Three

25 6 3
                                    

Nakishare ng cabin si Loren kay Deniel at Kurt sa Camping Site. Ang katwiran? Ayaw niyang mapag-isa. Nakakatakot, ayon sa kanya. Nagpupumilit siya kaya wala nang nagawa ang magkasintahan kundi pumayag.

"I guess, some folks are really afraid to be alone," Biglang sabi ni Deniel.
"Para ka din palang boybest mo. Takot mapag-isa."

"Sorryyyyyyy talaga. Ayoko lang talagang mag-isa sa cabin. I'm a claustrophobic eh. Clinically diagnosed. No joke." Paliwanag ni Loren sa magkasintahan.

"It's okay. Dun nalang kayo sa kama tapos sa lapag ako mahihiga. Tutal eh masyado namang malaki ang cabin para sa'ming dalawa lang." Pagpayag ni Kurt.

Kahit gusto ni Kurt ng privacy, wala siyang magawa. Bestfriend niya yun eh. Gabi na, kailangan na nilang magpahinga at malamig ang buga ng hangin mula sa Lake Tahoe.

Mula sa bintana ay mapagmamasdan mo ang mahinhin na patak ng ulan sa mga dahon ng puno. Nawala na din ang kahel na langit pagkatapos ng ulan. Sumilay ang mga bituin na parang mga batang nakasakay sa school bus na kakawayan ka na parang tanga at ang iba ay magmimiddle finger sayo to say hello.

Di makatulog si Kurt kaya napagpasyahan niyang lumabas muna upang magpahangin. He wore his jacket first.

"Bakit nandito kapa sa labas?" He knew that beautiful voice. It was his wife, soon to be, next year.
"Ah wala. Di ako makatulog. May iniisip lang ho." Sagot ni Kurt kay Deniel na nakanight gown.
"Ano naman yun, hubby ko?"

Naupo sila sa tabi ng Lake. Ito ay para mas mapagmasdan pa ang langit na napuno ng mga kristal matapos itong lisanin ng mga kahel na ulap.

Nanlalamig ang kamay ni Deniel nang hawakan ito ni Kurt habang nakaupo sila sa tabi ng lawa na nakatanglaw sa dalawa ang liwanag ng mga bituin sa langit.

"Bakit anlamig ng kamay mo? Ang init-init oh?" Tanong ni Kurt.
"Mas mainit kaya sa pilipinas." Pilosopong tugon nito.
"So bakit nga nanlalamig ang mga kamay mo?" Pag-ulit na tanong ng binata.

"Wala lang. Nag-aalala na kase ako sa mga nasa pinas. Wala man lang naga-update saken kung kamusta na dun,"
"Ni text or tawag man lang mula kay papa, wala. Di ba niya ako namimiss?" Hindi mapakaling sabi ni Deniel.

"Hon, look at me. Alam kong miss mo na sila. Pero hindi pa pwede na tayo muna? I'm sure, okay lang naman sila. Kita ko post ng kapatid mo. Nasa Baguio sila."
"Tingnan mo yung mga yan. Wala man lang akong kaalam-alam. Hindi nagsabi sa'kin." Bumusangot ang mukha nito sa inis.
"Kase gusto nila mag-enjoy ka. Tiwala si mami na safe ka saken," Pagpapakalma nito sa kasintahan.
"Wag kana malungkot dyan. Dahil ang sabi sa ABC kanina, may meteor shower daw ngayon para sa mga nasa northern US."
"Wheeeeee??? Talaga?" Napalitan ng ngiti ang mukha ni Deniel matapos na banggitin ito ni Kurt.

It was dark out pero dahil sa kakaunting ulap ay napaliwanag ng sinag mula sa buwan ang paligid na habang ito'y tumatama sa tubig ay kumikintab ito sa ganda. It was summer. Days are longer than nights during this season. Ilang oras nalang ay sunrise na ngunit gising pa din ang diwa ng dalawa.

The meteor was falling like snowflakes in winter. It was beautiful. Pinatay at inilagay ni Kurt sa bulsa ang phone niya upang mas makapagfocus kay Deniel. Ngunit wala sa mga bulalakaw ang mga mata ni Kurt. Nakapukaw ng atensyon niya ang mapusyaw na labi ni Deniel. Habang tumatagal ay mas lalo lang siyang natatakam sa mga labi nito. Napansin ng dalaga ang di mawalang titig sa kanya ng boyfriend niya.

"Hoy, dun ang tingin. Wag sa'ken."

"Why?" Tanong ni Kurt na lumilipad ang imahenasyon na malagkit ang tingin kay Deniel.
"Eh mas maganda kapa dyan."

Di maitago ni Deniel ang matamis niyang ngiti dahil sa sinabi ni Kurt. Sa lahat, si Kurt lang ang nakakapagpangiti sa kanya ng ganun. Honest kase si Kurt sa kanya ever since kaya kung ano man ang sabihin nito sa kanya, naniniwala siya. Tsaka, minsan lang kasi magsalita si Kurt. Hindi nagsasalita si Kurt lalo kapag wala namang sense ang lalabas sa bibig niya.

Heaven On FireWhere stories live. Discover now