3 months had pass at paulit-ulit lang ang routine ko. Gigising sa umaga, papasok sa school, makikinig, magla-lunch mag-isa, at uuwing mag-isa. Ganyan lagi ang nangyari sa buong 3 buwan ko. Minsan naman pag-uwi ko dumediretsyo ako sa shop ni mama kaso madalang nalang dahil medyo nagiging busy na sa mga paper works sa school.Nandito ako ngayon sa may garden ng university namin kung saan ako madalas tumambay kapag vacant namin. Lagi akong nagpapahangin dito because I find this place comfortable. Nagbabasa rin ako ngayon ng isang fiction book, mahilig din naman akong magbasa ng mga ganitong genre at ang title nito ay 'Stay'.
Ilang gabi ko pa ding napapanaginipan yung dalawang taong yun at sa tuwing nagigising ako, may mga luhang pumapatak sa mga mata ko. Sino ba yung dalawang taong iyon? Mas naging madalas din ang pagsakit ng dibdib ko dahil doon.
And everytime I saw Alex, my heart beats so fast but still it hurts. Ang ironic, kasi gustong-gusto ko siyang makita araw-araw pero sa tuwing nakikita ko naman siya lalong sumasakit ang dibdib ko. Kaya pinipili ko na ding lumayo sa kanya kahit na hindi naman kami close at hindi rin kami magkaibigan.
And after the incident 3 months ago, hindi na rin ako nilapitan ni Athena pati na rin yung bestfriend niya, as if I care. Hindi naman sila kawalan e, and at the first place never ko naman siyang naging kaibigan.
Hindi ko namalayan na may nakatayo na pala sa harapan ko. Tumingala ako para tingnan kung sino ito ngunit nang makita ko ito ay hindi ito familiar sa akin. Nakatayo ngayon sa harapan ko ang isang lalaking naka-uniform katulad ng mga lalaki rito sa university. Hindi ko na lamang ito pinansin at nagpatuloy sa binabasa ko
"Hey miss, if you don't mind, can I sit?" tanong niya sa akin ng nakangiti pa rin.
Tumayo ako atsaka sinagot ang tanong niya.
"Yeah sure" sagot ko at umalis na para humanap ng bagong mauupuan. Ngunit hindi pa ako nakakahakbang ng hawakan niya ang kamay ko para pigilan sa pag-alis ko.
"Wait miss" sabi pa niya. Tumingin ako sa kanya ng nakakunot ang noo at saka tiningnan ang kamay niya na nakahawak naman sa kamay ko. Kaagad ko itong binawi ngunit hindi dahil sa kinikilig, binawi ko iyon dahil sa inis.
"What?" mataray na sabi ko.
"Why are you leaving?" tanong niya na may halong pagtataka.
"You told me that you want to sit, right? So I let you take that spot and besides I'm not the owner of that seat. So you are free to take that if you want." sabi ko pa sa kanya. Aalis na sana ulit ako ngunit pinigilan niya ulit ako. Tumingin ulit ako sa kamay niya nakahawak nanaman sa kamay ko. Tiningnan niya rin ito at saka mabilis na binitawan.
"Wait lang miss, ang taray mo naman. I just want to be fri-"
"No, and I won't let you" sabi ko sa kanya. Aalis na sana ulit ako nang pinigilan na naman niya ako. At dahil sa inis, marahas ko iyong tinanggal at hinarap siya.
"Ano ba!? Pwede bang tigilan mo na ako!? Ano ba sa mga sinabi ko ang hindi mo maintindihan!? O baka naman gusto mong tagalugin ko? Sabi ko, AYOKO!" sigaw ko sa kanya. Hindi ko namalayan na may mga dumating na pala at nakikinig sa mga sinabi ko. Tiningnan ko kung sino-sino ito. Nakita ko sina Athena, Blake, Aaron, at laking gulat ko na andito din si Alex. Bigla na namang sumakit ang dibdib ko kaya napahawak ako doon.
At dahil sa mga tingin nila ay agad akong tumakbo palayo roon. Nahinto ako malapit sa gym ng university namin at saktong walang tao doon. Pumunta ako sa gitna ng gym at sumigaw ng napakalakas since wala namang tao. Hingal akong napaupo at saka niyakap ang sariling tuhod.

YOU ARE READING
Stay
Novela JuvenilSi Dale ay isang 3rd-year-college transferee student sa isang university na pinasukan niya. Siya ang tipo na estudyanteng wala ni-iisang kaibigan. Ngunit nang pumasok siya sa university na iyon, maraming pagbabago ang nangyari sa kanya. Anu-anong p...