CHAPTER 15: Last Project's Topic

390 22 0
                                    

EME's POV

Mabilis ang aking pagtakbo papunta sa aking classroom this afternoon class, nasa third floor pa ito kaya hingal na hingal ako pagtapak ko ng third floor, late na kasi ako.

"Sana wala pa si sir." Mahinang dasal ko.

Naglakad na ako sa room namin, sumilip muna ako sa pintuan kung maroon na ba si sir. But thank god at wala pa siya. Nakahinga ako ng maluwag.

Pinakalma ko muna ang aking sarili at handa na sanang pumasok nang mabangga ako sa pintuan.

"Ouch." Mahinang daing ko at hawak sa balikat kong tumama.

"Ops! Ikaw pala Ymerald. Pasensya na hindi kita napansin." Sabi ng kaklase ko.

"Ayos lang." Sagot ko at pilit na ngumiti.

Siya si Clarisse. Aawayin ko na lahat huwag lang siya. Ayaw kong mapatalsik sa school dahil anak siya nang founder.

Ms. Clarisse Shane Evergreen.

Pinauna ko na siyang pumasok sa classroom bago ako pumasok. Mahirap na baka pati ako mapag-initan, halata naman na bad mood siya e.

Distansya talaga ako sa kaniya dahil ayaw kong ma-bully ako. Kaya minsan lang din magtagpo ang mga landas namin.

Mga taong lubos kong iniiwasan.
- Clarisse Shane Evergreen
- Caleb Scottie Evergreen (Nakatatandang kapatid ni Clarisse pero same level namin siya dahil nag-ulit ito dati dahil sa pagshishift ng course)
- Briana Dane Valencia (Governor's Daughter)
- Matthew James Angeles (Ultimate bully, kahit anak ng founder ng EC ay nakaaway na niya - Caleb)
- Samantha Kaye Agustin (Girlfriend of Matthew)
- Jared Paul Chance (Cousin of Clarisse and Caleb)

Sila ang pinaka famous sa Evergreen College na kinatatakutan din.

Kapag nakita ko na sila sa kalayuan ay lilihis na agad ako ng daan. Ganiyan ang gawain ko sa loob ng school kaya hindi rin ako ganoon kakilala, hindi rin ako mahilig sa crowded places at makipagkilala sa kung sino-sino lang. Kaya dalawa lang din ang kaibigan ko e, sapat na sila sa akin.

"Good afternoon class."

Nabalik ako sa reyalidad dahil sa boses ni sir.

"Let's start our discussion." Sabi ni sir at humarap na sa board para magsulat.

Nagsusulat lang din ako at nag nonotes ng mga sinasabi ni sir.

After an hour ay tapos na ang first class.

"Okay class, for your research you can group yourselves into 5 members. Choose a topic then let me check it first before you start your final project." Sabi ni sir.

Ayown, final project pa nga, nangangamoy bakasyon na. Hahaha.

As a journalism student e normal na lang sa amin ang mga ganitong tasks, more on research. And I love it, kasi madami akong natututunan at napupuntahan, napaka challenging. More adventure.

Nag-aayos na ako ng mga gamit ko sa desk ko nang lumapit sa akin ang dalawa kong kaibigan.

"So, what's now?" Nakangiting tanong ni Gracielle.

"Three na us. Kulang pa ng dalawa." Segunda naman ni Leianah.

May nararamdaman akong hindi maganda. Sana huwag naman mangyari ulit this time ang nangyari sa mga past projects namin.

"Sa tingin mo Gracielle, makikigroup ba ulit sila sa atin?" Biglang tanong ni Leianah.

Tumingin naman sa akin si Gracielle na parang nang aasar. Sumunod naman si Leianah na tumingin sa akin at ngumiti ng malawak sabay taas baba ng kilay.

TSL BOOK 2: THE PRIMORDIAL ALYXANDRIUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon