Chapter Nine

2 1 0
                                    

After a month nakapag update ulit!
Enjoy reading!

*****

"Kompleto na ba lahat ng gamit niyo? Wala na ba kayong naiwan?" Tanong ni Cole. Ngayon na ang alis namin at take note 5 AM palang ngayon. Sabi kasi niya malayo-layo daw yun. Nagulat nga ako at sobrang aga tumawag sa akin ni Athena kaya nagising ako.

"O, tara na sunduin na natin sina Alex" sabi ni Blake. Si Alex nalang ang kulang sa amin at ang isa pa niyang isasama. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung sino yung isasama, nahihiya naman akong tanungin yung mga kasama ko ngayon.

Sumakay na kami ng kotse. Si Cole ang magda-drive dahil siya lang ang marunong sa amin, pero pagdating namin kina Alex, si Alex naman ang magda-drive. Mas madali ang byahe namin dahil may palitan silang dalawa. Si Aaron ang nasa shotgun seat, at kami naman nina Athena at Blake dito sa gitna. Nasa gitna namin ni Blake si Athena. Ngayong outing nga pala niya sasabihin ang bagay na iyon kay Blake. Kung titingnan siya ngayon, parang walang nangyari kahapon. Nakakakilos pa rin siya ng natural, how did she do that? I salute her. Feelings ang involve doon.

"I'll take a nap, inaantok pa ako e." sabi ni Athena sa amin. Sinandal naman niya ang ulo niya sa likuran. Gusto ko din sanang matulog kaso hindi ako nakakatulog sa mga ganitong byahe. Magalaw masyado kaya wala ring saysay kapag natulog ako. 

Makalipas ng ilang minuto, halatang nakatulog na nga si Athena. Pagewang-gewang ang ulo niya. Kukunin ko na sana iyon para isandal sa balikat ko ngunit naunahan ako ni Blake. Napatingin naman ako sa kanya at ganoon din siya sa akin.

"I can handle this." He mouthed and he smiled. Ngumiti naman din ako sa kanya. Nakatulog na din pala si Aaron sa harapan. Tumingin nalang ako sa labas ng bintana para malibang ang sarili ko. Narinig ko nalang ang pagbukas ng pintuan ng kotse kaya naman napatingin ako doon.

"Lipat na kayo, ako na magda-drive" bulong ni Alex kay Cole at sapat iyon para marinig ko. Agad naman na ginising ni Cole si Aaron para lumipat. Nagising naman ito at saka sila lumipat sa likuran namin. Pumasok na din si Alex sa driver seat at saka naman may pumasok pang isa doon sa shotgun seat. Ito na siguro yung sinasabi nilang isa pang kasama. Ngunit nagulat ako sa pumasok na iyon, babae pala siya. Medyo pamilyar siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit na curious agad ako sa kanya kaya inisip ko nang mabuti kung bakit siya pamilyar sa akin.

Naalala ko na. Hindi nga ako namamalikmata nung mga oras na iyon, silang dalawa ang nakita ko last friday kaya siya familiar at siguro siya ang tinutukoy ni mama.

Biglang may nag-appear na images sa utak ko agad kong hinawakan ang sintido ng aking ulo dahil sobrang sakit nito. Gusto ko sanang sumigaw ngunit hindi maaari. Hindi ko alam pero hindi ko masyadong nakita ang mga iyon. Hindi iyon malinaw.

"Hey, are you all right?" bulong na tanong sa akin ni Cole. Siya kasi yung nasa likod ko. Napansin niya siguro iyon. Lumingon naman ako sa kanya at saka ngumiti. I mouthed 'yeah' to him and then smile again.

"Guys gising na, we are here now" bigla akong naalimpungatan. Nakatulog na pala ako. This is my first time na makatulog sa gitna ng biyahe dahil hindi naman talaga ako nakakatulog sa mga ganitong bagay. Dala na rin siguro ito ng puyat at maagang gising. Si Cole pala ang nagdrive ulit. Nagpalit na pala sila ng pwesto ni Alex. Sumunod na nagising ang mga katabi ko at naalimpungatan na din ang iba pa.

Nagsibabaan naman na kami doon at kung pwede lang na lumuwa ang mata ko, naluwa na e. Sobrang ganda dito. Kahit na medyo malayo pa din kami sa mismong beach, kitang-kita na agad ang ganda ng tubig dito. Naglakad na kami papuntang hotel nila Cole dahil nasa parking lot palang kami. Kilala rin pala si Cole dito dahil halos lahat ng staff ay binati siya.

StayWhere stories live. Discover now