Ann's POV
May nagtext na unknown number...
From: +63918*******
Good morning wifey ko. Gising na! First day ngayon ng klase, bawal malate. Sabay tayo ha? Hintay kita sa kanto ng mga 6:15 ok? Iloveyou wifey ko. Imissyou :*
Wait! 6:15? Eh 5:35 na? Seryoso? Nako! Agad akong bumangon sa kama. Nagsuklay agad ako at dumeretso na sa banyo para sa mga seremonyas na ginagawa ko. Haha. After 20 minutes, natapos na ako maghanda.
Dahil maaga pa, wala pang lutong pagkain. Hindi din naman ako marunong magluto kaya useless lang kung magsasaing ako. Nag-init na lang ako ng tubig para makapag milo ako. Babawi na lang ako mamayang lunch.
Pagkatapos kong magmilo, tiningnan ko ang oras sa cellphone ko at mag-6:30 na. Hala! Napasarap ata ako sa pagwaWiFi. Malamang nainip na si John kakahintay sa akin. Baka iwanan pa ako. Dahil late na talaga, ginising ko si tita sa pagkakatulog niya. Ayoko man gawin pero kasi kailangan ko ng pera. Wala kaya akong money! Haha. Paano na lang ako mamayang lunch? Milo na naman ba?
"Eto. Anong oras na ba? Kumain ka na?"
Medyo inaantok pa si tita ng inabutan niya ako ng 150 pesos. Sorry tita :)
"6:30 na po. Nagmilo lang po ako. Aalis na po ako. Late na eh"
"Hanggang anong oras ka ngayon?"
"Hanggang alas dos lang po"
"Maagang umuwi ha? Tingnan mo yang pagtawid tawid mo."
"Sige po. Aalis na po ako."
"Sige. Lock mo yung pintuan ha?"
Daming sinabi ni tita. Sa pagmamadali ko, hindi ko na nailock yung gate. Pero okay lang yun! At least, nailock ko yung pinto diba?
Patakbo na akong naglakad papunta sa kanto. Late na din kasi. Tsaka baka magalboroto sa inip si John kakahintay sa akin.
Pagkadating ko sa kanto. Andun na nga si John. Wow! College na talaga ang buhay nitong batang ito! Alam niyo bang binder lang ang hawak niya? Wala akong makitang bag! Ang sipag niya no? Buti pa siya!
"Sabi ko 6:15 diba? Kanina pa ako dito"
Yan na nga ang sinasabi ko! Nagaalboroto na siya. Haha.
"15 mins. lang naman late eh. Sorry na. Tara?"
Nakapagpara na kasi ako ng jeep. Mamaya mag-away pa kami. Eh di parehas kaming late? Nakakahiya! First day of class pa man din ngayon. Dahil medyo maraming tao sa loob ng jeep, hindi kami magkatabi ni John. Sinubukan kong iabot sa kanya yung bayad ko, pero hindi niya tinanggap. Okay! Libre pamasahe! 20 pesos din yun. Thanks hubby!! :)
Dahil ang boring sa loob ng jeep. Nagsoundtrip na muna ako. After 10 min. dinalaw ako ng antok kaya sumandal muna ako sa bintana at sinubukan kong umidlip kahit saglit lang.
Nagising ako dahil naramdaman kong parang lumuwag. Bumaba na yung dalawa kong katabi. Tiningnan ko kung nasaan na kami. Medyo malayo pa, pwede pa akong matulog. Pagkapikit ko, huminto yung jeep. Binuksan ko naman ang mga mata ko, nakita ko si John sa tabi ko. Wow! Timing na timing ah! Dahil inaantok talaga ako, pumikit na ako. Sorry na pero ganito kasi ako kapag inaantok, snob! Haha.
After ng ilang minutes, may tumapik sa akin na siyang dahilan kung bakit ako nagising.
"Gising na! Malapit na tayo. Tulog ka ng tulog"
Patay! Mukha siyang galit. Speechless ako. Nakakatakot yung itsura niya ngayon. Ano meron? May ginawa ba akong masama? Natulog lang naman ako.
Siya na ang nagpara at naramdaman niya siguro na wala akong balak magsalita.
Habang naglalakad kami, ang tahimik. Nakakapanibago! Ano ba meron?
Nang nasa gate na kami, tinanong ko siya kung sabay kami uuwi pero ang sinagot lang niya ay...
"Umuna ka na. Matatagalan pa ako"
BINABASA MO ANG
Infatuation or Love
RomanceAno nga ba ang pinagkaiba ng love sa infatuation lang? Ang love maraming meaning yan.. Pwedeng ang love ay kung na saan-saan lang, kaya masasabi mong ito ay "love is in the air" Pwede din namang "love is blind" kasi habang nagmamahal ka, hindi mo ma...