Twenty One

10 0 0
                                    

After Benjamin left for work, I went to Saoirse's crib. Oh my God, those eyes. Kuhang-kuha niya yung mga mata ni Benj—brown eyes like those leaves that falls on first day of autumn. Pakiramdam ko sa tuwing makikita ko 'tong anak ko ay paulit-ulit akong mai-in love sa tatay niya.

I counted the lashes of each closed eye. Maaaring iwanan ko ang lahat sa mundong 'to pero hindi si Saoirse.

Gusto ko sana lumabas para ingredients para magluto ng cherry pie eh. Alangan namang iwan ko ang bagong panganak na sanggol diba?

Luckily, naalala ko na may project pala malapit dito si Francine. Kaya naisipan kong hanapin siya sa Friendster. Friends pa din pala kami.

I asked her to come over.

*****

"Did you get your first kiss?" Mama said over the phone that night. I was holding my first ever alcohol, Soju. Francine was shouting from the other table saying "Loren! Shot mo na 'to!"

"Tanginaaaaa! Si Mama kausap ko, gago!" Of course, I made sure na naka-hold muna yung call namin bago ako nagmura.

"Ano yun? Are you drinking?" Mama asked, narinig ata yung sigaw ni Francine.

"Wala yun, ma," I said, habang tinititigan ng masama si Francine.
"Sige na, ma! Coronation na ng Prom King and Queen!"

"Ingat ka dyan! I love—" I ended the call bago pa niya maituloy yung sasabihin niya.

*****

"Naalala mo pa yung junior prom natin nung grade nine?" Francine said, habang naghuhugas ako ng mga ginamit namin sa pagluluto.

"Ah, hindi na masyado..." I said.
"Alin ba dun?"

"Did you really get your first kiss that night?" She asked. "Okay lang naman kahit wag mo na sabihin unless..."

"Unless what?"

"Unless may malisya ka pa?"

Lumapit siya sa akin habang nagtataob ako ng mga utensils and whispered in my ear, "Gusto mo pa din siya 'no?"

"Gago? May asawa na ako, aning!"

Ilang minuto kaming natahimik. Matapos ang ilang saglit pa ay bigla nalang tumawa nang malakas si Francine. Kaya napatawa nalang din ako. Parang sinasakal pa naman tumawa yun. May pagsinok pa.

"Joke lang, gagi," Francine said.
"So sinong mas magaling sa kama, bhe?"

"Francine!" I said, kainis. Ang lakas mang-asar.

"Oh ano? Hindi ka aamin?"

"Ano bang dapat kong aminin?"

"Tangeks, twenty-nine ka na. Nahihiya ka pa?" Francine said, insisting my age.

"Oo na! Punyeta 'to. Kailangan ipagdukdukan na malapit na mawala sa kalendaryo edad ko?!" I said. Wala namang magbabago kung sasabihin ko eh, I thought.

"Si Francis."

"Eh?" She said, mukhang nagulantang.

"It was blissful," I said. "Hindi ko alam kung cheating ba na kinukumpara ko yung performance ni Benjamin kay Francis. I never asked him na anakan ako, but now na nandito na yan. Eh di panindigan nalang."

"Bakit ka nagpakasal sa kanya? Dahil sa bata?" She asked from the kitchen, nagtimpla ng kool-aid.

"Pakiramdam ko magiging mabuting ama siya eh," I said, habang namimili ng papanoorin sa Prime Videos. "Sana tama ako."

"Eh paano kung mali ka?"

Neither of my parents or kahit si Kuya ang nagtanong sa akin 'nun. Pero siguro may thoughts din sila na ganoon, na baka nga maling pinakasalan ko kaagad si Benjamin.

Heaven On FireWhere stories live. Discover now