Maraming wrong grammar dyan! pagpasensyahan niyo na, hehe! Hindi ko na napapa-proofreading! Thank you!
*********
Lunes na at ngayon na din ang dating nila ate Eunice. Naghanda kami ni mama ng makakain para pagkadating ni ate kakain nalang kami. Tanghali na din at paniguradong malapit na si ate. Nagtext kasi siya kay mama kaya alam naming malapit na sila. Narinig ko ang door bell na pinindot.
"Ma? Tao po! andito na po kami ni Gavin!" rinig namin na tawag sa labas. Andyan na pala sila ate.
"Wait lang po ate, andyan na!" sigaw ko.
Naglakad na ako papuntang pintuan at saka ko iyon binuksan. Sinalubong ko siya ng mahigpit na yakap at ganun din si Gavin.
"Tara ate, pasok kayo" sabi ko pa.
"Nasa kusina si mama, inaayos pa yung kakain natin." dagdag ko pa.
"Salamat! Na miss kita Andrea!" sabi pa niya. Siya lang ang tumatawag sa akin na Andrea at ayaw na ayaw niyang may iba pang tumawag sa akin na ganun. Naalala ko nung may tumawag sa akin na ganun halos bugbugin na niya yung taong yun e, buti nalang binantanan lang ni ate, wait? masama din ang banta ah?
"Na miss ko rin po kayo, tara na po sa kusina" aya ko sa kanila. Binuhat ko naman si Gavin at saka na dumiretsyo sa kusina.
Si Gavin ang anak nila ate Eunice at kuya Dean. Sobrang cute ng batang ito. Nang makarating na kami sa kusina sinalubong ng yakap ni mama sila ate.
"Saktong-sakto ang dating mo, anak" sabi ni mama kay ate matapos bumitaw sa pagkakayakap. Nagsimula na kaming kumain ng tanghalian at saka nagkwentuhan.
"Oo nga pala ate, buti po naisipan niyong dumalaw dito sa bahay?" tanong ko sa kanya.
"Oo nga e, dapat nga 1 week before christmas pa kami dito kaso nalaman kong wala palang kasama si mama
bukas kaya dumalaw na din ako." Sabi pa niya. So alam na din pala ni ate na aalis ako? sabagay mas maayos nga yun, may kasama si mama dito."Kung hindi ko lang nalaman kay Alex na may outing pala sila, malamang hindi talaga 'to sasama. Buti nalang talaga nalaman ko." pagsingit ni mama. Oo nga pala kay Alex niya pala nalaman, tinext daw siya ni Alex nun pero nacucurious tuloy ako kung kailan siya nagtext kay mama, hindi man lang sinabi sa akin.
"E kasi ma, wala ka namang kasama dito. Hindi ko naman din po alam na bibisita sila ate e." katwiran ko pa. Tinawanan naman ako nila mama at ate, ganun din si Gavin na animo'y alam kung bakit ako tinatawanan nila ate.
Matapos naming kumain, nilaro ko muna si Gavin sa may sala at pinagpahinga muna si ate. Si mama naman ay dumiretsyo muna sa shop niya dahil may aasikasuhin lang saglit.
"ti.....ta!" tawag sa akin ni Gavin. 3 years old pa lang siya kaya ganyan magsalita. Sobrang cute talaga ng pamangkin ko, medyo chubby kasi at gustong-gusto ko ang pisngi niya.
"Bakit baby? What's wrong? hmmm?" tanong ko sa kanya habang nilakagay ko siya sa lap ko.
"None! hihihi" sabi pa niya. Sobrang kulit din nitong batang ito lalo na kapag tumatawa, nawawala yung mata. Bigla naman akong nakaramdaman ng vibration galing sa inuupuan ko. Kinapa ko kung saan banda iyon at saka ko lang nalaman na phone ko pala iyon. Nagtext pala si Athena.
"Dale, I'm bored! Punta ako dyan mamaya ha?"
"Hindi pwede" biro ko sa kanya.
"Omg! Why?"
"What should I do now?"
"Where should I go?"
Sunod-sunod na text niya sa akin. Natawa naman ako dahil doon. Medyo nagiging OA na rin itong si Athena, hindi ko alam kung bakit ko talaga kinaibigan 'to e. Pero syempre joke lang yun.
YOU ARE READING
Stay
Teen FictionSi Dale ay isang 3rd-year-college transferee student sa isang university na pinasukan niya. Siya ang tipo na estudyanteng wala ni-iisang kaibigan. Ngunit nang pumasok siya sa university na iyon, maraming pagbabago ang nangyari sa kanya. Anu-anong p...