There will be a wrong grammar you might encounter. Thank you for your consideration! Enjoy reading!
***
Andito kami ngayon sa tabing-dagat para magbonfire. This is my first time doing this kind of activity. It's like a camping for me.
Sina Blake, Aaron, at Alex ay naghahanda ng kani-kanilang gitara— Oo nga pala, marunong silang tumugtog 'nun. Sina Athena at Crizelle naman ay nag CR muna.
"Hey!" Tawag sa akin ng kung sino. Lumingon naman ako sa kanya at saka inaninag kung sino iyon.
"Oh Cole, ikaw pala." Umusog ako ng kaunti para makaupo siya.
"Bakit ikaw lang mag-isa rito?" tanong pa niya sa akin.
"Ah, nag-cr kasi muna sina Athena at Crizelle." simpleng sagot ko.
"Eh ikaw, bakit ka andito? Andoon sina Blake oh." sabay turo sa sa tatlo na nag-aayos ng mga instrument na gagamitin nila mamaya.
"Ah, nakita kasi kita kaya sinamahan na kita." Pagkatapos 'nun. Sandaling katahimikan ang namayani sa paligid.
Natapos na sa pag-aayos ang tatlo at mga ilang minuto pa ang lumipas ay dumating naman na sina Athena galing comfort room.
"Oh guys, tara na. We're going to start!" sabi ni Alex.
Nakapaikot na kami ngayon sa bonfire. Katabi ko sa kaliwa si Athena at si Aaron naman ang katabi ko sa kanan. Si Athena naman ay katabi niya si Blake, sumunod ay si Alex na katabi si Crizelle at nasa pagitan naman nina Aaron at Crizelle si Cole.
We are having fun now through jamming while eating our dinner. Simple lang ito pero masaya. But when my eyes landed on Crizelle, nagbago ito. Kanina pa ba siya nakatingin sa akin? Hindi ko alam sobrang iba ang pakiramdam ko sa kanya.
Napahawak ako sa sintido ko dahil sumasakit at nahihilo nanaman ako. Hindi ko pinahalata iyon. At pagkatapos ay tiningnan ko ulit si Crizelle ngunit hindi na siya nakatingin sa akin dahil sumali na siya sa mga kumakanta.
After an hour the jamming session stopped. Napagod na siguro sila kakakanta. Ang gaganda ng boses nila.
"Hoy, tara laro tayo!" Sigaw at pang-aaya si Cole. Sa aming lahat siya ang pinakaproductive ngayon. Pumayag naman kaming lahat sa gusto niya.
"So, what we'll play?" tanong ni Athena.
Napatingin naman kami kay Cole at natawa sa ginawa niya. Kasi naman, hinawakan niya yung baba niya at tumingin sa taas na akala mo talaga ay nag-iisip.
"Truth or Dare!" Sigaw niya at mas lalo kaming natawa dahil napatalon pa siya nang sabihin niga iyon. Loko talaga 'tong si Cole.
"Ano ba yan, Cole. Bata ka ba?" Tanong ni Alex na natatawa-tawa pa na sinundan naming lahat.
"O sige na, baka umiyak pa si Cole kapag 'di nasunod." Sabi ni Blake.
Umalis na kami roon sa bonfire at humanap ng ibang pwesto. At aba handang-handa talaga si Cole dahil may dala itong bote na ipang-iikot.
Umupo na kami sa lapag ng buhanginan at ganun pa rin ang pwesto tulad kanina. Pinaikot na ito ni Cole.
"Takte naman, bakit ako agad. Ako nanga nagpa-ikot ako pa na pili." Malungkot na sabi niya. Nagtawanan kaming lahat dahil doon. At dahil si Cole ang napili, si Athena naman ang magtatanong.
"Truth or Dare?" — Athena.
"Dare" Nagsigawan naman kami dahil sa walang pag-alinlangang sagot niya.
"Look for a girl and kiss her on the forehead with picture as a proof!" Utos ni Athena. Siguro kung ako inutusan ni Athena, hindi ko susundin yun. At dahil hindi KJ si Cole tumayo na ito. Nagpaikot-ikot siya ngunit wala kaming nakitang babae na nilapitan niya. Pabalik na siya sa pwesto namin habang hawak ang phone niya ngunit nagulat ako nang sa pwesto siya dumiretsyo at saka ako hinalikan sa noo.
YOU ARE READING
Stay
Teen FictionSi Dale ay isang 3rd-year-college transferee student sa isang university na pinasukan niya. Siya ang tipo na estudyanteng wala ni-iisang kaibigan. Ngunit nang pumasok siya sa university na iyon, maraming pagbabago ang nangyari sa kanya. Anu-anong p...
