Chapter Five

10 1 0
                                    


"Ma, bakit sobrang aga niyo po ngayon?" ako kasi ang laging unang umaalis kaysa kay mama.

"May isa kasi akong customer na big-time tapos maraming in-order na bulaklak, kailangan naming asikasuhin yun nang maaga. Malaking event siguro iyon." halatang excited nga si mama. Everytime kasi na may mga malalaking event at nagkakataong kay mama umoorder ng marami e, lagi siyang excited.

"Sige na anak, una ako. I-lock mo yung pinto, Okay?" tumango na lamang ako bilang sagot.

Nag-asikaso na ako para pumasok. Hindi ko alam, pero parang ang saya-saya ko ngayong araw. Isa pa, excited pa akong pumasok.

Papasok na ako ng gate ng school ng biglang may tumawag sa akin.

"Dale!" sigaw niya. Napalingon naman ako bigla at saka huminto sa paglalakad. Si Aaron na naman ang tumawag sa akin, nakita ko rin na kasama niya sina Athena, Blake, at si

Alex.

Kumaway ako sa kanya at kita ko naman ang pagkagulat niya doon. Usually kasi hindi ko pinapansin ang pagtawag niya o kaya naman tinatarayan ko siya kaya malamang nagulat 'to sa akin.

Nang makalapit na sila sa akin ay saka siya ulit nagsalita.

"Seryoso ka ba dun, Dale? kumaway ka talaga?" manghang tanong pa niya.

Ngumiti muna ako sa kanya bago sumagot. "Oo naman, bawal na bang kumaway?" natatawang sabi ko pa. Napansin ko namang bigla siyang natulala sa sinabi ko.

Napansin ko ring napaangat ng ulo ang tatlong kasama niya. Nagtaka ako dahil sa mga reaksyon nila? Ano bang nangyayari sa kanila? Parang nakakita ng multo kung makapag-react ng ganun.

"Uy, bakit ganyan mga reaksyon niyo." medyo natatawang sabi ko pa. Bigla namang hinawakan ni Aaron ang mga braso ko at saka chineck kung may sakit ba ako. Natawa naman ulit ako sa inasta niya kaya nagulat na naman siya or should I say SILA.

"May sakit ka ba ngayon? O kaya naman baka may sumapi sayong mabait na espiritu" hindi makapaniwalang sabi pa niya. Pinitik ko naman ang kanyang noo kahit na medyo matakad siya sa akin.

"Baliw! Hahaha, Wala akong sakit at mas lalong walang sumapi sa akin. Bawal na ba ako maging ganito?" tanong ko pa sa kanya.

"Hmm, Aaron una na kami ha? di pa kasi kami nakakapag-almusal nila Alex e, sige bye." paalam ni Athena kay Aaron. Kumaway naman ito sa kanya at ganoon din siya. Tiningnan ko si Athena at nakita ko ring tumingin siya sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya at ganoon din siya sa akin ngunit mahahalata mong pilit iyon.

Ganoon din si Alex na nagpaalam sa amin pati na rin si Blake ngunit bakas pa rin kay Blake ang pagkainis sa akin.

Nang makaalis sila ay naglakad naman na kami ni Aaron papasok sa classroom. Andoon pa rin ang reaksyon niya na parang hindi pa rin makapaniwala. Kaya naman pumitik ako sa harap niya at saka siya natauhan.

"Uy! Aaron, para kang baliw." sabi ko sa kanya.

"Nakakapanibago ka kasi, parang noong isang araw lang e ang sungit-sungit mo sa akin e." sabi pa niya.

"Narealize ko kasi na sobrang sama ko na, nakakasakit na pala ako. Kaya thank you din kasi isa ka sa nagparealize sa akin." sabi ko sa kanya.

"At isa pa, gusto ko ulit subukang makipagkaibigan. Gusto ko na ulit sumugal." simpleng sabi ko pa sa kanya.

Nanlaki pa ang mata niya at saka sinabing "Talaga!? So, magkaibigan na tayo!?" di makapaniwalang tanong pa niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya. Nagulat na lamang ako ng bigla siyang yumakap sa akin kaya nang mapansin niya iyon ay saka siya bumitaw.

StayWhere stories live. Discover now