PROLOGUE

2.1K 50 4
                                    


A man who can sacrifice everything for the sake of his whole family.


A brother who can do anything for his sister.


A nephew who can be the uncle's best buddy.


An uncle who can love his nephews like his real sons.


And a friend  that always there for you.


ALYXANDRIUS SHERIDAN MONROE IS THE NAME.......


I-------


"BILISAN NIYO! PARATING NA SILA!" Rinig kong boses ni Lexa sa hallway.

Gusto ko pa matulog, bakit ba ang ingay niya umagang-umaga pa lang. Tsk! Nakakainis naman oh.


"LEXUS! WHERE'S YOUR BROTHER AGAIN??!" Sigaw niya ulit.


"HE'S WITH DAD!" Sagot ni Lexus ng pasigaw din.


Masyado ba silang malayo sa isa't isa para magsigawan sa pag-uusap?? Wala na, hindi na ako makakatulog pang muli sa sobrang ingay.


Bumangon ako sa kama ko. Paglabas ko ng kwarto ay abala ang lahat sa ibaba, dahil malapit sa hagdan ang aking kwarto ay kita ko kaagad ang unang palapag.


Napakunot ang aking noo sa nasasaksihan ko. Anong mayroon? Abala ang lahat, pati si Lexa ay nakita kong busy sa pagga-guide sa mga tagapagsilbi kung ano ang kanilang mga dapat gawin. May event ba? Bakit parang wala akong naaalala? Ha?


"Based on the expression registered in your face, you forgot something."


Napatalon ako sa gulat sa taong nagsalita sa gilid ko, it was Tyler holding Vhienn na busy sa laruan niya. Napakaamo ng mukha, kahit sino ay maa-attract sakanya but knowing that his first name was next to mine? Naaasar ako. Ewan ko, hindi ko naman hate ang pamangkin ko.


Hindi ko man lang napansin na nasa gilid ko na pala sila. Pambihira.


"something?" Pag-ulit ko sa sinabi niya.


"Yeah." Plain na sagot nito.


Napaisip naman ako kung ano iyong nakalimutan ko na importanteng bagay ngayon. Langya, tumatanda na yata ako ah. Psh!


"Alpha Andreighus..." Tipid na sabi nito. Nagtaka naman ako.


"Is that a hint?" Tanong ko.


Pero nag kibit balikat lang siya at naglakad na paibaba ng hagdan, pero nasa unang baitang palang siya pababa ay huminto ito at humarap muli sa akin, as usual ang seryoso nanaman ng mukha. Kung sa ibang tao o lobo ay matatakot na sa ganyang tingin pero ako? Pakialam ko sa poker face niya, may sarili akong buhay para unahin pa iyan.

TSL BOOK 2: THE PRIMORDIAL ALYXANDRIUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon