Ann's POV
From: +63919*******
Ang tanga mo naman ate! harapan ka ng niloloko ng boyfriend mo, hindi ka pa kumikilos. Ikaw din, baka mawala yan sayo. Goodluck! :)What is the meaning of this? Sino ba ito? Tumingin ulit ako sa hagdan pero wala na si John at yung babaeng kasama niya. Ang bilis naman nila.
Niloloko nga ba ako ni John? Hindi. Malapit na kaming mag 3 years. Matagal na kami. At sa tinagal namin, never niya akong niloko. Never niyang pinaramdam sa akin na meron siyang nagugustuhang iba. Lagi niyang pinaparamdam sa akin na espesyal ako sa kaniya. Iniingatan niya ako. He's always protecting me. And I always feel safe when we're together. Kaya I trust him. Malaki ang tiwala ko na hindi niya ako kayang lokohin. Tsaka kung lolokohin niya lang ako, ngayon pang matagal na kami? Bakit ngayon lang diba?
Pero paano kung niloloko na nga niya ako ng harap harapan, nagbubulag-bulagan lang ako? Nagpapakatanga dahil mahal na mahal ko siya? No! I trust him. I trust John. I trust my love. Hinding hindi niya ako lolokohin. Ugh! Ann! Stop it! Will you? Text lang yan! Unknown number lang yan kaya huwag mo paniwalaan. Siguro that's the only way na gagawin ng gustong masira ang relasyon niyo. Relax! Okay?
After 20 minutes, dumating na yung prof namin. Wow! First day of classes, late ang prof na ito? Seriously? Kung ganyan araw-araw ang magiging prof ko, sisipagin ako pumasok! Haha.
''Good morning class. I'm sorry if I was very late. Emergency meeting. So let us start''
Nagsitahimik naman ang mga kaklase ko.
''Since you're now in college, alam ko na sawang-sawa na kayo sa introduce yourself set-up. So ganito na lang gawin natin. Bring out a piece of yellow paper. Any size will do. Come on! Faster! Write as I say''
Dali dali naman kaming naglabas ng papel. Akala ko naman kung ano yung ipapasulat. Yun pala name, course, contact number, address, school graduated from, and religion lang pala. Akala ko surprise quiz agad eh, wala pa ngang naituturo, quiz agad? That's not cool!
Pagkatapos namin isulat lahat ng yun, pinasa na namin at saka isa isang tinatawag ng prof ang mga pangalan namin habang kami naman magtataas ng kamay. Elementary lang ang peg no? Haha.
After niya magcheck ng attendance, pinakilala naman niya sarili niya sa amin.
''Okay. Medyo mahirap pa kabisaduhin mga pangalan niyo pero matatandaan ko din kayo. Ako nga pala si sir Andrew Guzman. Call me sir A for short.''
Blah blah blah. Ang dami pa niyang sinabi pero hindi na ako nakinig. Ang boring kasi. Nakakantok. Baka kapag pinagpatuloy ko ang pakikinig sa kaniya, kanina pa ako naglalaway dito. Call me a bad girl, pero sorry, ganun na ata talaga ako. I hate listening to other people, ikauunlad ko ba yun? Diba hindi naman? So why bother listening diba? Waste of time lang!
Ang tagal ni sir A magkwento ng talambuhay niya. Talagang inaantok na ako. I was about to take a nap ng bigla kong naramdaman na nagvibrate ang phone ko. Patago kong binasa ang text. Unknown number again...
From: +63935*******
Your boyfriend tastes good, honey!
BINABASA MO ANG
Infatuation or Love
RomanceAno nga ba ang pinagkaiba ng love sa infatuation lang? Ang love maraming meaning yan.. Pwedeng ang love ay kung na saan-saan lang, kaya masasabi mong ito ay "love is in the air" Pwede din namang "love is blind" kasi habang nagmamahal ka, hindi mo ma...