Eight.

17 2 0
                                        

Ann's POV

''Umuna ka na, matatagalan pa ako''

Wow! Ano yun? Bakit ganun? Parang galit siya? Ano ba nagawa ko? May problema ba kami? Grabe ha! Parang wala na siyang pakialam sa akin eh.

Dahil nauna na siya maglakad papunta sa room niya, mag-isa na lang ako ngayon. Grabe talaga siya! Ni hindi man lang ako hinatid sa room ko! Bahala na nga.

Naglakad-lakad ako para hanapin ang room ko. Buti na lang hindi ganun kalaki yung school kaya hindi ako nahirapan sa paghahanap. Pumasok ako sa room 202 pero wala pang tao eh, ayaw ko naman na ako lang ang tao dito kaya lumabas ulit ako. Nagpunta muna ako sa CR para ayusin ang buhok ko. Mahangin kasi kanina sa jeep kaya feeling ko magulo yung buhok ko.

Nang patapos na ako sa pagsusuklay, may narinig akong nagsasalita sa mic. Wow! Ang lakas ha?

''Students, lumabas muna kayo sa room niyo. We're about to start our flag ceremony. Thank you''

Flag ceremony? Wow naman! Pati ba naman sa college meron din palang ganun? Hindi ako nainform! Haha. Dahil naririnig ko na maingay na sa labas, siguro dahil naglabasan na nga ang mga estudyante, lumabas na din ako ng CR.

Wow! Paglabas ko, hindi ko akalaing ganun kadami yung estudyante. Kanina kasing pagkadating namin ni John dito sa school, parang halos walang tao. Ang tahimik!

Anyways, pumila na din ako. Hindi naman ganun kahirap hanapin yung pila kasi nga may nagsasalita naman sa harap para mapabilis yung pagpipila sa kanya kanyang course.

After ng flag ceremony, pinapunta naman kami sa kanya kanya naming mga room. Dahil nakapila kami, hindi na ako umalis dito, mahirap na baka maligaw ako. Haha. Akala mo naman ang laki ng school no? Haha.

Pagkadating namin sa room, owmygulay! Ganito ba talaga ang pinasukan ko? Haha. Eh wala pa nga ata sa 20 kaming magkakaklase? Haha. Pero okay na din yun no. Mas matututukan kami ng profs namin. Dahil wala pang teacher, syempre may mga nag-iingay pa. Grabe ha? Wala pa nga kaming 20, magiingay pa sila? Habang nagiingay yung iba, ako naman busy sa paghahanap ng upuan ko. Ayaw ko naman sa likod kasi baka bullyhin akong loner, wala pa man din akong kakila dito. Ayaw ko din naman sa harap kasi ang lapit lapit sa blackboard, lumilipad pa man din ang mga chalkdust kapag nagbubura, tsaka may asthma kasi ako kaya hindi talaga ako pwede sa harap. Gusto ko sana sa gitna kaso wala pa nga kaming 20 diba? So ayun! Hanggang 2nd row lang ang nagamit na upuan. Dito na lang ako sa 2nd row sa gitna. Okay na ko dito. Grabe lang talaga! Sila may kausap, ako wala! Ang loner ko! Hahaha. Chos! Ang galing lang naman ng pwesto ko eh. Kitang kita ko yung hagdan. Nakita ko si John na kasama na naman yung babae na kausap niya noong orientation namin. Ang saya nila. They look perfect! Ay! Ano ba itong sinasabi ko? Boyfriend ko si John at ako naman ang girlfriend niya. Nakakapagselos na ha! Bakit ba ang tagal tagal ng prof namin? Nakakainis ha! This day is not my day!

Dahil ang tagal talaga nung teacher, nagcellphone muna ako. Pagkabukas ko ng cellphone ko, may nagtext. Unknown number...

From: +63919*******
Ang tanga mo naman ate!  harapan ka ng niloloko ng boyfriend mo, hindi ka pa kumikilos. Ikaw din, baka mawala yan sayo. Goodluck! :)

Infatuation or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon