Sabado ngayon kaya nasa shop ako ni mama. Tinutulungan ko siya minsan kapag wala naman akong ginagawa.Nakakarelax din kasi dito sa shop dahil sa mga bulaklak na nakadisplay kaya isa rin ito sa mga paborito kong tambayan.
Nakita ko si mama na may kausap ngayon na customer at ako ito ngayon na nag-aayos ng mga bulaklak.
Isang linggo na din magbuhat ang naging sagutan namin ni Athena. Nakokonsensya ako sa mga sinabi ko sa kanya. Ngunit hindi ko pa rin maiwasan ang mga ganung bagay dahil na rin sa nakaraan ko.
Trust issue is a big deal. Ayoko na, takot na akong sumugal at nadala na ako. Hindi naman nila ako masisisi kung bakit ganoon ako diba?
Nakita kong palabas na ang customer na kausap ni mama kanina kaya naman lumapit na ako sa kanya.
"O anak, bakit ka pala nandito? Maayos naman ako dito at saka kaya ko naman" sabi ni mama sa akin.
"E, gusto po kitang tulungan ma" sabi ko naman sa kanya.
"Andito naman si Mina e, siya naman yung katulong ko dito. At saka dapat sumasama ka sa mga kaibigan mo." sabi pa niya.
"Are you kidding, ma? Wala naman po akong friends"
"Hay nako anak, bakit hindi mo kasi buksan ulit 'yang sarili mo sa mga taong gustong makipagkaibigan sayo?" tanong pa niya.
"Kasi nga po ma, ayoko. Gagamitin lang naman po nila ako, just like before." sabi ko pa sa kanya. Alam kasi ni mama yung mga nangyari dati.
"Anak, hindi naman lahat ng tao ganun e. Minsan kasi may dumarating talagang mga taong hindi mo inaasahan na gagamitin ka lang, minsan sila rin ang nagiging lesson para bumangon ka ulit." ani mama.
"At saka, bakit di ka ulit mag take ng risk? Kapag may nangyari ulit na ganun, andito lang naman ako lagi para sayo." dagdag pa niya.
Nakinig pa ako sa mga sinasabi niya kasi naniniwala ako na 'Mothers knows best'.
"Anak, baka kasi nasasaktan mo na rin sila. Baka hindi mo lang alam na nakakasakit ka na. Kasi minsan hindi mo malalaman yun kasi sarili mo lang ang iniisip mo. Hindi sa sila ang kinakampihan ko pero tao din sila, may pakiramdam baka kasi sa mga salitang binibitawan mo sa kanila e, nasasaktan na talaga sila."
"Ma, natatakot ako. Natatakot akong sumugal ulit." pilit ko pang sabi.
"Anak, wala naman kasing masamang sumugal paminsan-minsan. Basta tandaan mo ang mga sinabi ko ha? mahal kita anak kaya ko 'to sinasabi. At alam kong nasasaktan ka rin sa mga ginagawa mo ngayon. What's the point, diba? nasasaktan ka ngayon dahil pinagtutulakan mo sila palayo, at natatakot ka namang masaktan once na maging kaibigan mo sila. Hindi mo naman kasi malalaman ang mangyayari kung hindi mo susubukan, diba? Mas magandang sumubok ka kaysa naman sa hindi." lumapit sa akin si mama at niyakap ako.
"Thank you po, ma" sabi ko nalang at niyakap din siya.
"Ma'am Suzy, may tawag po kayo" sulpot ni ate Mina, katulong ni mama dito sa shop.
"O sige na anak ha? may kakausapin lang ako." paalam ni mama bago umalis.
"Sige po, ma"
*****
Nasa room ako ngayon at pinagpatuloy ang librong binabasa ko noong nakaraan. Sobrang ganda ng storyline dahil kahit na ang bidang lalaki ay nagkaroon ng amnesia, andoon pa rin ang pagmamahal niya doon sa babaeng bida. Dahil sa magkakonekta ang puso nila, alam na agad ng bidang lalaki na mahal niya ang babaeng bida. Doon ko lang din na pagtanto kung bakit 'Stay' ang title nito. Dahil kahit na anong mangyari sa kanila, mananatili pa rin ang pag-iibigang mayroon sila. At sa tuwing may problema ang dalawa, lagi ding andyan ang mga kaibigan nila. Pero bandang huli, bumalik na rin ang alaala ng bidang lalaki dahil sa tulong ng bidang babae.

YOU ARE READING
Stay
Teen FictionSi Dale ay isang 3rd-year-college transferee student sa isang university na pinasukan niya. Siya ang tipo na estudyanteng wala ni-iisang kaibigan. Ngunit nang pumasok siya sa university na iyon, maraming pagbabago ang nangyari sa kanya. Anu-anong p...