Fourteen.

13 1 0
                                    

Ann's POV

"I know you love him but trust me, he doesn't feel the same way. But, I, Jhon Stephen del Valle, volunteer to be your slave, Anastasia Camille Reyes. Handa akong magpagamit sayo para lang marealize niya yung kahalagahan mo."

Nagulat ako sa sinabi niya. Ano daw? Siya magpapagamit? Siya? Magiging slave ko? What? Hindi ko siya maintindihan. Iimik na sana ako kaso pinigilan niya ako.

"Shh. Tahimik! Kakain tayo kaya wag puro drama okay? Tsaka kailangan natin makabalik ng 1pm sa school. 11:45 na oh"

"Okay"

Kumain lang kami. Ang dami niyang inorder. Halos lahat ata ng nasa menu ay inorder niya. Nang matapos na kami kumain nagsalita siya.




"Ok. Busog na ako. Now is the right time para magsalita ka. Ano ba dapat ang sasabihin mo kanina?"




"Ha? Wala akong sasabihin"





"Come on Cams! May sasabihin ka diba?"


"About sa sinabi mo kanina. Anong magpapagamit ka? Anong slave? Hindi kita maintindihan"




"Handa akong magpagamit sayo. I mean, handa akong magpanggap na tayo para marealize niya yung worth mo. Get it now soon to be Mrs. del Valle?"



"Anong soon to be Mrs. del Valle? Pwede ba tumigil ka! Mahal ko si John no!"

"Well, I'm Jhon. Can't you remember?"

"Hindi ikaw yung tinutukoy ko. Ang tinutukoy ko ay si J-H-O-N."



"Calm down Cams! Ang sungit mo. Kaya siguro naghanap siya ng iba."


"Kung wala ka namang magandang sasabihin. Aalis na ako. Thanks for the treat anyway."



Tatayo na sana ako pero hinawakan niya ang kamay ko.


"Sit. You're not going anywhere hanggat hindi ka sumasagot sa tanong ko"






"Wala ka namang tanong."






"Cams! Ano ba? Pumapayag ka ba na maging tayo?"



Umupo ulit ako. Hindi ko alam kung tama ang magiging desisyon ko pero gusto ko lang na bumalik sa akin si John.



"Sige. Pumapayag na ako. But, for 1 week lang."




"Ok! Trust me. He'll realize your worth."





"Sana nga."




"What's his full name again? Siya yung nakaaway ko diba?"




"Jhon A. Perez"



"Anastasia Camille Reyes Perez. Hindi bagay! Mas maganda talagang pakinggan ang Anastasia Camille Reyes del Valle."




"Yan ka na naman! Tumigil ka nga!"




"What? Ako na ang boyfriend mo ngayon diba? I'm just trying to be sweet. Look! Wala pa akong nagiging girlfriend. Ni humalik hindi ko alam."




Namumula siya. Ang hirap magpigil ng tawa!




"Hahaha. Seriously? Ikaw wala ka pang nagiging girlfriend? Sa gwapo mong yan? Sikat ka sa school, wala pa din?"




"Yeah. Gusto ko kasi isa lang magiging girlfriend ko. Tapos siya lang papakasalan ko."




"Ang dami mong alam. So what's your plan?"




"Wala. We'll just act normal. Pero dapat wala kang lalapitang iba. Ako lang dapat. Ako boyfriend mo."




"Akala ko pagpapanggap lang na tayo? Bakit feel na feel mo?"




"Sabi ko naman sayo diba? Ang magiging girlfriend ko ay siyang papakasalan ko!"




"Pagpapanggap lang yung atin Mr. del Valle."




"Wag kang magsalita ng tapos soon to be Mrs. del Valle. Balik na tayo sa school?"




"Okay."





Bago kami lumabas ng restau kinuha niya muna yung bill. Nag-iwan siya ng 8,000 pesos. Seriously? Ganun yung naikain namin? 8,000 pesos wala pang 3 oras? Grabe!




Pumara ulit siya ng tricycle. Nang nasa school na kami, hinawakan niya ang kamay ko bago kami bumaba.





"Girlfriend kita kaya ako lang ang hahawak sa kamay mo. At kung pwede lang, ako lang titingin sayo."




"Dami mong sinasabi. Tara na sa loob."




Binigyan niya ng 1,000 pesos yung tricycle driver. Keep the change daw. Seriously? Bakit ang dami niyang pera? Sobra ha!




"8,000 pesos para sa nakain natin kanina. 1,000 pesos para sa tricycle. Tapos keep the change?"




"Yung nakain natin kanina, 500 pesos lang yun. Yung tricycle, 40 pesos lang yun. I said keep the change kasi masaya ako na may girlfriend na ako."




"Sayang! So pwede na ako magdrop at maging tricycle driver na lang. Sayo pa lang ang laki na ng kita ko"




"Kung ikaw magiging tricycle driver at kasama ko ang girlfriend ko, di kita bibigyan ng ganung kalaking pera!"




"Why?"




"Kasi hindi lalaki yung tricycle driver"




"So gusto mo lalaki lang yung tricycle driver? Ang unfair mo!"




"Yeah. Dapat lalaki yung nagtratrabaho, hindi babae. Get that soon to be Mrs. del Valle?"









Nagulat kami ng biglang may nagsalita sa likod namin...







"Soon to be Mrs. del Valle? Wifey? Engaged ka sa kaniya? Kailan pa?"

Infatuation or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon