpunta? Sinubukan ko ulit siyang tawagan pero yung operator pa din yung nagsasalita sa kabilang linya. Nag-aalala na talaga ako. Binukasan ko ulit ang facebook ko, nagbabakasakaling nagreply na si John. Pero wala pa din eh. Ano kaya problema niya? Grabe! Di ko maiwasan na mag-alala at mag-isip ng kung ano-ano. Grabe talaga! Hindi na muna ako naglog out baka sakaling maabutan ko siyang online.

3 hours passed pero wala pa din eh. Dinial ko ulit yung number ni John, pero yung operator pa din yung sumasagot. Nakailang dial na ako pero wala pa din. Kahit isang reply sa text ko, wala pa din. Kahit sa facebook, wala pa din. Hindi pa din siya nagoonline. Alalang-alala na ako! Dahil hindi na talaga ako mapakali, nagtanong na ako sa mga kaibigan ni John na online.


"Nakita mo ba dyan si John? Di kasi siya nagrereply eh. Di ko rin siya macontact. Pati kasi sa facebook, hindi siya online"

Chinat ko yung kaibigan ni John na si Aaron. After 3 minutes, nagreply naman siya.

"Nako! Hindi ko siya nakita ngayon eh. Intindihin mo na lang. Baka may problema siya? Wala ba siyang nababanggit sayo?"

Nasaan na kaya si John? Pati kaibigan niya hindi din alam. Paano na ito? Nireplyan ko si Aaron...


"Ah sige. Salamat. Wala naman siyang nababanggit sa akin eh. Siguro nga may problema siya. Osige! Salamat ha? Bye."


Nagreply naman agad si Aaron..


"Intindihin mo na lang. Baka nga may problema lang siya, nahihiya lang siguro yun magsabi sayo. Baka gusto niya lang muna mag-isa. Hayaan mo na lang muna siya, magiging okay din yan"


Magiging okay din? Sana nga..sana. Alalang-alala na ako eh.


Pagkagising ko kinaumagahan, chineck ko yung phone ko. May nagtext sa akin...

Infatuation or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon