Chapter Fourteen

4 1 0
                                    

Dapat talaga tuwing sabado ako nag-uupdate kaso tinamad ako bigla kaya baka kung kailan ko nalang gusto mag-update HAHAHA. ENJOY READING! ERRORS AHEAD!

*****

"Yung mga pasalubong namin dre ah" Sabi ni Cole. Andito kami sa airport ngayon at hinatid si Aaron. Ngayon na kasi ang alis niya papuntang US. Kumpleto kami dito. Sina Blake at Alex ay nasa likod namin nina Athena and Crizelle.

"Mag-aaral ako dre, hindi magbabakasyon." Natatawang sabi ni Aaron.

Parang kailan lang nung maging kaibigan ko sila, tapos may aalis na. Biglang may nagsalita sa speaker sa loob ng airport kaso hindi ko maintindihan kung ano iyon. Agad na tumingin si Aaron sa wrist watch niya at saka tumingin sa amin.

"Bye na guys, I need to go baka hindi ko na maabutan yung flight" natatawang sabi niya ngunit halata sa mata niya ang lungkot. Nakipag fist bump siya kina Cole, Alex, and Blake at niyakap naman niya kami nina Athena and Crizelle. Nung ako na yung yayakap sa kanya bigla ko siya hinampas sa braso dahil sa sinabi niya na ikinatawa niya. Biglang kumapit sa amin si Cole.

"Sige na dre, baka maiwanan ka na ng eroplano." Sabi ni Cole. Naglakad na paalis si Aaron habang kumakaway sa kanya.

***

"Hoy, ano ba! akin yan e." Sigaw ko kay Cole. Ang epal kasi, sa akin binigay ni Athena yung chocolate e tapos biglang hahablutin.

"Ang damot mo naman Dale, penge lang e." Sabi niya habang hinahabol ko siya. Paano ba naman kasi tinatakbo niya chocolate ko, na saan ang panghihingi doon?

"Para kayong mga bata." natatawang sabi ni Athena. Andito kami ngayon sa bahay nina Athena. Wala lang tatambay lang. 6 months na ang nakalilipas simula nang umalis si Aaron papuntang US. Kompleto kaming lahat pero hanggang ngayon hindi kami magkasundo ni Crizelle. Hindi ko alam kung bakit ganoon nalang ang pagkainis o pagkaayaw niya sa akin pero hinayaan ko nalang dahil hindi wala naman akong pakielam.

"Oh, bakit ka tumigil kahahabol." Sabi ni Cole sa tabi ko. Oo nga pala, hinahabol ko chocolates ko. Lumilipad na naman kasi utak ko e. Bigla namang inabit sa akin ni Cole ang chocolate at saka umupo sa sofa. Kaya naman umupo na rin ako.

"Ang tagal naman Alex, nagugutom na ako." Sabi ni Cole. Sina Alex at Crizelle ang magkatabi sa iisang sofa na pangdalawahang tao na katapat naman ng sofa na inuupuan namin nina Athena na pangtatluhan. Si Blake naman ay umupo naman sa sahig na tapat lang ni Athena.

"Lagi ka namang gutom tapos puro ka reklamo, dun ka sa nagdedeliver magreklamo." Sabi naman ni Alex. Nagtawanan naman kami dahil doon. Puro kasi reklamo e.

Bigla namang nagring yung phone ko at agad silang nagtinginan sa akin. Tiningnan ko ang caller ID and I mouthed 'Aaron' to them at saka sinagot at niloudspeaker ang tawag.

"[Dale!!]" Sigaw ni Aaron. Agad naman akong sumagot.

"Oh, bakit? andito kami kila Athena, kompleto kaming lahat. Nakaloud speaker din ako." Dire-diretsyo kong sabi. Baka kung ano kasing sabihin nito.

"[Ah, ganun ba. Anong ginagawa niyo?]" Tanong niya at si Athena namana ng sumagot.

"Magmomovie marathon kami nang wala ka." Sagot ni Athena.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Blake at saka natawa.

"Joke lang." sabay bawi niya.

"Bakit ka nga pala napatawag?" Si Cole naman ang nagtanong.

"[Wala mangangamusta lang HAHA]" Sagot ni Aaron. Kahit deep inside hindi naman talaga. Magkukwento talaga dapat 'to sa akin nagkataon lang na kasama ko lahat kaya 'di makapagkwento. Kaya nga inunahan ko na kanina e. Dire-diretsyo kasi magsalita.

StayWhere stories live. Discover now