CHAPTER 5: Mysterious Girl At The Park

756 23 0
                                    

YXAN's POV

"Anong plano mo?"


Iyan agad ang tanong ni Lexa nang makalabas kami ng office ni tito Andreighus.



Naiwan sa loob ang dalawang alpha dahil may importante pa raw silang pag-uusapan. Si Lexus naman ay umuwi na ng bahay nila, habang si Lexa naman ay sumusunod sa akin. Kaya napili ko sa garden na lang magpunta dahil wala naman masyadong nagpupunta roon at mahangin pa, masarap tambayan.



Naupo ako sa isang upuan at ipinatong ang mga paa sa mesa habang ang dalawang kamay ay nasa aking uluhan at ako'y pumikit upang damhin ang fresh air.


Naramdaman ko naman na naupo rin si Lexa sa tabi ko.



"Yxan?" Malumanay na tawag niya sa pangalan ko.



"Hindi ko pa alam, Lexa." Sagot ko naman.



Binalot  kami ng katahimikan. Pero ilang sandali lang ay narinig ko siyang nagsalita muli na siyang rason kaya napamulat ako ng mga mata bigla.



"What if bumalik tayo sa Glamour Garden Park?"



Iyan ang sinabi ni Lexa na nagpakunot ng aking kilay.



"What are you talking about?" Tanong ko at tumingin sa kaniya.



"Sinabi mo na nanggaling doon si Lexus. I will help you para hanapin ang bakas nila." Sagot naman niya.



"Pero Lexa delikado." Seryosong sabi ko.



Ayokong mapahamak siya.



"I can protect myself, alam ko at alam mo iyan." Seryosong sabi naman niya.



I know, no one can harm us thanks for being a primordial werewolf. Pero as a protective brother ay hindi ko pa rin maiwasan mag-alala sa safety niya.



"Yxan please. Member din ako ng pamilyang ito kaya I will do my best also to protect our family and pack." Seryosong sabi ni Lexa.



Umayos ako ng upo at nag-isip. Tama siya, miyembro siya ng pamilyang ito at isang Luna ng pack. Papayag ba ako? Isasama ko ba siya sa ginagawa kong imbestigasyon? Hmmm.

TSL BOOK 2: THE PRIMORDIAL ALYXANDRIUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon