YXAN's POV
Palabas na ng Sheridan Village sina Lexa at Ymerald nang makita ko sila, napansin ko ring may nakabalot na kulay puti sa tuhod ni Ymerald so I assume na nagamot na siya ng pack doctor.
Saan kaya sila pupunta?
Pagkalapit ko sa kanila ay nagtatawanan sila. Nagtaka tuloy ako.
"Where are you going?" Seryosong tanong ko pagkalapit sa kanilang dalawa.
"Oh, ikaw pala Yxan." Sabi ni Lexa pagharap nila sa akin.
Tinanguhan ko lang si Lexa, at kay Ymerald ko na itinuon ang aking atensyon.
"Uuwi na raw si Spinel e, ipapahatid ko na sana siya kay Beta Horace." Sabi ni Lexa.
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Lexa. Ipapahatid siya kay Beta Horace? Tsk.
"Ako na ang maghahatid." Seryosong sabi ko at dumiretso na sa kotse ko.
Binuksan ko ang pintuan sa passenger's seat at hinihintay na sumakay siya. Nagpamulsa ako at seryoso silang pinagmasdan.
Nagkatinginan naman silang dalawa.
"Luna, pumunta raw kayo sa office ni Alpha Tyler ngayon na." Sabi ni Beta Horace na mukhang problemado nanaman.
Biglang nataranta naman si Lexa at hindi na yata alam ang gagawin dahil bigla na lang niyang hinila si Ymerald at sapilitang isinakay sa kotse ko.
"Pasensya na Spinel, si Yxan na lang ang maghahatid sayo. Busy kami sa pack namin e, kita na lang tayo next time. Ingat!" Sabi ni Lexa at kumaway pa bago tumakbo papunta sa pack nila.
"Sandali Lexa!" Sigaw niya pero hindi na siya nilingon pa ni Lexa.
Isinara ko na ang pinto at mabilis na sumakay sa driver's seat.
"Seatbelt." Seryosong sabi ko.
"A-ah, oo." Parang natatarantang sagot niya.
Nang makapag seatbelt na siya ay umalis na kami.
Napakatahimik ng byahe namin papuntang town. Hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko kaya hindi na ako nagsalita pa.
At dahil naihatid ko na si Ysmael dati, which is ang nakababatang kapatid niya, kaya alam ko na ngayon kung saan siya nakatira. Malapit na kami sa bahay nila nang mapansin ko ang apat na katao sa harapan ng bahay nila na parang may inaabangan.
"Dito na lang, may mga bisita kasi ako at baka kung anong isipin ni tiyang kapag nakita ka." Nahihiyang sabi ko.
"Okay." Simpleng sabi niya.
Hininto na niya ang kotse malapit sa bahay. Busy naman ang apat kaya hindi nila kami kita na dumating.
"S-salamat." Sabi ko at mabilis na bumaba ng kotse.
Medyo iika-ika akong naglakad palapit sa bahay, napansin naman ako ni Leianah.
"YMERALD!" Sigaw nito at tumakbo palapit sa akin.
Nagsilapitan na rin sina Paul, Jake, at Gracielle na may pag-aalala sa mga mukha nila.
"Anong nangyari sayo? Bakit ka injured? Bakit ang tagal mo umuwi?" Sunod-sunod na tanong ni Leianah.
"Nadapa kasi ako noong hinahanap ko cellphone ko kaya ayun, then nagpagamot pa kasi ako kaya natagalan makauwi. Pasensya na kung pinag-alala ko kayo." Sabi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/264260308-288-k859534.jpg)
BINABASA MO ANG
TSL BOOK 2: THE PRIMORDIAL ALYXANDRIUS
مستذئبThis is the story of Alyxandrius Sheridan Monroe. Who's been waiting for his mate to come into his life. NOTE ❗❗❗ Read the book 1 first before you read this story. THE SIGHTLESS LUNA (BOOK 1) PS. PLAGIARISM IS A CRIME. Date Started: June 1, 2021