Chapter One

28 3 0
                                    


"

Good morning!" bati ko sa sarili ko habang nakaupo pa sa kama. Kinuha ko ang phone ko sa study table na katabi lang ng kama ko at tiningnan kung anong oras na. 6 AM palang at 8:30 AM pa ang pasok ko. First day of school ngayon kaya ayokong ma-late. Like, what the hell? First day of school male-late ka?

Nagpalipas muna ako ng mga 15 minutes bago tuluyang bumangon. Dumiretsyo ako sa CR para magsipilyo at maligo. Matapos kong gawin lahat ng iyon ay agad na akong bumaba para magluto ng a-almusalin namin ni mama, kaming dalawa lang kasi ang nakatira dito ngayon sa bahay.

Si kuya Dean na may sarili ng pamilya na may isa na ding anak at asawang si ate Eunice. Sobra ko siyang ina-admire hindi lang dahil may disente siyang trabaho ngunit bago pa sila ikasal ni ate Eunice nakapagpagawa na siya ng bahay. Sobra ko tuloy namimiss si kuya.

Si mama naman ay busy sa pagpapatakbo ng kaniyang business na Flower Shop, dahil sa hilig niya din sa mga bulaklak ay naisipan niyang magtayo ng business bilang isang libangan. Wala naman daw siyang pinagkakaabalahan sa bahay at kahit wala siyang balak ay itinuloy niya na lang iyon for other income.

Nang maluto ko na ang almusal, inihanda ko na iyon sa lamesa at umakyat sa kwarto ni mama. Kumatok ako ng tatlong beses bago magsalita.

"Ma? Gising na po" pag uulit ko ng tawag kay mama, at nang hindi pa rin siya sumasagot pinihit ko na ang door knob para pumasok. Lumapit ako sa kama at umupo sa tabi niya.

Habang pinagmamasdan ko si mama bakas sa kaniya ang pagod, isa si mama sa pinakahinahangaan ko. She's very supportive sa lahat ng gagawin ko and being her child, I must say that I'm very lucky to have her as my mother because she is the best mom I've ever known.

Gumalaw ng bahagya si mama sa kaniyang pagkakapwesto kaya dahan-dahan akong tumayo at ginising siya nang maayos.

"Ma, gising na mag-aalmusal na tayo" gising ko kay mama at medyo niyugyog. Nang magising na siya ay kinukusot pa niya ang kaniyang mga mata.

"Oh, anak anong oras na ba?" Nakatinging tanong niya sakin habang siya'y bumabangon sa kama at tila mapupungay pa ang kanyang mga mata.

"Malapit na pong mag seven, ma" sagot ko naman sa kanya.

"O, tara na sa baba ipagluluto na kita ng almusal, unang araw ng pasok mo ngayon diba?" tumungo na lamang ako bilang sagot.

Bumaba na kami at dumiretyo sa lamesa kung saan ko hinanda ang mga niluto ko kanina. Nakita kong medyo nagulat si mama sa nakita at tumingin sa akin.

"Ikaw naghanda nito?" tanong niya sa akin na parang kataka-taka na para bang hindi ko kayang iluto ang mga iyon, sinangag, hotdog, at itlog lang naman ang mga iyon. Nakasimangot akong tumango sa kanya.

"Ay, bakit ka nakasimangot? nagtatanong lang naman ako." sabi pa niya habang patawa-tawa pa. Nakakainis naman si mama eh.

"Eh kasi ma eh, parang wala kayong bilib sa akin." sabi ko sa kanya.

"Hindi naman sa ganun, anak. Nagulat lang ako na nakapagluto ka ng ganito." medyo patawa-tawa niya pang sabi.

"E kasi naalala ko yung huling luto m-" pinutol ko ang sasabihin ni mama.

"Kasi muntik ko ng masunog yung bahay natin dati?" Nakasimangot na dugtong ko sa sinabi niya.

"Ma, dati pa yun eh. Atsaka bata pa ko nun" dugtong ko pa.

"So, hindi ka na bata ngayon?" Tanong niya ulit.

"Opo hehe" lumapit ako sa kanya at yumakap.

StayWhere stories live. Discover now