Apat na araw lang ang ilalagi ni Kurt sa amerika kasama ang nobya niya. She was excited and sad at the same time: Knowing na matagal na naman bago niya ulit makakabonding ang boybestfriend niya.
IT DOESN'T MATTER FOR NOW, Bulong niya sa sarili.
But she knew that it did matter. And she knew that people, darating sila pero aalis din, na no one really stays on her side. Just like her father died when she was in fourth grade.
"Bakit ganun no? Lahat sila iniiwan ako." Biglaang tanong ni Loren kay Kurt.
"Huh? Bakit iniwan ba kita? Hindi naman ah. Andito pa din ako," Sagot sa kanya ni Kurt.
"Maaring hindi lang ako madalas na personally malapit sayo pero kasama moko. Alalahanin mo lang lahat! Ang lahat-lahat ng mga pinagsamahan natin.""Kurt...Lasing kana. Tara na...Ang ingay mo na oh? Kakahiya kila Loren," Aya ni Deniel kay Kurt na naiinis at nahihiya na sa mga pinaggagawa ng fiance niya.
"Tayo na! Halika na! Isa!"
"Oho. Wag kana magalit. Tatayo naman ako eh." Di nakapalag na pagtugon ni Kurt.
"Maraming-maraming salamat po sa pakain, Tita! Tito---"Natigil si Kurt sa pagsasalita. Bumulwak ang suka niya sa carpet at sa mini glass table.
"Pasensya na't dito pa po ako nagkalat... Mauuna na poooo kami..." Paalam ni Kurt na halos hindi na makatayo ng maayos.
"Kurt! Ano ba yan eh?! Nakakahiya dyan ka pa sumuka! Kadiri ka! Hay nako! Halika na!" Naaasar na wika ni Deniel at binitbit si Kurt papunta sa sasakyan. Inihatid sila ng mama ni Loren sa pinagparkingan nila ng sasakyan. Hindi na sila nakaya pang ihatid ni Loren dahil may tama na din.
Binuksan na ni Lorie ang pinto sa passenger's seat para kay Deniel dahil hirap ito sa pag-akay kay Kurt.
"Grabe, nasobrahan si Kurt. Ganyan ba yan palagi?" Nag-aalalang tanong ni Lorie.
"Hindi naman po. Siguro dahil antagal din po kase bago nila nagkita eh. Kaya ayun, sinagad naman nito! Jusko, ambigat mo Kurt?!" Tugon ni Deniel na parang gusto nang iwan si Kurt sa kalsada.
"Ahhhhhhh. Ingat kayo ha. Ikaw na syempre ang mag-drive o pahatid ko pa kayo sa asawa ko? Teka sandali, tawagin ko---" Alok ni Lorie.
"Wag na po, Tita. Salamat po. Marunong po akong mag-drive. Sayang naman po kung di ma-apply ang natutunan sa driving school." Pagtanggi ni Deniel.
"Basta ingat kayo." Paalam ni Lorie.Walang ano-ano'y ini-start na ni Deniel ang sasakyan at umalis. Mag a-alas dose nang makaalis sila. Wala nang taong naglalakad sa mga kalsadang kanina'y kala mo di na mauubusan ng tao. May mga iilan na mga lasing na nanggagaling sa mga restobar. Ang iba ay bouncer na mismo ng bar ang iitsya ng mga nag-aamok na nakainom palabas.
Ang pinakaconcern ni Deniel ay kung paano niya papalitan si Kurt ng damit dahil sa pagsuka nito kanina. Nang dumating sila sa tinutuluyan nilang condo unit na malapit sa mismong main branch ng Starbucks ay kaagad may mga helpboy na tumulong kay Deniel na buhatin si Kurt patungo sa unit nila.
"Here's hundred dollars. Thanks for helping me out." Abot ni Deniel sa dalawang tumulong sa kanya.
"Thanks, ma'am. Have a goodnight!"Siya na ang bumuhat kay Kurt papunta sa bed. Hinubaran niya ito ng sapatos tsaka inayos ng higa.
ANSARAP SANA NG LABI MO EH KASO AMOY-ALAK KA, Bulong ni Deniel na nakatitig kay Kurt. Instead ay hinalikan niya na lamang ito sa pisngi.
"Ha? May sinasabi ka?" Aktong tatayo pa sana si Kurt pero tinulak siya ni Deniel pahiga ulit.
"Matulog kana! Depungal ka, yawa. Ambigat mo! Sige, subukan mo lang tumayo. Susuntukin kita!" Daing ni Deniel sa sakit ng balikat niya sa pag-alalay.Hindi na nagpalit si Deniel. Humiga na siya. Yumakap ito kay Kurt at humalik sa lips. Ngunit tinamad na siyang tumayo dahil sa pagod. Kinapa nito ang dibdib ng mister niya upang tingnan kung may suka ito. Tuyo naman.

YOU ARE READING
Heaven On Fire
Mystery / ThrillerThe story is about an modern teenage Filipina migrated to be part of American dream. Along the way going to her dream of perfect heaven, she meets her hell. No one knows what really happened to that role model student and every boy's dream girl. Hop...