Chapter Nineteen

3 1 0
                                    

Disclaimer ahead: Grammatical error. Lame update. Long update.

*****

Ilang linggo na rin ang lumipas ngunit ang mga bakas nina Alex at Crizelle ay 'di ko pa rin nakikita. Alam kong kapag tinanong ko sa tatlo ang tungkol do'n, iiwas na naman sila sa akin kaya hindi na ako nagpumilit. Noong isang linggo naman kinausap ko si Aaron, maski siya walang alam lalo na't nasa ibang bansa siya. Kinuwento lahat ng nangyari at nagulat naman siya sa lahat ng iyon. Ngunit pagkaraan ng isang linggo parang bigla rin siyang umiiwas sa mga sasabihin ko.

Feeling ko tuloy lahat ng tao, tinatraydor ako. Hindi ko na alam kung anong gagawain ko. Ngunit, sinasamahan pa rin naman ako ng tatlong kasama ko pero kulang pa rin dahil alam kong may iniiwasan sila.

Habang naglelesson kami sa huling class namin, nakatingin lamang ako sa bintana. Hindi ko kaya makinig sa hindi mapaliwanag na dahilan. Andito sa puso't isipan ko ang kaba at pag-aalala na bumabalot para sa dalawang taong hindi ko na nakikita, dalawang linggo na ang nakakaraan.

Pagkadismiss ng prof. namin sa amin, agad kaming nagsitayuan at saka lumabas ng classroom. Sina Blake, Cole, at Athena naman kita sa kanila na parang walang nangyari. Siguro mas maganda hindi ko nalang din muna isipin 'yon dahil baka nag-ooverthink lang ako.

"Dale!" Sigaw ni Cole sa pangalan ko. Agad naman akong napalingon at tumingin sa kanya, nauuna na pala ako sa kanila.

"Bakit?" Tanong ko nang makalapit silang tatlo sa akin.

"Tara, at tita's coffee shop." Pag-aaya naman ni Athena sa amin. Tumango na lamang kami para puntahan ang coffee shop ng tita niya. Buti nalang daw dala ni Blake ang sasakyan niya.

Bagong bukas lang daw ang shop ng tita niya kaya susuportahan niya ito. Medyo malayo-layo ito sa school namin pero maganda ang lugar na ito. Bagay-bagay ang pwesto ng shop ng tita ni Athena sa lugar na ito.

Nagkwentuhan, daldalan, at tawanan lang kami doon. Tinawagan din namin si Aaron gamit ang phone ni Cole dahil alam kong hindi naman sasagot ng tawag si Aaron kapag ako ang tumawag.

"[Feeling ko pinag-uusapan niyo ako palagi dahil wala ako dyan.]" pagbibintang ni Aaron. Nagtawanan naman kami at agad sumagot si Blake.

"Oo, dre. Palagi nga e." Sabi niya. Sumigaw naman si Aaron sa kabilang linya ngunit agad din siyang tumawa.

"Hey, by the way, when will you go here ba? We miss you na kaya." Sabi naman ni Athena.

"[Malapit na graduation namin after no'n, magcecelebrate muna ako dito tapos pupunta na ako dyan. Aabot din siguro ako sa graduation niyo. Excited na nga ako e.]" Sabi niya na may halong excitement sa bawat pagbigkas ng mga iyon.

Hindi naman ako nakisali sa usapan nila sa kadahilanang baka hindi na naman ako pagsalitain kaya nakinig na lamang ako sa mga usapan nila. Makalipas ng ilang oras na pagtambay sa coffee shop, napagdesisyunan na naming umuwi muna. Bukas kasi pupunta rin ako kina kuya Dean. Ang sabi sa akin ni ate Eunice, bukas ang dayoff ni kuya kaya naman susulitin ko 'yon.

Hinatid muna ako ng tatlo sa bahay at ako palang ang nandoon. Nasa shop pa ata si mama pero alam kong nagsasara na siya dahil anong oras na rin. Nagluto muna ako ng dinner namin ni mama. Yung madali ang niluto ko para mabilis maluto. Nang matapos ako sa pagluluto saktong ang pagdating ni mama.

"Ma, nakauwi na po pala kayo." Bungaf ko sa kanya.

"Oo anak, hindi pa ako nakakapagluto ng kakainin natin." Sabi naman niya.

"Nakapagluto na po ako, madali lang po niluto ko para makakain ka na rin po agad." Sabi ko naman sa kanya.

Tinulungan ko muna siya sa dala niya bago ko siya paupuin upang kumain. Nagkwentuhan lang din kami ni mama hanggang sa kinumusta niya ako sa pag-aaral ko.

StayWhere stories live. Discover now