Chapter Thirteen

1 1 0
                                    

Kahapon dapat update ko, kaso na author's block ako nung nakaraan kaya ngayon ko lang natapos huhu. Bear with me. Enjoy reading!
*****

Apat na araw na simula nang mawalan ako ng malay at tatlong araw na simula nang umuwi kami galing sa outing. Imbis na maging masaya at memorable ang bakasyon namin kasalungat ang nangyari.

Kinabukasan nang magising ako sa pagkawala ng aking malay, lahat sila ay nasa kwarto para bantayan ako at tila ba'y pagod na pagod sila. Si Athena at Crizelle na nasa kama nila parehas, si Blake, Aaron, at Alex na nasa sofa nakaupo ngunit tulog at si Cole na nasa tabi ng kama ko na nakaupo sa upuan habang naka heads down sa kama ko.

Nagiguilty ako, hindi ko alam na magiging pabigat ako sa outing namin edi sana hindi na lang talaga ako  sumama.

At bago matapos ang araw na iyon ay sinulit namin iyon para makapamasyal. Pinasyal kami ni Cole sa mga magagandang lugar malapit sa resort nila at sulit nga naman. Si Alex at Crizelle ay magkaayos na kaya wala ng masyadong bigat sa pakiramdam ang mayroon sa amin.

Bukas na ang alis ni Aaron. He wants us to see him off. Sabi niya tuwing bakasyon ay pupunta siya dito.

"Anak, pakiabot naman yung pot sa ilalim ng estante dun sa may likod." Utos sa akin ni mama. Andito ako ngayon sa shop niya at tinutulungan siya, pinagleave niya muna kasi si ate Mina. Pumunta na ako sa bandang likod ng shop namin at kinuha na ang pinapakuha sa akin at binigay iyon kay mama.

Biglang nagvibrate ang phone ko kaya agad ko itong kinuha sa bulsa ko. Nagchat pala si Cole sa akin. Simula noong nangyari sa akin nung nakaraan madalas na niya akong kinakamusta.

[Dale, kumusta ka na?] — Cole.

[Yeah, I'm completely fine naman na hahaha. Don't worry too much.] — I replied. Pagkatapos nun ay ilalagay ko na sana sa bulsa ko ang phone ko ngunit bigla nanaman itong nagvibrate.

I open the messages and saw the dm from Athena.

[Guys! Let's hangout tonight! Tomorrow will be the flight of our friend.]  — Athena. Nagsireply naman sila sa dm ni Athena maliban kay Cole kaya naman nagreply na ako.

[Sorry. I can't make it. We're too busy right now. Malapit na mag-undas kaya maraming customer] — Reply ko.

At saka ko na inilagay ang phone ko sa bulsa. I look at the alarm clock of the shop and it's already 1 o'clock in the afternoon. Sobrang daming nagdadagsaang customer ngayon kaya kailangan kong tumulong kay mama. Hindi niya rin kasi kakayanin ng mag-isa 'to.

Makalipas ng isang oras nakita ko si Cole sa tapat ng shop namin, parang may inaantay. Mukhang doon ang tagpuan nila. Sasama pala siya, hindi kasi siya nag reply sa dm kaya akala ko hindi siya sasama. Itinuon ko nalang sa iba ang paningin ko. Inayos ko ang mga bulaklak na hindi nakaayos.

"Nak, mga kaibigan mo pala oh" sabi ni mama. Tiningnan ko iyon at andun nga silang lahat, naglalakad papunta dito sa shop. Anong ginagawa nila rito?

Pagkabukas na pagkabukas noon ay dumiretsyo sa akin si Athena.

"Dale!" Tawag niya at sabay yakap sa akin.

"Good afternoon po tita" sabay-sabay na sabi nila. At binati rin naman sila ni mama.

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko sa kanila.

"Tutulong kami" Sabi ni Blake.

"Ha? bakit? Akala ko ba mag hahang-out kayo?" tanong ko pa sa kanila.

"Oo dito mismo." sagot ni Alex. Kaya napatingin ako sa kanya. Lumapit naman sa akin si Cole at saka ako inakbayan.

"Para na rin makasama ka sa amin, diba?" Lingon niya sa mga kasamahan namin. At saka sila tumango.

StayWhere stories live. Discover now