Chapter Seventeen

5 1 0
                                    

Disclaimer ahead: Grammatical error. Lame Update.

*****

Matapos ang nangyari, nadatnan ko na lang ang sarili kong nasa loob ng clinic. Sabi nung nurse na nakatoka rito, pumasok daw sa next classes ang mga kaibigan ko at parating na raw si mama para sunduin ako. Kasisimula pa lang ng klase, mag-i-skip na agad ako. Sabagay, hindi pa naman talaga officially started ng pagtuturo. Gano'n naman palagi tuwing first day e.

Habang nag-inaantay ko si mama, bigla akong napaisip sa nangyari kanina. Akala ko tapos na? Akala ko natapos na noong bakasyon? Bakit gano'n? Maraming ala-alang pumapasok sa isip ko na hindi ko matandaang nangyari talaga. Isa lamang ba iyong imahinasyon? Hindi ko na alam.

Marami akong katanungang gustong malaman. Na saan ang kapatid ko? Na saan si Elly? Alam ba ni kuyang may kapatid pa kami? Ani ang mga ala-alang pumapasok sa isip ko? Ano ang ibig sabihin ng mga napapanaginipan ko? Wala na ba talaga si papa?

Bigla akong napatingin sa pinto nang magbukas iyon. Si mama, dumating na pala.

"Anak" Nag-aalalang sabi ni sa akin ni mama. Dumiretsyo siya kama ko upang umupo at saka ako niyakap.

"Nag-alala ako sa'yo. Nang tumawag sa akin ang mga kaibigan mo, inutusan ko kaagad si Mina na siya muna mag-asikaso ng shop at agad akong pumunta rito." Dagdag pa ni mama. Halatang nag-aalala siya nang sobra sa akin.

"Kumusta pakiramdam mo? May masakit pa ba sa'yo? Saan banda? Anony mga nararamdaman mo?" Bahagya akong napatawa dahil sa sunod-sunod na tanong ni mama. Niyakap ko naman ito saglit at saka siya hinarap.

"Ayos lang po ako ma. Wala nang masakit sa akin." Ngiting sabi ko sa kanya at agad ko siyang inayang umuwi na para doon na lang ako magpahinga.

Lumipas na ang ilang linggo at gano'n pa rin ang mga nararamdaman ko ngunit sa tuwing nararamdaman kong mawawalan ako ng malay, napipigilan ko naman ito. Ngunit, may mga ilang pagkakataon pa ring hindi ko ito naiiwasan.

Andito kami ngayon sa classroom. Sa mga nakalipas na araw, maraming nagbago. Laging humihiwalay sa amin sina Alex at Crizelle tuwing uwian sa kadahilanang hinahatid ni Alex si Crizelle. Naiintindihan naman namin ito pero sa tuwing nakikita ko silang magkasama, may kirot na bumabalot sa puso ko. Maski sa social media, nakikita ko ang mga picture nila nang magkasama kaya nagdeactivate ako sa lahat ng social media ko.

Para mabaling ang iniisip ko, nagfocus ako sa ideyang na saan ang kapatid ko, na saan ang kapatid namin ni kuya Dean? Gusto kong makausap si kuya kaya lang alam kong busy siya sa company lalo na't sobrang taas na ng position niya. Si ate Eunice at Gavin naman dumalaw sa amin ni mama noong nakaraang linggo. Pero kapag nagkataong hindi busy si kuya, kakausapin ko kaagad siya.

"Dale!" Napapitlag ako nang bigla akong tawagin ni Athena. Talaga nga naman oh.

"Bakit ka ba naninigaw?" Inis na tanong ko sa kanya.

"Hello, for your information miss, all of us called you but you didn't response to any. Ang lalim kasi nang iniisip mo. Break time na" Saad niya. Hindi ko namalayang sobrang tagal ko na pa lang nakatunganga.

"Nothing. Tara na? Na saan na yung apat?" Tanong ko.

"They go first para makahanap sila ng pwesto." Sagot niya sa akin. Tumayo na ako at saka sinabayang maglakad si Athena. Habang naglalakad kami, panay tingin niya sa akin. Kaya naman hindi na ako nakapagtiis na tanungin siya.

"What is it?" I asked.

"I just wondering if you are all right. Ilang beses ka na nawalan ng malay. So, I just check you if you might fainted or not." She told me. She's really concerned when she said all of it. I saw it on her face.

StayWhere stories live. Discover now