Mabilis na lumipas ang araw, naging kaibigan ko na nga sila maliban nalang kay Blake, hanggang ngayon kasi di pa rin niya ako pinapansin dahil sa ginawa ko sa bestfriend niya, si Athena. Hindi ko naman siya masisisi, sino ba naman kasing matutuwa kung ang kaibigan mo ay nagmamagandang loob lang naman pero sinaktan ng isang tulad ko, diba?Ngunit umaasa pa rin akong mapapatawad niya ako. Next week na ang pagtatapos ng first semester namin kaya naman may kanya-kanya na silang usapan kung saan sila magbabakasyon.
Andito kami ngayon sa cafeteria para mag-lunch. Kompleto kami ngayon dito at kumakain ng bigla magtanong si Alex na katabi ko.
"Uy guys, saan niyo pala balak magbakasyon?" tanong niya sa amin.
"Siguro sa bahay lang ako, wala naman din akong maisip na pupuntahan at saka wala pa sila mommy kaya malamang ako lang mag-isa sa bahay." sagot ni Aaron.
"Ha? na saan ba parents mo?" Tanong ko sa kanya, katapat ko lang naman siya e.
"Nasa abroad, doon kasi sila nagtatrabaho. Doon kasi yung main company nila mom." simpleng sagot niya. Napatango na lamang ako dahil hindi ko na alam ang dapat kong sabihin.
Sumagot naman din silang lahat at pare-parehas lang din iyon, mukhang magbabakasyon nga kaming lahat sa kanya-kanya naming bahay.
Tahimik nalang kaming kumain at bigla rin kaming nagulat nang biglang sumigaw si Cole.
"AHA!" sigaw niya, bigla namang napatakip ng tainga si Aaron dahil sobrang lapit ng bibig ni Cole sa tainga ni Aaron, magkatabi kasi sila.
"Ano ba yan Cole e! bakit ka ba sumisigaw dyan." hinimas-himas pa ni Aaron ang kanyang tainga habang sinasabi iyon. Natawa naman kami dahil sa kanya. Para kasing bata nung sinabi niya iyon.
"Sorry na, ano kasi, may naisip ako. Tutal naman sa kanya-kanyang bahay lang tayo nitong sembreak, what if mag out-of-town tayo?" tanong niya sa amin. Sumang-ayon naman ang lahat sa sinabi niya maliban sa akin.
"Dale, ayaw mo ba?" tanong sa akin ni Athena na katabi ko din.
"Ano k-kasi, walang kasama si mama e. At saka, baka hindi rin ako payagan." sabi ko sa kanila. Napatingin naman ako kay Alex dahil may kinakalikot siya sa phone niya.
"Sus, edi papaalam ka namin" sabi naman ni Aaron.
"Oo nga naman. Kami ng bahala doon" sang-ayon naman ni Cole. Tumango naman si Athena sa akin at walang emosyong tumingin naman sa akin si Blake.
Nang matapos na kami sa pagkain ay nagtungo naman na kami sa susunod na klase namin. Naki sit-in naman sa amin si Cole dahil may 1 hour pa siyang vacant. Lagi namang mahaba vacant nito, nakakainggit tuloy.
Nang dumating na ang prof. namin bumati siya sa amin at ganun din kami.
Nagsimula nang magdiscuss si sir kaya lahat ng estudyante ay nakikinig sa kanya. Ang interesting 'daw' kasi ng lesson ngayon.
"Okay class, our discussion for today is about attraction, love, and commitment. And the difference between those three points." nagpatuloy pa siya sa pagdidiscuss ng introduction about doon. Pagkatapos nun ay saka siya nagtawag ng isa sa mga kaklase namin.
"Ms. Hilario" pagtawag ni sir sa isa sa mga classmate namin dito sa subject course niya. Agad namang tumayo si Cielo at saka nagsalita.
"Yes, sir?" tanong niya.
"For you, what is attraction?" tanong naman pabalik si sir.
"Attraction? maaaring nakaka please sa mata natin, it isn't for long term. This doesn't have a process, when you are attracted to someone then eventually you'll get tired of that person. You just felt attracted to something or someone because it's pleasing your desire." agad na sagot niya. Naisip ko ngang ano nga bang ang attraction para sa akin? masyado akong walang alam tungkol sa mga bagay na ganito. Pero si Cielo agad niyang nasagutan yung tinanong ni sir. Tao pa kaya ako?

YOU ARE READING
Stay
Fiksi RemajaSi Dale ay isang 3rd-year-college transferee student sa isang university na pinasukan niya. Siya ang tipo na estudyanteng wala ni-iisang kaibigan. Ngunit nang pumasok siya sa university na iyon, maraming pagbabago ang nangyari sa kanya. Anu-anong p...