Three.

16 1 0
                                    

Ann's POV

Dahil talagang gutom na ako, dinial ko ulit yung number niya. Pero ganun ulit yung nangyari, tatlong beses ulit nagring tapos namatay ulit. Kinakabahan na ako. Ano kaya ang nangyayari kay John sa loob?

Tatayo na sana ako para puntahan siya sa loob ng bigla ko siyang nakita na palabas ng pinto na may kausap na babae. Wow! Sino kaya yun? Heler! Girlfriend here! Siya ba ang dahilan kaya hindi sinasagot ni John ang tawag ko? Anyone there? Please tell me, hindi totoo itong nasa isip ko.


Ayan papalapit na sila sa akin. Ano gagawin ko? Nakakataranta naman ito. Mahangin naman pero bakit pinagpapawisan ako ng todo? Gosh! Siguro mga limang hakbang na lang bago sila makapunta sa harap ko. Bahala na si batman! Tutal hawak ko naman ang cellphone ko, nagwattpad na lang ako para makalusot man lang tsaka para masabi nilang kanina ko pa sila tinitignan. Ayan na, malapit na sila, malapit na..


"Kanina ka pa ba? Pasensya na, pinaulit sa amin yung picture taking eh. Gutom na ako. Ikaw ba? Tara muna sa McDo bago tayo umuwi. Don't worry, my treat. So tara?"


Nagulat ako ng bigla siyang nagsalita. Pagkatingala ko, mag'isa na lang si John, wala na yung babaeng kausap niya. Pero wait, narinig ko yung McDo at treat niya daw. Mabuti naman! Minsan kasi ako ang gumagastos pagmagkasama kami. Parang ako yung lalaki sa amin minsan. Haha. Pero hayaan na yun. McDo ba kamo? Omo! Kahit fries lang ibili mo sa akin, okay na ako dun John. Haha.


"Anong nginingiti mo dyan? Pinagnanasaan mo na naman katawan ko no?"


"Ano ka ba naman! Eww! Tara na nga! Gutom na ako kakahintay sayo. Ang tagal niyo kasi."


Ako pinagnanasaan ko katawan ni John? Gosh! Minsan lang no! Hindi ngayon kasi gutom talaga ako! Pagkarating namin sa McDo siya na lang daw magoorder, ako na lang ang maghahanap ng upuan namin. Okay :)

"Ano pa lang gusto mo kainin?"


"Okay na ako sa chicken fillet at isang regular fries"


Syempre, dapat hindi mawala ang fries kapag sa McDo ako kakain. Ang sarap kasi ng fries nila dito. In love na in love ako sa fries nila. Haha. Naghanap na ako ng bakanteng upuan. Ang dami ng tao, halos mawawalan na ng upuan ang madamin. Pero kung sinuswerte ka nga naman, may nakita din akong bakante. Malapit nga lang sa pinto. Tinignan ko si John sa counter, patapos na ata siyang umorder kaya tumakbo ako ng mabilis papunta sa bakanteng upuan. Baka sabihin pa niya na ang bagal bagal ko kumilos. Haha


Saktong pagkaupo ko, dumating na si John. Wow! Nakita niya ako agad?


"Ang bilis mo naman ako makita?"


"Ganun talaga kapag mahal mo. Mabilis mo lang makikita"


"Dami mong alam! Pwede ka ng mag'abroad"


"Gusto mong iwan na kita? Pinapaalis mo na ako? Ayaw mo na sa akin? May iba na ba? Sino? Lagot sa akin yun!"


Wow! Daming nasabi ha! Hahaha

"Ano? Hindi no! Binibiro ka lang naman eh. Siyempre hindi kita papayagan umalis no! Pano na lang ako kung umalis ka? Kumain na nga lang tayo"


Pero paano nga kung umalis siya? Paano na kaya ako? Haaayyz 'Wag na nga muna natin isipin yun.


"Alam ko. Halata nga eh. Tawag ka ng tawag kanina. Nasa CR kaya ako nung tumatawag ka. Alam mo namang mahirap magconcentrate kapag najejebs ka na di ba? Kaya sorry kung pinatay ko tawag mo. Yung pangalawang tawag mo naman, palabas na ako nun kaya pinatay ko. Sorry."


"Ano ka ba! Kumakain tayo oh tapos ganyan sasabihin mo? Eww ka talaga! Okay lang yun. Basta sa susunod ha? Itext mo ako kung nasaan ka para hindi ako mag'alala ng husto"


"Ayyiieee! Nag'aalala siya sa akin."


"Kumain ka na nga lang"


"Sige na nga"


Ang kulit niya no? Haha. Wait! Wala siyang nabanggit sa akin tungkol sa babaeng kausap niya kanina. Sino kaya yun? Naccurious ako. Haha.


"Sino nga pala yung babaeng kausap mo kanina?"

Infatuation or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon