Disclaimer ahead: Grammatical error. Lame update. Long update.
*****
Mabilis lumipas ang araw at malapit na kaming magfinals. Sina Crizelle at Alex ay pumasok na rin. Parang walang nangyari. Parang hindi sila umiwas sa akin noon.
Nabalitaan din namin na sa susunod na linggo ang uwi ni Aaron dito. Maaabutan pa nga talaga niya ang graduation namin. Parang kailan lang nang malaman ko ang halos lahat at naging masaya ako dahil doon.
Tuwing tinitingnan ko naman sina Alex at Crizelle nakakaramdam pa rin ako ng sakit, iniisip ko nalang kung paano ko matatanggap na hindi ako magugustuhan ni Alex.
Lumipas pa ang isang linggo nang matapos na ang finals namin. Andito na rin si Aaron. Ang dami niyang chocolates na dala na binigay niya sa akin dahil alam niyang mahilig ako roon.
Sa susunod na buwan na rin ang graduation namin. Kokompletuhin nalang nakin ang mga requirements at clearance namin sa school. Hindi ko aakalaing makakagraduate ako ng may kaibigan.
Hindi rin nagtagal ang graduation at saka nga ito nangyari. Si mama ang umattend sa akin dahil hindi pwede si papa. Kompleto namang pumunta ang pamilya ni Athena at Alex. Si Blake at Cole naman ay mga mga papa nila. Ang tita naman ni Crizelle ang umaattend.
Pagkatapos niyon ay napagdesisyunan naman naming pito na magcelebrate sa coffee shop ng tita ni Athena at pumayag naman kami. Pag-uwi namin ay doon kami mismo sa bahay magcecelebrate nina mama.
Biglang tumabi sa akin si Aaron. Mukhang may sasabihin ah.
"Kailan mo balak umamin?" Tanong niya. Napatingin ako sa kanya at saka siya binatukan.
"Aray ko naman, Dale. Ang sadista mo talaga." Sabi niya. Napansin naman ito ng barkada at saka nagtanong kung bakit. I just shooked my head and give a death glare to Aaron.
"Alam mo ang daldal mo. Balak kong umamin bukas, hindi naman na ako umaasa. Gusto ko lang umamin kasi baka sakaling mawala ang feelings ko sa kanya kapag umamin ako." Bulong ko kay Aaron.
"Ah, tulad ng ginawa ni Cole sa'yo?" Tanong niya at saka ako tumango.
Pagkatapos no'n ay may kanya-kanya kaming celebration sa bahay namin. Naghanda lang ng kaunti si mama at inimbitahan si ate Mina na katulong ni mama sa flower shop niya.
"Congrats, anak!"
"Congrats, Dale!"
Kinabukasan ay tinawagan ko si Alex. Sabi ko sa kanya may gusto akong sabihin sa kanya. Nakipagkita ako ngayon sa may mini garden malapit sa pwesto ng coffee shop ng tita ni Athena.
Nauna akong dumating sa kanya at inantay siya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kinakabahan ako. Ilang minuto lang ay dumating din siya at saka umupo sa upuan sa harap ko.
"Dale."
"Alex."
"Umorder ka na?"
"Hindi pa."
"Sige ako na oorder." Tumawag siya ng waiter at saka sinabi ang order. Pagkatapos no'n ay hinantay muna namin ang order namin. Habang nag-aantay kami ay hinawakan niya ang kanyang cellphone. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ngunit naglakas-loob na akong kausapin siya.
"Alex" tawag ko sa kanya. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko. Gustong-gusto ko nang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.
"Bakit?" Tanong niya sa akin ngunit hindi nakatingin sa 'kin. Busy kasi siya sa phone niya, ewan ko kung bakit. Naglalaro siguro.
"Pwede ba kitang makausap?" Tanong ko sa kanya pabalik. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Ayoko mang masira ang kung anong mayroon kami ngayon pero sa tingin ko ito lang ang paraan para mabawasan na ang mga iniisip ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/218489543-288-k861904.jpg)
YOU ARE READING
Stay
Teen FictionSi Dale ay isang 3rd-year-college transferee student sa isang university na pinasukan niya. Siya ang tipo na estudyanteng wala ni-iisang kaibigan. Ngunit nang pumasok siya sa university na iyon, maraming pagbabago ang nangyari sa kanya. Anu-anong p...