ANDREIGHUS's POV
"Bakit kayo lang ang nandito? Nasaan si Yxan?" Tanong ko.
"Nagpaiwan siya Alpha Andreighus." Sagot ni Beta Thaddeus.
"Bakit niyo iniwan?" Tanong ko ulit.
Nasa labas kami ng pack, nagpapahinga na si Ymerald sa kwarto ni Yxan, nagamot na rin ang mga sugat niya.
"Alpha, alam niyong wala kaming magagawa kapag ginusto niya. Desisyon niya iyon at responsibilidad kong sumunod sa utos." Sagot ni Beta Thaddeus.
"Mali ito, edi sana nag-iwan kayo ng ilang pack members para tulungan siya." Sabi ko.
"Sorry, Alpha Andreighus." Paghingi ng paumanhin ni Beta Thaddeus.
"Pupuntahan ko siya ngayon. Bantayan mo ang pack." Seryosong sabi ko.
At sasakay na sana ako sa kotse ko nang makarinig kami ng paparating na sasakyan, paglingon ko ay kotse ni Yxan ang parating.
Pagbaba nito ng kotse ay may mga bahid ng dugo sa iba't ibang parte ng katawan niya, pero hindi siya mukhang sugatan dahil maayos na maayos ang kaniyang paglalakad na para bang walang nangyari.
"Ayos ka lang ba?" Bungad na tanong ko.
Tumango lang siya sa akin bilang sagot.
"Nasaan si Ymerald?" Tanong niya kaagad sa akin.
"Nagpapahinga sa kwarto mo." Sagot ko.
"Tumawag kayo ng pack doctor." Utos ko kina Beta Thaddeus.
"No need." Sabi naman ni Yxan.
"And why? Kailangan kang magamot." Seryosong sabi ko.
"Hindi ako sugatan, Tito." Sagot niya at naglakad na papunta sa mansion.
Sinabayan ko naman siya ng lakad.
"How about that blood?" Tanong ko.
"Not mine." Simpleng sagot niya.
"Then who? Alpha Phoenix?" Tanong ko.
"Yeah, and his useless pack members." Sagot niya.
"What happened between you and Alpha Phoenix?" Curious na tanong ko.
"Tumakas siya nang masugatan ko siya ng malalim sa likuran niya." Sagot nito.
Napatango-tango naman ako, malakas nga si Alpha Phoenix pero hindi rin pangkaraniwan si Yxan. Ano kayang nangyari sa laban nila? Hindi rin ako naniniwalang walang sugat si Yxan, ayaw niya lang ito sabihin sa akin.
"Bakit niya pinupuntirya ang mate mo?" Curious na naitanong ko bigla.
Nasa harapan na kami ng pinto ng kwarto niya pero hindi pa siya pumapasok.
"He found Ymerald interesting." Sagot nitong nakatalikod sa akin.
Binuksan na nito ang pinto at bago pumasok ay nagsalita pa siya.
"And also, Tito Andreighus you need to warn Alpha Tyler to keep an eye to Lexa. Hindi lang si Ymerald ang target ni Alpha Phoenix, kundi pati si Lexa ay interesado siya." Seryosong sabi ni Yxan bago tuluyang pumasok sa kwarto niya.
"WHAT?!" Naisigaw ko na lang dahil sa kabiglaan.
Pati si Lexa?!! Hindi ba siya natatakot kalabanin si Alpha Tyler??! Tsk.
YXAN's POV
Lumapit ako sa kama at umupo. Pinagmasdan ko ang mahimbing na tulog ni Ymerald sa kama ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/264260308-288-k859534.jpg)
BINABASA MO ANG
TSL BOOK 2: THE PRIMORDIAL ALYXANDRIUS
Kurt AdamThis is the story of Alyxandrius Sheridan Monroe. Who's been waiting for his mate to come into his life. NOTE ❗❗❗ Read the book 1 first before you read this story. THE SIGHTLESS LUNA (BOOK 1) PS. PLAGIARISM IS A CRIME. Date Started: June 1, 2021