Chapter Seven

8 1 0
                                    


"Sa wakas! Sembreak na!" Sigaw ni Cole. Huling araw na kasi ng first semester ngayon at katatapos lang din ng klase namin.

"Dale, gala muna tayo" tumabi sa akin si Athena nang sabihin niya iyon. Nasa likuran kasi namin yung mga lalaki at kaming dalawa ni Athena ang nasa harapan nila.

"Sige ba" Masayang sabi ko sa kanya. Tutal wala naman na akong gagawin e.

"Pero dadaanan ko muna si mama at saka ako magpapaalam" dagdag ko pa.

"Sure, sasama ako." ani Athena

"Guys, mauna na kami ha? gagala muna kami ni Dale. Gusto niyo bang sumama?" sabi niya sa mga lalaking nasa likuran namin.

"Pass ako, may kailangan pa akong gawin e." sabi ni Aaron.

"Pass din ako, may pupuntahan pa ako." sabi naman ni Alex. Saan kaya siya pupunta? wala naman siyang nasabi sa amin. Sabagay bakit naman niya sasabihin yun.

"Ah ganun ba. Cole, Blake, kayo?" tanong ni Athena sa kanila.

"Oo naman!" masiglang sabi ni Cole at saka hinila si Blake. Hanggang ngayon pala hindi pa ako napapatawad ni Blake. Kita ko sa mukha niya na ayaw niyang sumama pero para kay Athena sasama niya, bestfriend niya e. Nagpaalam naman na kami sa isa't isa at umalis na.

Nagpunta muna kami sa shop ni mama para makapagpaalam ako. Pumasok kami sa loob nun at nakita kong may kausap sa telepono si mama.

"O, sige! aasahan ko yan ah, see you!" rinig kong sabi ni mama sa kabilang linya. Agad naman siyang napatingin sa amin nang makita niyang nasa harapan na niya kami.

"O, andyan ka pala anak. Kasama mo din pala mga kaibigan mo." lumapit ako kay mama para halikan siya sa kanyang pisngi.

"Ah, opo. Papaalam lang din po ako, gagala lang po kami saglit, dederetsyo nalang din po ako sa bahay pag-uwi." sabi ko sa kanya.

"O, sige basta mag-ingat kayo ha? Cole, bantayan mo yan ha? Oo nga pala Athena wag puro bili ng kung anu-ano, kilala na kita, HAHAHA" sabi pa niya kilala na din kasi niya ang mga kaibigan ko. Si Cole kasi yung madalas bumibisita dito kay mama, ewan ko ba dyan. Tapos si Athena naman ang laging nagpupunta sa bahay kapag wala siyang magawa. Si Aaron ang pinaka-close kay mama dahil sa sobrang daldal at kulit, nawili ata si mama. Si Alex naman, sakto lang. At si Blake, alam ni mama na hindi pa kami ayos, pero casual naman sila.

"Blake wag masyadong seryoso ha?" natatawang dagdag pa niya. Ngumiti lamang si Blake kay mama at kita mo ang hiya dito.

"Sige na po ma, alis na po kami." Paalam ko. Nagpaalam na din sila kay mama at saka na kami lumabas.

Dumiretsyo kami sa isang mall kung saan kami madalas na tumambay kapag weekends. Sobrang ganda kasi dito. Kumain muna kami saglit bago nag-ikot.

"Ano order niyo?" tanong ni Cole sa amin. Sinabi naman namin ang order namin at saka siya umoorder.

"Wait lang guys, C.R. lang ako" paalam ni Athena sa amin. Agad naman siyang umalis pagkatapos noon. Hindi ko alam pero mas lalong nadagdag ang bigat na atmosphere sa paligid dahil kaming dalawa nalang ni Blake ang naiwan dito. Nakakanerbyos naman dito, ano bang pwede kong gawin? tagal naman kasi nilang bumalik e. Alam ko na, what if humingi ulit ako ng tawad sa kanya? Mali, mali, ilang beses ko na yung nagawa e, nag sembreak na lahat-lahat pero wala pa rin. Pero wala naman sigurong mawawala kung kakausapin ko siya diba?

Haynako self! kinakausap mo na naman sarili mo. Ito na nga e, kakausapin ko na.

"Blake" "Dale" sabay na sabi namin. Nagulat naman ako dahil doon kaya naman hindi na ulit ako mapakali, kasi naman e, kakausapin ko lang naman ulit siya.

StayWhere stories live. Discover now