YXAN's POV
"Ready na kayo?" Bungad na tanong ko kay Lexa nang makita ko siya sa harapan ng mansion nila.
"Yup! May kinuha lang saglit si Klaude sa loob." Nakangiting sagot naman ni Lexa.
"Okay." Sabi ko naman at bumalik na sa mansion upang kunin ang sasakyan ko.
Nasa pangangalaga ni Tita Herisha ang dalawang bata, buti pumayag na umalis kami. Ayun lang at si Beta Horace ay nakabusangot nang makita ko sa may veranda sa second floor kung nasaan ang office ni Alpha Tyler. Gusto niyang sumama pero hindi siya pinayagan dahil walang magbabantay sa pack nila.
I checked my wristwatch at 12:35 na ng tanghali, 1 pm ang start ng contest sa Evergreen College. Aabot pa naman kami, kahit late naman ay ayos lang, for sure hindi naman iyan magsisimula agad-agad.
*BEEP*
*BEEP*
*BEEP*
Napalingon ako sa bumusina. Si Alpha Tyler na nakaready na kasama si Lexa sa sasakyan nila. In-start ko na ang engine ng kotse ko at pinaandar. Ako ang pinauna ni Alpha Tyler dahil hindi naman niya alam kung saan ang location ng Evergreen College.
Ilang minuto ang lumipas sa byahe at nasa harapan na kami ng school. Maraming nagbago pati pintura na kulay green noon ay napalitan na ng kulay blue ngayon, mas maganda ang green dahil maaliwalas sa paningin at kakulay ng nature, bago na siguro ang head kaya nabago na in ang school.
Nag park kami ng sasakyan sa loob ng school, medyo marami na ring tao ngayon na manonood. May mga naka school uniforms pa akong nakikita.
"Wow! Ito ba ang dati mong school Yxan?" Manghang tanong ni Lexa.
Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala sila at kagaya ko ay naglilibot din ang kanilang mga mata sa loob ng school.
"Yes. At marami na ang nagbago dito." Sagot ko.
"Saan ang venue?" Tanong ni Alpha Tyler.
Oo nga pala, sa gym for sure ang venue dahil doon lang ang alam kong pwede pagganapan ng events like this.
"Tara sa gym." Aya ko sa kanilang dalawa.
Nagsimula na kaming maglakad tatlo, nasa gitna namin si Lexa na hanggang ngayon ay naa-amazed pa rin sa nakikita while sa kaliwa niya ay ang tahimik at seryosong asawa niya na mukhang walang interest manood pero sumama pa rin, lakas ng trip.
Pagdating sa gym ay may mga tao nang naghihintay, chineck ko ang relo ko at ala una na nang hapon. Naghanap kami ng mauupuan sa bleachers. May spot pa sa bandang gitna sa right side ng gym, sa pinakataas kami pumwesto kung saan may magandang view.
![](https://img.wattpad.com/cover/264260308-288-k859534.jpg)
BINABASA MO ANG
TSL BOOK 2: THE PRIMORDIAL ALYXANDRIUS
LobisomemThis is the story of Alyxandrius Sheridan Monroe. Who's been waiting for his mate to come into his life. NOTE ❗❗❗ Read the book 1 first before you read this story. THE SIGHTLESS LUNA (BOOK 1) PS. PLAGIARISM IS A CRIME. Date Started: June 1, 2021