CHAPTER 10: New Friend, Spinel!

451 22 1
                                    

YXAN's POV

Papasok na ako ng mansion ng makasalubong ko si Beta Thaddeus na mukhang pasan sa balikat ang buong mundo.


"Beta Thaddeus." Tawag ko.


"Oh." Nagulat pa ito sa pagsagot.


Ano kayang problema ng isang ito?


"Anong problema mo?" Tanong ko.


"Maliit lang naman." Halata sa boses nito ang sarcasm.


"Anong maliit?" Tanong ko.


"Maliit iyong problema ko." Sagot niya.


"Ha?" Naguguluhang tanong ko.


Anong maliit ba ang tinutukoy nito? Kung maliit lang problema nito e bakit ganiyan ang expression ng kaniyang mukha. Parang kabaliktaran ng sinasabi niyang maliit lang na problema.


"May hindi ba magandang nangyari?" Tanong ko ulit.


Umiling naman ito at nagbuntong hininga, ang weird niya ngayon ah.


"Alyxandrius." Pagbanggit nito sa pangalan ko.


"Bakit?" Nagtatakang tanong ko naman.


"Ang liit ng problema mo pero ganiyan itsura mo parang katapusan na ng mundo ah. Hahaha." Natatawang sabi ko.


"Iyon nga e, sa sobrang liit ng problema ko e parang ikamamatay ko na." Sagot naman niya.



"Ano ba kasi iyon?" Tanong ko naman.


"May special task na ibinigay sa akin si Alpha Andreighus kasama ko si Beta Horace." Sagot niya.



Special task???


"Oh bakit may kasama kapa at specail task? Lalo ako nacu-curious ah." Sabi ko.


"Eh kasi------" Hindi na nito natapos ang sasabihin niya.



"BETA THADDEUS!!"


Nakarinig kami ng sigaw mula sa malayo, paglingon namin ay si Beta Horace na tumatakbo palapit sa pwesto namin. Problemado rin ang itsura niya.



Hinihingal ito paglapit sa amin. Hinintay naman namin siyang makapag pahinga bago namin kausapin.


"Anong nangyari?" Tanong ko.


"Ah wala naman. Tara na Beta Thaddeus." Aya ni Beta Horace kay Beta Thaddeus.

TSL BOOK 2: THE PRIMORDIAL ALYXANDRIUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon