Chapter Two

19 3 0
                                    


Natapos ang buong araw namin sa walang kamatayang Introduce yourself. Nang matapos na iyon, nagtungo muna ako ng comfort room bago dumiretsyo sa shop ni mama.

Pagkatapos ko ay lumabas na ako ngunit hindi ko namalayang may nabangga pala ako. Nahulog sa sahig ang mga librong bitbit niya kaya tinulungan ko siyang pulutin ang mga iyon. Nang iaabot ko na sa kanya ang mga librong iyon, natulala ako dahil sa taong nasa harapan ko ngayon. Napahawak ako bigla sa aking dibdib nang maramdaman kong parang iniipit ito nang matindi hanggang sa mawalan ako ng hininga. Sobrang sakit nito.

"Hey miss! are you all right?" Niyugyog niya pa ako kaya bumalik na ako sa ulirat.

"Ah, yes I-I'm ok." sabi ko sa kanya ngunit andun pa rin yung sakit, hindi ko alam pero hindi pa rin nawawala yung sakit na ito.

"Are you sure? bakit parang namumutla ka? gusto mo bang dalhin na kita sa clinic?" tanong niya pa.

"No! I'm okay" ngumiti pa ako para ma-convince ko pa.

"Ok, By the way, Thank you!" sabi niya sa akin ng nakangiti.

"Sige, I have to go!" sabi ko pa sa kanya. Naglakad na ako paalis para dumiretsyo na sa shop ni mama. Hindi pa ako nakakalayo nang tinawag niya ako. Lumingon ako sa kanya at tinanong siya kung bakit.

"You're one of my block mates, right?" tanong niya sa akin. Tumango na lamang ako bilang sagot.

"Ow I see. Kaso di kasi ako nakikinig kanina sa mga nag i-introduce." sabi pa niya na parang nahihiya pa.

"So, what's your name by the way?" tanong pa niya sa akin kaya naman sinagot ko ito.

"Dale" tipid na sagot ko.

"Wow, nice name ha." sabi pa niya. Nang hindi na siya nagsalita pa ay nagpaalam na ulit ako sa kanya at dumiretsyo na ng tuluyan sa shop ni mama.

*****

"O, anak andyan ka na pala. How's your first day?" salubong na tanong sa akin ni mama habang papasok sa shop niya.

"Wala naman pong masyadong ginawa ma, nagpakilala pa lang po." sabi ko kay mama habang palapit sa kanya at sabay yakap at halik sa pisngi niya.

"Hmmm, ma may itatanong po ako." sabi ko kay mama. Naalala ko kasi kanina na sobrang sakit ng dibdib ko kanina.

"Ano yun, nak?"

"Kanina po kasi, bigla pong sumakit ulit yung dibdib ko. Itatanong ko lang po kung totoo po ba yung result na nakuha natin nung nagpacheck-up po ako." Simula bata palang ako madalas ng sumakit yung  dibdib ko.

"Oo naman anak, negative yung result. You don't have heart failure. Pero bakit? bakit na naman sumakit?" ani mama.

"Hindi ko nga din po alam eh." Sabi ko. Hindi na ulit namin pinag-usapan yun at tinulungan ko na si mama sa shop niya. Hanggang sa magsasara na ito. Tinulungan ko na din sa pagliligpit si mama para makauwi na din kami kaagad. At dahil gabi na din napagdesisyunan namin na magdinner nalang sa isang fastfood chain. Nang matapos na kami ay dumiretsyo na kami pauwi.

"Ma, goodnight po" sabi ko kay mama bago dumiretsyo sa kwarto ko.

"Goodnight din nak"

*****

May nakikita akong mga bata dito sa playground malapit sa park na tinatayuan ko. Habang nagmumuni-muni ako doon biglang may nagtakip ng mga mata ko. Amoy ko kaagad ang pabangong lagi niyang ginagamit kaya naman tinanggal ko kaagad ang kamay na nakatakip sa aking mga mata. Lumingon ako sa kanya at niyakap siya hindi ko alam pero sobrang gaan ng pakiramdam ko kapag kayakap ko siya. Niyakap niya din ako pabalik at hinalikan ang aking ulo. Napapikit ako doon at ngumiti. Inangat ko ang tingin ko sa kanya at ngumiti. Sobrang saya ko dahil andito siya ngayon sa tabi.

StayWhere stories live. Discover now