Prologue

36 2 0
                                    

"Alex" tawag ko sa kanya. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko. Gustong-gusto ko nang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.

"Bakit?" Tanong niya sa akin ngunit hindi nakatingin sa 'kin. Busy kasi siya sa phone niya, ewan ko kung bakit. Naglalaro siguro.

"Pwede ba kitang makausap?" Tanong ko sa kanya pabalik. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Ayoko mang masira ang kung anong mayroon kami ngayon pero sa tingin ko ito lang ang paraan para mabawasan na ang mga iniisip ko.

"Sure, tungkol saan ba?" Tanong niya. Humarap na siya sa akin at nang makita niyang seryoso ako ay biglang kumunot ang kanyang noo.

"Bakit parang ang seryoso mo ngayon? may problema ka ba?" Tanong niya ulit at bakas doon ang pag-aalala.

"I have something to tell you, Alex" sabi ko.

"Matagal ko na itong pinag-iisipan kung sasabihin ko ba 'to sa'yo o hindi." Dagdag ko pa. Sobra ko talagang pinag-isipan 'to dahil alam kong maraming pagbabago ang mangyayari once na umamin na ako sa kanya. At nang alam kong hindi na siya magsasalita, tanda na iyon na ipagpapatuloy ko na ang dapat kong sabihin.

"Alex, natatakot ako sa pwedeng mangyari, pero siguro kailangan ko na talagang sabihin sa 'yo 'to" Halata sa boses ko ang kabang mayroon ako ngayon. Hindi ko alam kung paano ko nga ba sasabihin sa kanya iyon.

"Alex, I-I love you since the first time I met you. I don't know pero sinubukan ko namang pigilan 'to dahil ayokong masira ang kung anong mayroon tayo ngayon pero kasi hindi ko na kaya. Baka bigla nalang akong sumabog kapag pinatagal ko pang hindi masabi sa iyo 'to." I saw his shocked face nang masabi ko na ang dapat kong sabihin.

Hindi ko alam pero sobra na talaga akong kinakabahan at mas lalo pang nadagdagan yun. Ilang minuto bago siya magsalita at masasabi kong sobrang bobo ko kung hindi ko alam ang sasabihin niya.

"I'm sorry, Dale." Oo tama, 'yan nga at alam ko ang dahilan kung bakit. Kitang-kita sa kanya na sincere siya sa kanyang sinabi.

"Alam mo naman na may-" pinutol ko ang sasabihin niya dahil alam kong mas masasaktan ako sa idudugtong niya.

"Oo alam ko, di mo naman kailangang suklian yun eh. Gusto ko lang talagang sabihin yun sa 'yo." Oo alam ko, alam kong may mahal siyang iba, alam kong may nililigawan na siya at alam kong matagal na niya iyong inaantay.

"Sorry talaga, Dale." Sabi pa niya ulit. At nginitian ko na lamang siya.

Ilang minutong walang nagsalita niisa sa amin ngunit agad ko itong pinutol.

"Alex, may hihingiin sana akong favor" At sana kahit papaano pumayag ka.

"Ano yun?" sabi niya.

"Sana hindi magbago ang mayroon tayo ngayon, sana magkaibigan pa rin tayo." sabi ko ng nakayuko. Hindi ko na kasi siya kayang tingnan, bigla na akong nahiya sa kanya.

"Oo naman! Magkaibigan pa rin naman tayo at hindi yun magbabago." sabi niya habang pina-pat niya ang aking balikat.

StayWhere stories live. Discover now