Ann's POV
Ilang araw na ang lumipas, pero walang John na lumalapit sa akin para suyuin ako. Ilang araw na din akong walang kasabay pumasok sa school. Ilang araw na din akong walang kasabay pauwi galing sa school. Hanggang ngayon, wala pa din.
Freshmen day ngayon sa school at ako ang napili para irepreseent ang collage namin. Sa totoo lang di ako mahilig sa mga ganito. Di ko sineseryoso ang mga baga na ganito, pero dahil sa wala ng mapiling isasali, napilit nila ako.
Ang aga ko pumasok dahil aayusan pa ako. Hindi sana ako papasok dahil sa masama ang pakiramdam ko. Masama dahil sa nangyayari sa amin ngayon ni John. Ni wala man lang siyang text. Hindi man lang niya ako sinuyo. Grabe siya. Grabe talaga siya. Anyways, tututukan ko muna ang foundation week ngayon. Dahil kung mahal naman talaga ako ni John, gagawa siya ng paraan para maging maayos ulit kami.
Pagkadating ko sa school, inayusan na ako. Nilagyan nila ako ng make-up. Sa totoo lang, ayaw ko ng make-up, nakakairita kasi. Hindi ako komportable kumilos. Pagkatapos akong ayusan, tinuruan nila ako lumakad na parang isang model. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o tatawa na lang. Maiinis kasi ang init-init na nga, yung make-up ko pa parang natutunaw na ice cream o matatawa kasi parang ewan lang yung ginagawa ko. Hindi naman kasi ako yung tipo ng babae na masyadong girly. Yung mga tipo ng babaeng laging mayroong lipstick, yung babaeng kungg magdamit ay masyadong showy, yung babaeng girly gumalaw, yung babaeng madapuan lang ng langgam ay sisigaw na, yung babaeng mahilig sumali sa mga beauty contests, yung babaeng minu-minutong nasa banyo para mag-ayos ng sarili. Hindi ako ganung klase ng babae. Hindi naman sa panget ako, maraming nagsasabi na maganda daw ako pero sa totoo lang, sa tuwing sinasabi nilang maganda ako, tinatawanan ko na lang sila, lakas nilang mambiro eh.
10 minutes na lang daw ay magsisimula na yung program. Tinawag nadin yung mga contestants. Pinapunta kami sa room kung saan malapit yung stage para siyang magsilbi naming dressing room. Ang daming eche buretche! Nakakainip. Ang tagal-tagal bago nila ipakilala ang mga contestants. Daming intermission number.
After siguro ng 20 minutes, tsaka pa nila kami pinakilala. Sabi din nila na gagawin na daw ang talent Siyempre, isa-isa pupunta sa stage. Nung ako na yung tinawag, ngarag na ngarag ako. Hindi ko alam kung ano itatalent ko! Dahil wala ng time, kinausap ko yung kaklase ko na may kantang "Siguro" ni Yeng para yun na lang ang kakantahin ko. Bahala na. Walang minus one dahil hindi ko pinaghandaan ang pagsali ko dito sa contest na ito.
"Thank you contestant no. 2, now, please welcome contestant no. 3". Nagpalakpakan ang mga tao habang umaakyat na ako ng stage.
Pagkaakyat ko ng stage, una kong hinanap si John sa mga audience. Ang daming tao. Hindi ko siya makita. Tumugtog na ang kakantahin ko...
"Kung alam niyo po ang kanta, sabayan niyo po ako" Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sarili ko sa sinabi kong yun. Parang walang nakikinig eh. Parang nakatingin lang sila sa akin. Bahala na, basta matapos ko itong kahihiyan na ito ngayon.
Ang gusto ko
Ang gusto ko
Gusto ko sanang
Sabihin sa iyo
Gusto ko sanang sabihin kay John kung gaano ko siya kamahal. Gusto kong sabihin sa kaniya na araw-araw andito lang ako. Gusto ko sabihin sa kaniya na hinding-hindi ko siya iiwan kahit na anong mangyari. Nasaan ka na ba John? Nasa piling ka pa rin ba ng babae mo?
Pero paano
Paano
Pag malapit ka'y
Nauutal ako
Nahihiya
Tumitiklop
Nawawala bigla ang sasabihin ko
Paano ko nga ba sa iyo sasabihin? Paano ko sasabihin sa iyo kung sa paglapit mo kinakabahan na ako. Sa tuwing lalapit ka sa akin, nakakalimutan ko lahat ng gusto kong sabihin sa iyo. Paano ko sasabihin sa iyo kung sa tuwing lalapit ka sa akin, umuurong ang dila ko, sa tuwing lalapit ka sa akin, napapatahimik ako? John, nasaan ka na? Siya na ba ngayon?
Ang nakikita ko lang
Ay ang mukha mo
Lahat sa paligid ko
Ay naglalaho
Paano ko sasabihin sa iyo kung sa tuwing kasama kita, tumitigil ang pag-ikot ng mundo ko. Sa tuwing kasama kita, lahat ng nasa paligid ko ay naglalaho. Paano? John, magpakita ka lang sa akin ngayon, promise, okay na okay na tayo. kakalimutan ko yung mga nangyari. Magpakita ka lang, nasaan ka na ba? Ganun ba siya kaimportante sa iyo? At kahit akong girlfriend mo, hindi mo maalala?
Siguro'y umiibig
Kahit di mo pinapansin
Magtitiis nalang ako
Magbabakasakaling
Ika'y mapatingin
Ako nga lang ba yung nag-iisang umiibig sa relasyon natin? O parehas tayong umiibig, yun nga lang iba ang iniibig mo? John, okay lang na magtiis ako, pero sana magpakita ka lang sa akin, okay na ako. Ako na lang John, ako na lang. Hindi kita sasaktan, pangako...
Kahit sa panaginip
Ikaw lang
Ang aking hinihiling
Sa bawat ngiti mo
Sa panaginip ko
Parang ayoko nang magising
Sana panaginip lang ang lahat ng nangyayari sa atin ngayon. Di ko maisip kung magkakaroon ka ng iba. Ako na lang John.. Nasaan ka na ba?
Natapos ang pagkanta ko pero walang John na nagpakita sa akin. Wala siya sa mga audience. Ang sakit. Bumaba na ako ng stage bago pa nila makita na naluluha na ako. Dumeretso na ako sa dressing room para magpalit ng sports wear.
Wala na akong gana kaya di ko inayos ang performance ko, tutal ayaw ko din namang manalo.
Tapos na ang pageant kaya dumeretso ako sa room para kunin ang mga gamit ko. Pagdating ko doon, marami ng tao. May susunod na pageant pa kasi pero yung mga irarampa naman nila ay recycled. Pagkalabas ko, nakita ko si John sa stage...
...kasama niya yung babae niya. Magpartner sila. Ang sakit! Sobrang sakit. Di ko na napigilan. Kusang lumabas ang mga luha ko nang makita ko silang magkasama. Akala ko tapos na yun. Pero bakit may ganito na naman?
Tumakbo ako palabas ng gate ng school, hindi ko na alam ang gagawin ko. Nang malapit na akong makalabas ng gate, may nakabangga akong lalaki...
BINABASA MO ANG
Infatuation or Love
RomanceAno nga ba ang pinagkaiba ng love sa infatuation lang? Ang love maraming meaning yan.. Pwedeng ang love ay kung na saan-saan lang, kaya masasabi mong ito ay "love is in the air" Pwede din namang "love is blind" kasi habang nagmamahal ka, hindi mo ma...