Pinipilit na ako ng kapatid kong mag-update HAHAHAHA at ito na yun. Sorry in advance, medyo lame yung update ko. Short update lang 'to. Sana maenjoy niyo pa rin.
*****
Andito kami ni mama ngayon sa bahay nina kuya Dean. Huling isang linggo nalang ng bakasyon namin at next week na ulit ang simula ng klase. Dito muna kami ni mama hangga't 'di pa nagsisimula ulit ang klase ko.
Si kuya Dean ay nasa company niya at si ate naman ay naggrocery kasama si mama at ako ang naiwan dito sa bahay nila kasama si Gavin na natutulog ngayon. Dahil wala akong magawa, naglinis nalang ako ng bahay kahit na hindi naman ito madumi. Pagkatapos ng mahigit isang oras na paglilinis, tinabihan ko si Gavin at saka kinuha ang phone ko.
I just scroll on my facebook account and do a sharedpost. Gan'un kasi ako kapag walang magawa. But, suddenly I stop from scrolling because of Alex' post together with Crizelle. Magkasama na naman sila. Nakakainis. Alam kong hindi tamang magselos dahil wala naman akong karapatan pero the fact that I like him too much, nakakaselos. I didn't even react on his post and ignore it. Pero hindi pa rin maalis sa isip ko yun and my chest started to feel the pain again. Mas lalong sumakit 'to simula nang dumating at makilala ko si Crizelle. Hindi ko alam kung bakit.
Pinagpatuloy ko na ang magsscroll sa newsfeed ko when someone chat head popped up. I open it immediately and read what he messaged to me.
"Hoy! May kwento ako!"
"Ano na naman yun Cole?"
"ganito kasi, may
dumating nabisita si
mama tapos may
kasamang anak na
babae tapos gusto ako
nung mama niya para
sa anak niya,
eh ayoko nga tapos ayun napasimangot
mukha ng mag-ina.""HAHAHAHA ano sabi ni
tita sayo?""Wala, natawa lang
din HAHAHAH"Marami pa siyang kinuwento. Lagi naman siyang ganyan. Madalas na rin siyang nagkukwento ng kung ano-ano sa akin. Matapos naming magkwentuhan ng kung ano-ano, saktong pagdating nina mama. Bumili na rin pala sila ng food para mamayang gabi. At kinagabihan ay nagluto na si mama ng makakain namin. Narinig ko ang doorbell galing sa labas hudyat na may tao roon.
"Ako na po, ate" Prisinta ko.
Agad ko namang binuksan ang gate at saka bumungad sa akin si kuya Dean.
"Kuya!" sigaw ko at sabay yakap sa kanya
"Ikaw talaga bunso HAHA" sabi niya sa akin at saka rin ako niyakap pabalik.
Ngayon nalang kasi ulit kami nagkita. Ang huling kita namin nung pasko pa kaya naman namiss ko talaga si kuya dahil bibihira na lang kaming magkita-kita dahil busy din siya sa work niya.
Agad naman na kaming pumasok sa bahay at saka nag-ayos muna siya ng sarili niya. Nag-antay kami ng mga kalahating oras bago maluto ang mga kakainin namin.
Kwentuhan. Tawanan. At kumustahan. Yan ang nangyayari habang kumakain kami.
"Tapos naalala mo si papa, Ma? madalas niyang pasan si Dale sa balikat niya. Sobrang saya nun!" Biglang sabi ni kuya. Bigla namang tumahimik si mama. At saka ako napatingin kay kuya.
Wala akong maalala na gan'ung pangyayari. Siguro nasa 1-2 years old palang ako nun. Nakakamiss si papa. Basta ang sabi lang ni mama, wala na si papa paggising ko galing ospital. Sobrang dami kong galos noon pero hindi ko alam kung saan ko nakuha. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin niya sa wala na si papa pero hindi ko na inintindi yun. Lahat ng pictures ni papa, pinagtatago na ni mama yung iba naman sinunog na. Ang huling picture na nakita ko ay yung nakita ko pa sa kwarto ni mama na may punit.
Bigla namang nagsalita si mama at saka napatingin din sa akin si kuya at kita sa kanya ang pagkaguilty.
"Bilisan niyo na dyan para maligpit na natin." sabi lang ni mama. Bakas doon ang lungkot sa bawat salitang binigkas niya. Ganoon na nga ang ginawa namin. Matapos naming kumain ay nagsipasok na kami sa kanya-kanya naming kwarto. Nasa iisang kwarto lang kami ni mama pero ako ang unang pumasok dahil nagliligpit pa siya ng pinagkainan namin.
Makalipas ng ilang minuto ay saka bumukas ang pinto ang kwarto namin. Nakangiting pumasok si mama at saka ako tinabihan.
We didn't speak for how long. But, I broke the silence.
"Ma, ayos ka lang po ba?" Tanong ko sa kanya. She just stared at me and it was a saddest stare that I saw.
"Naalala mo ba 'nak yung picture na nakita mo?" Tanong niya sa akin.
"Opo, ano pong meron do'n?" Tanong ko pabalik.
"Ang totoo niyan anak" Hindi matuloy-tuloy ni mama na sabihin. Mas lalo akong nacucurious dahil doon.
"Ano 'yon ma? May hindi ba ako alam?" tanong ko pa.
"Kasi anak, ang totoo niyan. A-ano, yung picture na may punit, si Elly yun." Sabi niya pa sa akin. Elly? parang narinig ko na 'yon pero hindi ko matamdaan kung saan. Sino ba si Elly?
"Elly?" takang tanong ko pa.
"Anak ng papa ko sa ibang babae." Diretsyong sabi niya sa akin ngunit hindi na nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Magagalit? Matatawa? o Matutuwa?
"Nasaan siya ma?" diretsyo pa ring tanong ko. Hindi ko pinahalata ang mismong nararamdaman ko para masagot ni mama ang lahat ng magiging tanong ko.
"Sa iba na siya nakatira anak. Himdi ko na rin alan kung na saan." Gusto ko siyang mahanap. Gusto ko siyang makilala pero may parte sa akin na galit kay papa fahil nagawa niyang lokohin si mama. Nagkaroon pa siya ng anak sa iba.
Sobrang tagal kong nanahimik nang bigla na namang sumakit ang ulo ko. Shocks. Bakit naman ganito lagi? Ayoko na ng ganito.
"Anak, anong nangyayari?" Alalang-alalang tanog sa akin ni mama. Napahawak ako sa aking ulo at saka ininda ang sakit. Biglang umalis si mama sa pwesto niya at lumabas ng kwarto. Pagkabalik niya ay may dala-dala siyang gamot at tubig at saka sa akin pinainom. Makalipas ng ilang minuto ay saka naging ayos ang pakiramdam ko.
"Ma, sigurado ka bang wala akong sakit no'ng nagpacheck up tayo?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko kasi nakita yung result no'n, si mama lang nakakita.
"Wala anak, wala." sagot niya sa akin. Pagkatapos no'n ay saka na ako nakaramdam ng antok. Kaya naman nagpaalam na ako kay mama na matutulog na.
Hahanapin ko si Elly. Gusto kong mahanap ang kapatid ko. Gusto kong makita at makilala siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/218489543-288-k861904.jpg)
YOU ARE READING
Stay
Teen FictionSi Dale ay isang 3rd-year-college transferee student sa isang university na pinasukan niya. Siya ang tipo na estudyanteng wala ni-iisang kaibigan. Ngunit nang pumasok siya sa university na iyon, maraming pagbabago ang nangyari sa kanya. Anu-anong p...