CHAPTER 18: At Sheridan Village

353 19 0
                                    

YMERALD's POV

"Papa, you look scary when dealing with those unrespectful people." Rinig kong sabi ng bata.

Papa? Ang gulo naman. Tatay na ba siya?

Bigla akong napalingon sa kaniya na nagda-drive.

"Really?" Naka-smirk na sabi naman niya.

"YES! AND I LOVE IT!" Masayang sigaw ng bata.

"S-saan t-tayo p-p-punta?" Nauutal na tanong ko, kinakabahan kasi ako.

"Our place." Simpleng sagot niya.

"P-pakibaba n-na ako r-rito, u-uwi na a-a-ako.." Sabi ko, bakit hindi ko mapigilang mautal?

"Hindi ka pa ligtas sa lugar na ito." Seryosong sabi niya.

"I like you." Rinig kong sabi ng bata sa akin na may kasamang ngiti.

Ngumiti ako ng pabalik sa kaniya.

"A-ano pala ang name mo?" Tanong ko.

"I AM RYOS VIENNE MONROE VAUGHN!" Masayang sagot niya.

"Vaughn?" Pag-ulit ko.

May kilala akong isang taong may apelyidong 'Vaughn' . Mabilis kong maalala si Lexa dahil ang unique ng last name niya.

"Are you related to Lexa?" Tanong ko.

"Lexa?" Nagtatakang tanong niya.

"Alexandrite Vaughn." Sabi ko.

Nakakunot naman ang noo nitong nakatingin sa akin. Hinihintay ko ang sagot niya,

"YES! YES! SHE IS MY................" Hindi na nito natapos ang kaniyang sasabihin.

"We're here." Putol ni Alyxandrius sa sinasabi ni Ryos.


Napalingon ako sa bintana. Napakaliblib ng lugar, halata sa paligid.


Nauna silang bumaba kaya mabilis na rin akong bumaba ng kotse.

Napasandal pa ako sa kotse dahil sa sakit ng tuhod ko.


Nilibot ko ang paningin ko, may arko akong nakikita na magkaharap. Binasa ko ang nakasulat sa mga ito.



Sheridan Village.

Vaughn Village.


Nasa harapan kami ng Sheridan Village. Ang weird ng paligid, parang ibang iba sa lugar namin na maingay at maliwanag. Dito ay parang walang buhay ang paligid.

At ang nakakapagtaka ay ang Vaughn Village, dahil iyon din ang address ni Lexa na nabasa ko sa calling card na ibinigay niya sa akin dati. What a coincidence.

"RYOS! LEXUS!"

Isang familiar na boses ang aking narinig. Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses at laking gulat ko nang makita ko si Lexa na papunta sa amin.

Napahinto rin ito saglit nang makita niya ako. Nagtataka ang mukha nito pero ilang sandali lang ay napalitan din ng isang malawak na ngiti, ako naman ang sunod na nagtaka sa reaction niya.

"SPINEL!" Biglang sigaw nito.

Nabigla pa ako nang yakapin niya ako. Seryoso lang naman si Alyxandrius na nakatingin sa amin. Samantalang iyong Lexus ay dire-diretsong pumasok sa Vaughn Village habang si Ryos ay busy sa paghahabol ng mga tutubi sa gilid.

TSL BOOK 2: THE PRIMORDIAL ALYXANDRIUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon