CHAPTER 3: Talk With Lexus

729 26 1
                                    


YSMAEL's POV


"WALANGYA KANG BATA KA! KUNG SAAN-SAAN KA NANAMAN NAGSUSUSUOT! BAKIT NGAYON KA LANG UMUWI HA!!!!??"


Pagpasok ko sa bahay namin ay boses agad ni tiyang ang maririnig ko. Ano pa nga bang bago. Hays.


Naglakad na ako diretso sa kusina at inilapag ang mga pagkaing binili ni Ginoong Alyxandrius. Kapag nagsalita ako e useless lang din dahil never naman kami nanalo ni ate sa pakikipagtalakan sa kaniya. Rule na yata niya sa sarili niyang siya dapat palagi ang tama at panalo.



Paakyat na ako sa hagdan nang may maramdaman akong bagay na tumama sa likuran ko, napadaing ako sa sakit.



"Araay." Daing ko at hawak sa likod na nasaktan.



"KINAKAUSAP PA KITANG BATA KA!" Sigaw ni tiyang.


Pagharap ko ay may hawak siyang walis tambo na siyang ginamit niya upang hampasin ako, masakit pero sanay na ako. HAHAHA, tsk.



"B-birthday ho ng kaklase ko kahapon at hindi ko napansin ang oras." Paliwanag ko. As if makikinig siya sa paliwag ko.



"ABA! HINDI MO NAPANSING GUMAGABI NA AT HINDI KANA UMUWI GANOON BA?!" Galit na sigaw niya.



"Opo. Napasarap ang i---" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil ready na ulit ang kamay niyang may walis tambo na ihahampas sa akin.


"TIYANG! TIYANG! TAMA NA HO."


Napalingon ako sa itaas ng hagdan at nakita ko si ate na may pag-aalala sa mukha.



"Ate." Mahinang sambit ko.


"ISA KA PA, EME. PARE-PAREHAS KAYO! CHE." Mataray na sabi ni tiyang pero bago siya tumalikod ay binato niya pa rin ang walis tambo na tumama naman sa ulo ko kaya napahawak ako sa parteng ulo ko na nasaktan.


"Isma, ayos ka lang ba?" Tanong ni ate ng makalapit sa akin.


Tumango lang ako bilang sagot.



"Tara na sa kwarto, gamutin kita." Aya sa akin ni ate at inalalayan ako sa paglalakad.



Pagdating sa kwarto ay naupo ako sa kama niya at siya naman ay naghanap ng gamot.



"Ate tama na, hindi naman ako nasugatan e." Sabi ko.

TSL BOOK 2: THE PRIMORDIAL ALYXANDRIUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon