Two.

16 1 0
                                    

Ann's POV

After 45 minutes ng pagbyahe, andito na din kami. Lakad lang ng 2 minutes at nasa school na kami. :)
Habang naglalakad kami, ang tahimik. Nakakapanibago dahil ngayon lang siya tumahimik ng ganito.

"Okay ka lang?" Tinanong ko siya.

"Oo naman. Bakit hindi?"

Okay lang pala siya eh. Masyado ata akong paranoid kaya nsisip ko may problema siya.

"Okay. Sabay tayo umuwi ha?"

"Sige. Basta hintayin kita kapag ako ang nauna. Hintayin mo din ako kapag ikaw ang naunang pumasok"

"Sige. Tara na sa loob"

Pagkapasok namin, agad kaming pinapila para sa attendance. Magkaiba kasi ang course na kinuha namin kaya nagkahiwalay kami sa pila. Sa pila ng course niya masyadong mahaba kaya ako ang naunang pumasok sa AVR. Nakita naman niya ako agad kaya hindi ko na siya kailangan itext pa. Magreserve lang daw ako ng upuan malapit sa akin. Kaya pagkapasok ko, naghanap ako agad ng bakanteng upuan. Ang dami ng tao sa loob, halos mapupuno na itong room. Swerte naman dahil mayroon pang tatlong bakanteng upuan sa likod. Gusto ko sana sa harap kaso puno na eh, kaya no choice. Umupo ako sa gitna ng tatlong bakanteng upuan. Sakto naman pumasok na din si John. Nakita naman niya ako agad kaya umupo siya sa kanan ko. Pagkaupo ni John, may babaeng lumapit sa amin..

"Miss, may nakaupo ba sa tabi mo?"

"Wala naman po"

"Pwede bang tumabi?"

"Pwede naman"

"Thanks"

Heler! Hindi kaya ako ang may ari ng upuan kaya okay lang. Haha. Sabi nila 8am ang start ng orientation, 8:30 na hindi pa nagsisimula. Wala na din tao sa labas dahil lahat sila nakapasok na dito.

"Okay pa ba kayo diyan? Magstart na tayo in a minute, hintayin lang natin yung mga magsasalita mamaya. Habang hinihintay natin sila, magWifi muna kayo. Yung password nasa projector screen. Problema na ng malabo ang mata kung hindi sila makaconnect. Haha"

Ang adik naman nung nagsalita. Hahaha. Pero sosyal ha? Hindi ko alam na libre WiFi dito sa school na ito. At first place kasi, hindi mo talaga akalain na WiFi zoned ang school na ito kasi maliit lang siya. Hindi naman yung maliit talaga, yung tama lang. Hindi masyadong malaki, hindi din naman masyadong maliit.

So yun nga, habang naghihintay nag'WiFi ang ibang studyante, yung iba nagdadaldalan. Si John busy sa cellphone niya. Ako? Eto inaantok na naman. Haha. Ako nga si sleepy princess diba? Ayaw ko naman magWiFi kasi sigurado ako mabagal yan. Halos lahat ba naman ng andito sa room may hawak na cellphone. Besides, baka malowbat pa ang cellphone ko. Todo pa naman ako kung magWiFi. Haha.

Dahil ako si sleepy princess, sinubukan ko naman umidlip kahit 20 mins. lang pero nabigo ako dahil may nagsalita na sa stage. Magsisimula na daw ang orientation. Nako! Inaantok talaga ako.

"Before we start, please stand up for the National Anthem and for the prayer" Tumayo naman lahat ng nakaupo..

After ng prayer at pag'awit, pinaupo naman kami agad.

Ang dami naman echebureche! Lalo akong inantok. Para mabawasan pagkaantok ko, tumingin na lang ako sa bintana. Ang ganda talaga ng kulay ng school, white and blue. Medschool na medschool talaga ang dating. Habang nakatingin ako sa bintana, nakita ko naman sa peripheral vision ko na nakatitig sa akin si John. Dahil ayaw ko sa lahat ay yung tinititigan ako dahil naiilang ako, tinignan ko siya ng masama pero nginitian niya lang ako. Grabe itong lalaking ito. Naiilang na ako dito pero siya, pangiti ngiti na lang. Kainis ha!

"Tama na kasi"

Aba! Hindi ako pinansin. Bigla ba naman pinisil ang ilong ko. Ugh! Eto pa yung ayaw ko eh, yung pinipisil ang ilong ko. Nakakainis talaga. Boyfriend ko ba talaga ito? Haha.
Para makaganti, kiniliti ko siya. Sinundot ko yung tagiliran niya. Haha. Ang panget niya talaga kapag kinikiliti. Haha. Pero mahal ko yan!

"Suko na ako. 'Wag ka na maingay. Hintayin mo pangalan mo, tatawagin ka sa harap."

Nagulat naman ako. Ako? Tatawagin sa harap? Bakit? Anong meron? Tinanong ko naman si John para magka'idea ako. Grabe itong lalaking ito! Nakikinig pala siya. Haha. Hindi halata!

"Ako? Bakit? Sus! Hindi tatawagin pangalan ko no!"

Nginitian niya ulit ako. Sinubukan ko makinig pero wala eh. Nawala ako sa focus. Haha

"Tatawagin mga scholar. Hindi ka talaga nakikinig no?"

Ahh! Yun naman pala! Kaya pala tatawagin dahil scholar. Haha. Sinubukan ko makinig para marinig ko pangalan ko. After many seconds, haha. Tinawag na pangalan ko. Kaya dali'dali ako pumunta sa harap. Shockings! Ang daming tao! Nakakahiya yung itsura ko. Haha. Joke lang! Ang ganda ko kaya. Nagtawag pa sila ng 2 pang pangalan..

"And here are our scholars for this semester. Sa dami ng nag'apply ng scholarship, sila lang yung pumasa sa test at sa interview. May maintaining grade syempre ang scholar, ang grade na kailangan niyong imaintain ay 1.75 for your GWA and no grade below 2.25 in every subject. Kaya niyo naman yun kaya I hope walang matatanggal sa inyo. Goodluck! You may now go back to your places"


What the!! 1.75? No grade below 2.25? Kaya ko ba yon? Haha. Kakayanin ko basta para sa nanay ko! Fighting! Mag'isa na lang kasi nanay ko. Broken family kami eh pero okay lang yun! At least nakakakain ako at nakakapag'aral.


Pagkabalik ko sa upuan ko, umappear naman sa akin si John. Haha. Hindi ko talaga mabasa ang iniisip nito.

Marami pang nagsalita sa harapan. Nagsalita ang lahat ng Dean ng bawat department. Nung tinawag naman na ang Dean para sa department namin, pinatayo niya kami. Siyempre proud ako sa course ko kahit 2nd option ko lang to. Haha. Ang 1st option ko kasi ay Accountancy, sa La Salle sana ako mag'aaral. Kaso hindi natuloy kasi balak ng nanay ko, dapat may scholarship ako para hindi siya masyadong mahirapan. So yun, naghanap pa kami ng school kung saan aabot pa ako sa scholarship at itong medschool na ito ako nakakuha. Kaya yung 2nd option ko na lang ang kinuha kong course. So yun nga, pinatayo kaming masa department ng Physical Therapy. Yepp! Physical Therapy. Ang layo ng 1st option ko sa 2nd option no? Haha. Ewan ko ba! Sabi kasi ng nanay ko mag'P.T na lang ako.

Nagulat naman ako kasi P.T din pala ang katabi ko, yung babaeng nagtanong sa akin kanina kung pwede daw ba siyang umupo sa tabi ko. Alam kong P.T siya kasi katulad ko, nakatayo din siya. Haha. Engot ko no? Akalain niyo yun 7 lang kaming 1st year sa department namin tapos puro babae pa lahat. Haha. Ang cool!

Natapos ang orientation. Pinalabas isa'isa ang bawat department para sa bigayan ng schedule at picture taking para sa I.D. Nauna pinalabas ang department namin kasi kami ang pinaka'kaunti. Kaya yun sukat uniform pangtaas, pila, picture, labas! Hahaha. Ang daming tao! Masyadong mainit. Nakita ko naman si John pagkalabas ko kaya sinabi ko sa kanya na sa labas na lang ako maghihintay kasi mainit sa loob. Pumayag naman siya. Pagkalabas ko, itong mga ka'department ko nagyaya libutin itong school. Sumama naman ako kasi ayaw ko namang alone lang ako habang hinihintay ko si John. Hahaha. Besides, marami pa namang tao sa pinipilahan ni John kaya matagal pa yun. Haha.

Pagkatapos namin libutin ang school, umalis na yung mga kasama ko. Syempre di na ako sasama sa kanila, hihintayin ko pa si John eh. Grabe lang ha? Ako yung babae, ako yung maghihintay. Haha. Yaan na nga. Umupo muna ako sa lobby habang hinihintay si John. 30 mins. na ang lumipas pero wala pa din siya. Haynako! Inaantok na gutom na ako. Pasado ala una na hindi pa tapos. Nagugutom na ang mga alaga ko sa tiyan ko.

Dahil hindi ko na talaga matiis yung gutom ko, nilabas ko ang cellphone ko at dinial ko ang number ni John. Tatlong beses nagring tapos biglang namatay. Ano kaya ang nangyari na kay John bakit biglang namatay cellphone niya?

Infatuation or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon