Epilogue

6 1 0
                                    

Disclaimer ahead: Grammatical error. Short update. Lame update.

*****

After 6 years...

Nasa coffee shop ako ngayon. May meeting kasi ako sa magiging bagong business partner ko para sa resto-bar na gusto kong ipatayo. Ang usapan namin ay 8 am. Anong oras na at late na agad niya. Ito ang unang araw na pagkikita namin dahil siya ang nirecommend sa akin ni Elly. Tinext ko naman si Elly dahil naiinip na ako. At natawa naman siya sa akin. Pasaway talaga.

Umorder naman ako ng isang cappuccino at chocolate cake habang inaantay ang magiging business partner ko.

"Jay!" Sigaw ng babae sa counter.

"Andy!" Sunod naman ang pangalan ko.

Agad naman akong tumayo para kunin ang inorder ko. May lumapit rin na guy doon para kunin ang order niya. Agad naman akong tumungo sa pwesto ko at tiningnan ang oras dahil anong oras na at wala pa rin siya. Makalipas ng ilang minuto ay biglang may lumapit na lalaki sa akin.

"Miss Gonzales?" Pagkukumpirma niya. Siya ang lalaking kasabay ko kanina sa counter. Tumingin naman ako sa kanya.

"Yes?" taas-kilay kong sagot.

"Ang sungit mo naman pala miss." Sabi niya. Agad siyang umupo sa upuan na kaharap ko. Grabe, ni hindi man lamg nag excuse kung pwedeng umupo.

"Simo ka ba?" Mataray na tanong ko sa kanya.

"Relax, I am Miguel Jay Francisco. You can call me Miguel, if you don't want to, you can call me mine." Aba at nagawa pa niyang bumanat. Banatan ko kaya 'to.

"So, ikaw pala 'yon? Kanina pa ako nag-aantay at nakita mo na pala ako kanina tapos ngayon ka lang lumapit?" Inis at mataray ko pang sambit.

"Hey, Ms. Gonzales. I am not sure that you are the one that recommends me of Crizelle. So, I'm sorry." He sincerely said. I just nodded to him and discuss about the business we want to build. But before that, I introduce myself first.

"By the way, I am Dale Andrea Gonzales." Sabi ko at tuluyan nang inilahad an kamay sa kanya. Kinuha naman niya iyon at saka nakipagshake hands sa akin.

Inumpisahan na namin ang pag-uusap. Naging maganda naman ang daloy ng usapan dahil parehas kaming mahilig sa resto-bar. Kaya pala siya ang nirecommend sa akin ni Crizelle. Pagkatapos naming mag-usap tungkol sa business matter. I asked him kung paano niya nakilala si Crizelle.

"Sa ospital, 6 years ago. Kami ang may ari ng ospital na pinagdalhan sa'yo. At first hindi ko na rin matandaan ang mukha mo noon. Nakita kita sa kwarto dahil sumilip ako. Nakita naman ako ni Crizelle at doon ko siya nakilala." Paliwanag niya.

"Kung kayo pala ang may ari ng hospital, bakit ka mag business?" Takang tanong ko.

"Doctor ako, to be honest. Pero gusto ko rin magbusiness kaya pinursue ko rin ang pagbi-business." Paliwanag niya. Matapos iyon ay nagkwentuhan muna kami saglit. Hindi naman pala mahirap pakisamahan 'tong si Miguel.

"There!" Biglang sabi niya kaya tumigil ako sa pagtawa.

"What?" I confusedly asked.

"You look more beautiful when you genuinely laugh." He suddenly said. Hindi ko tuloy alam kung saan ako titingin. Alam kong nag-iinit na ang mukha ko.

"You know what? You are good at it." Sabi ko sa kanya.

"How many girls did you get by that, huh?" Nahihiyang tanong ko pa.

"What? what do you mean? It is just a compliment." Saad niya. Mas lalo pa akong nahiya dahil doon.

"You think, I am trying to get you?" Usisa pa niyang tanong.

"Nevermind." Tipid na sabi ko na ikinatawa naman niya.

Matapos ang usapan na iyon ay nagpaalam na kami sa isa't isa para asikasuhin ang kanya-kanya naming business. Ngunit bago pa ako makapasok sa sasakyan ko ay agad siyang nagsalita.

"By the way, let's have a dinner on saturday. Are you in?" Aya niya sa akin. Nag-aalangan akong pumayag dahil hindi ko alam kung paano sasagot pero kalaunan ay tumango nalang ako.

"See you, Dale." Sabi niya at kaway sa akin. Pumasok na rin siya sa kotse niya at gano'n din ako.

6 years. 6 years na ang lumipas simula nang makaalala ako. Si Crizelle at Alex ay may isa ng anak. Si Alex ang nagtake over ng company ng papa niya. Si Blake at Cole naman ay magbusiness partner sa mga sasakyan. Mahilig sila parehas sa sasakyan e. Si Athena naman ay nagtayo ng clothing line. Hindi ko alam kung kailan nila balak magpakasal ni Blake. Si Aaron naman, umuwi ulit ng States dahil sa business. At ang pinagkakaabalahan ko naman ay ang mga business ko.

Saktong ngayong araw din ang mga day off ng namin. Inaaya kami ni Elly sa bahay nila para doon nalang kumain ng lunch. Pagkarating ko roon, ay kompleto na sila, maski ang pamilya ni Alex ay nandito na.

"Kumusta business mo, anak?" Tanong sa akin ni papa habang kami ay kumakain.

"Ayos lang naman po, pa. Hindi madali pero masaya ako dahil gusto ko naman po." Sagot ko naman sa kanya.

"Ikaw anak? yung company natin?" Tanong namin ni tita Chloe sa kanyang anak na si Alex.

"Sobrang busy ngayon ma, medyo nagkagulo ang mga stakeholders pero naayos naman agad." Sagot ni Alex.

"Gano'n talaga, anak. Hindi mawawala ang kaguluhan sa loob ng company dahil sa gustong kumuha ng kapangyarihang nasa atin." Saad naman ng tito Allen na kanyang ama. Sinang-ayunan naman ito nina mama at papa.

"Totoo iyon, ilang years na ako sa company namin ni papa. May mga gustong-gusto pa rin sa pagkuha ng pwesto namin." Sabi naman ni kuya.

"Elly, yung nirecommend mo sa akin ang galing mambola siya. Tapos nalate pa sa meeting, jusko." Reklamo ko na ikinatawa nilang lahat.

"Sus ate, baka sa susunod kayo na magkatuluyan 'non." Pang-aasar sa akin ni Crizelle.

"Asa!" Sabi ko. Talaga nga namang lahat sila ay nang-aasar. Wala ba akong kakampi dito?

"Hindi naman ako ang nagrecommend sa kanya e." Sabi niya.

"Ha? edi sino?" Tanong ko.

"Siya mismo nagsabing irecommend ko siya sa'yo. Matagal ka na nung gusto. Na love at first sight ata sa'yo ate." Natatawang sabi pa niya.

Kinantyawan naman ako ng mga kasama ko. Talaga nga naman. Hindi ko tuloy alam kung paano kikilos ngayon.

May sari-sarili talagang problemang mapagdadaanan ang bawat isa. May mga lumalaban na nag-iisa ngunit hindi nawawala ang suporta ng bawat isa.

Sobrang saya. Sobrang saya kapag kompleto ang pamilya. There will be chances of getting fight with each other pero hindi mawawala ang katotohanang pamilya kami. Pinag-uusapan agad para hindi na lumala. Nadagdagan man ang pamilya at mas lalong tumibay ang pagsasamahan.

Pag-usapan na ang dapat pag-usapan. May mga problema mang dumaan, dapat solusyunan iyon nang sama-sama.

The love will stay.

The care will stay.

The trust will stay.

And the family will stay.

Forever.

Biglang nagvibrate ang phone ko hudyat na may nagtext sa akin.

[See you on the saturday, Dale] - Miguel.

Oo nga pala, kinuha niya ang number ko para may contact kami. I texted him back and put my phone on my table besides me. And make a happy scenario before I sleep.




















The end.

StayWhere stories live. Discover now